Tint Fall For You

10 0 0
                                    

I don't believe in the saying "The more you hate, the more you love." Pero nabago yon nung nakilala ko si Tristan.

One day, I realized that I stopped hating him. The hate fade away and changed into love instead.

Flashback ......

I think I'm fallin', fallin' in love with you
and I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'd turn away
but i'll say it anyway. 🎶 🎶

Tinanggal ko ang earphones ko. At inayos ang mga gamit ko para pumunta sa next subject ko.

Naglalakad ako malapit sa field nang biglang....

Sapul! Natamaan ako ng bola. Saktong sa mukha ko pa. Nakakainis naman!

"Arrggghhhh!" Napahawak ako sa pisngi ko. Ang sakit nun.

"Miss sorry. Okay ka lang ba?" tanong niya.

"Ano sa tingin mo? " inirapan ko nga. Nakakainis to! Mukha ba akong okay? Tumayo ako at umalis.

Tiningnan ko ang oras. Omg! late na ako. Dali-dali akong naglakad papunta sa room 101.

Hays! Buti na lang wala pa si Ms. Perez.

"Kate" napaka-lakas talaga ng boses nitong baklang to!

"Sssshhh! Ang ingay mo. Nandiyan si Dean sa labas." sabi ko kay Jared.

"Ang pula ng pisngi mo. What happened?", tanong ni Kyla sa akin.

"Tinamaan ako ng bola. Nakakainis!" sagot ko.

Jared and Kyla are my bff's. Jared is a gay, napaka-kwela niyan opposite sila ni Kyla. Sobrang hinhin parang si Maria Clara. Haha
Magtatanong pa sana ulit si Kyla nang biglang dumating si Ms. Perez.

Ringgggggggg!

Natapos na ang klase namin. Nandito na kami sa canteen para mag lunch.

Pabalik na ako ng table after kong kunin ang order kong Rice + pork adobo and pineapple juice nag biglang ......

Myghad! Ano bang meron sa araw na to?  Unlucky day! Ang mga pagkain na hawak ko ay tumilapon sa dibdib ko.

Inangat ko ang aking mukha. "What the! Ikaw nanaman ? Arrggghh! Nakakainis ka! I hate you!" mangiyak-ngiyak akong umalis.

Dumiretso ako ng girls locker room para magbihis. Buti na lang dala ko ang aking PE uniform.

Dumating sina Kyla at Jared. "Girl, are you okay?" tanong ni Jared.

"No, I'm not." galit kong sagot. "Nakakainis talaga yong lalaking yon! Puro kamalasan ang nararanasan ko tuwing nakikita ko siya! Arghhhh!"

"Hala! Girl, baka sign na yan. Destiny ba. Haha!" sabi ni Jared habang tumatawa.

"Shut up! Destiny mo mukha mo!" Kainis tong baklang to!

Habang papunta ako ng sakayan ng jeep napansin ko ang isang matanda na tila nahihirapang bitbitin ang kanyang mga dala.

May lumapit sa kanya at tinulungan siya. Napangiti ako dahil sa ginawa nung lalaki. Biglang napawi ang ngiti ko nang makita ko si Mr. I hate you.

Kinabukasan, maaga akong nagising para pumasok. Pababa na sana ako ng jeep nang may biglang motorsiklo na humarorot. Napapikit ako at matutumba na sana ako kaso may biglang sumalo sa akin.

Minulat ko ang mata ko. Nagulat ako dahil si Mr. I hate you ang nasa harap ko.

Shems! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kumalas ako sa pagkakahawak niya.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Okay lang ako, salamat." Ang bilis mg tibok ng puso ko at ramdam ko ang pag init ng aking mga pisngi.

Nasa loob na ako ngayon ng classroom. Naisip ko pa rin yong nangyari kanina. Bakit parang biglang nawala ang inis ko sa kanya. Parang may mali......

Nandito ako ngayon sa library para i-meet yong partner ko sa research. Nilingon ko ang paligid. Ayon may lalaking nakaupo. Baka siya na yon.

Lumapit ako, "Ikaw ba si .....

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang lumingon.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw? Ikaw yong partner ko sa research?"

"Yes. Btw I'm Tristan. Okay ka lang ba? Hindi ka ba nagalusan? Sa susunod mag ingat ka."

Hinawakan niya ang mga braso ko upang i-check kung may mga galos ako.

OMG! Ang lambot ng kamay niya. At ang bango pa.

Napatulala ako. "Ahh oo, okay lang ako. Salamat". Shemss! Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.

Hoy! Kate come to your senses. Umpisahan na ang paggawa ng research!

Tumayo rin si Tristan at nag umpisang maghanap ng mga libro.

Binaba ko na rin ang mga gamit ko at sumunod sa kanya.

Habang nagbabasa siya nakatitig lang ako sa kanya. Hindi lang pala siya gwapo, matalino, mabait at matulungin pa. Isa rin siyang va player pa. Ahay! Ang perfect niya! 

"Don't stare at me. Mag focus ka sa binabasa mo wag sa akin." Ngumiti siya. Shemms! Para akong natunaw sa ngiti niya.

Ano ba yan. Nakakahiya! nahuli niya akong nakatitig sa kanya!

Halos mag iisang oras na kami sa library pero okay lang. Haha! Kahit buong araw kami dito basta siya ang kasama ko.

"Napakadami naman nito. Kawawa na mga brain cells ko. Huhu!" pagrereklamo ko.

Napatingin sa akin si Tristan at ngumisi sabay sabing, "Just highlight the important stuffs."

Omg! Nakakatunaw ang mga ngiti niya!

Biglang nahulog ang bag ko at sakto nakita ko ang aking liptint. Highlight pala ah. Okay sige. Hahaha!

Kinuha ko ang liptint at pinahiran ang aking labi. Pagkatapos ay tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Ayan na-highlight ko na." sabay ngiti sa kanya. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat.

*********End*********

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tint Fall For YouWhere stories live. Discover now