Prologue

880 13 2
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names,
characters, businesses, places, events, locales, and
incidents are either the products of the author's
imagination or used in a fictitious manner. Any
resemblance to actual persons, living or dead, or
actual events is purely coincidental.

****

"Nabuking si Mildred, wala na tayong tauhan sa munisipyo."

A smirked formed on my lips after I heard the news from the other line. Damian quickly lowered down the volume of his phone and walked on the further part of the room. Of course para hindi ko marinig ang usapan nilang ipinagdadamot nilang huwag kong malaman.

He knew I have waited for this.

"Ang sabi ko naman sa'yo, ako na. Let me do the job Damian. Pulido akong kumilos."

"I'll call you back later," He told the person on the other line while looking at me with his piercing eyes. "May kinalaman ka ba rito?"

"Saan?" Maangan kong sagot.

"Huwag ka nang makaila Alkina. Ilang tauhan na ang ipinadala roon. Magagaling at desiplinado, ngunit nakapagtatakang laging nabubulilyaso. Ikaw lang naman ang may kakayahang gumawa no'n."

Umasim ang ekspresyon ko sa narinig. Hindi man lang niya pinabango, talagang ipinagduduldulan niyang panggulo lang ako't papalpak kagaya ng mga nauna niyang inatasan.

"Wala rin silbi 'yang balak mo dahil hindi na tumatanggap ng sekretarya ngayon ang Mayor. Wala nang pinagkakatiwalaan dahil ilang beses ba naman nanyari. Nagdududa na 'yon."

My lips formed into a thin line. Binalewala ko ang frustration ni Damian. Dinampot ko ang aking piece sa chess board at tinabig ang kan'ya. Naigawi n'ya ang atensiyon doon. Matagumpay ko s'yang nginitian bago nagsalita.

"Check mate," I said in a teasing tone.

Ultimo itong pagkakapanalo ko'y dagdag sa pinaniniwalaan kong sensyales na pumapanig sa akin ang mundo.

Pinag-krus ko ang mga binti at pumangalumbaba. Nanunuya ko pa rin s'yang tiningnan.

"Come on Damian, ako pa ba? Kung maghihiganti man ako, sana noon ko pa ginawa. Trabaho lang. 'Yon ang pakay ko. Wala ng iba. Hindi ka na ba nagtitiwala sa akin? Ano nga ba ang bilin sa 'yo ni kuya?"

"Ang bilin ng kuya mo'y ilayo ka sa kapahamakan, Alkina. Mananatili ka rito sa Hongkong, tapos!"

My jaw hardened. Damian is like a loyal dog. Kung ano ang sabihin ng amo ay iyon lang ang pakikinggan at susundin.

"Sige nga, pagkatapos nito may iba ka pa ba'ng plano? Kasasabi mo lang na wala ng pinagkakatiwalaan ang Mayor," I leaned back in my seat and smirked slightly before continuing with my words. "...maliban sa 'kin."

"Ang alam nila'y walang nakaligtas no'ng gabing iyon, Alkina. Ang alam nila'y patay ka na."

"He's dumb and guilty. He'll believe every words I'll say. Maniniwala s'ya sa akin. Pagkakatiwalaan n'ya ako ano't-ano pa man."

Tumaas ang kilay n'ya. "May malalim pa ba kayong ugnayan noon?"

I quickly avoided his eyes. "Drop the subject, Damian."

Nagtagal ang tingin n'ya sa akin ng ilang segundo. Handa na s'yang tuksuhin ako't akusahan ngunit nang naramdaman na ayaw ko ng dugtungan ang usapan ay nagdahilan s'yang maghintay na lang daw ako sa baba.

Hindi ko maiwasang sariwain ang alaala ng nakaraan dahil sa nabanggit ni Damian. Kaunti na lang ay bibigay na ang aking emosyon ngunit naputol nang tawagin ako ng isa sa aming mga tauhan upang ipaalam ang pagbibigay pahintulot ni Damian.

Hindi ko alam kung ano ang naging basehan n'ya sa pagdedesisyon ngunit kahit naman ano'ng maging pinal n'yang sagot ay hindi naman ako magpapapigil. Kahit ano pa man ang ibinilin sa kan'ya ni Kuya ay ako pa rin ang mas nakakataas sa kan'ya. Ano nga ba ang lamang ng kaibigan sa kapatid?

Sa isang iglap ay nakatayo na ako sa harapan ng taong minsan ko nang sinamba at minahal.Batid ko ang gulat at higit sa lahat... pananabik sa kan'yang mga mata. Ngunit bakit?

Matapos ang lahat, bakit may bahid pa rin ng ganoon, o ako lang ay nagiging mapagtanggap?

"Dr. Alkina Recarte, Mayor. Magandang araw," aking bati. Pinigilan kong h'wag manginig ang aking bibig upang gawaran s'ya ng maayos na ngiti.

Damn! Ilang beses akong nag-ensayo sa salamin kahit sa sasakyan bago ako pumasok sa gusaling ito. Hindi ako maaaring magpakita ng kahit na anong bakas ng kaba.

"Alkina..." My name coming from his mouth, it's the first time he's ever said it. It sounded like a mild gasp.

I am more heart broken to see him again and I hated my self for that. But my strong desire to not let go of the plan. I must ignore everything.

Showing true emotions is like bleeding next to a shark, they say.

"I was marveled by your accomplishments and pure intentions for this City. I've tried to reach your team, so I could formally join your party list. But I thought it's much better to meet you in person so we could talk more about it. I'm honored to meet you again, Mr. Mayor."

Again, I smiled as convincing as possible. Hindi ako nagpaalintana kahit na ramdam ko ang pagdating ng presensiya ng taong tunay kong kinamumuhian higit pa kay Justin. Higit pa kanino man.

Lucy...

I tried to not care about what is happening back here. But I accidentally heard from Damian that Justin announced his engagement to the woman who ruined my family. To the innocent looking Lucy who shadowed my life with darkness.

The horror in her face is what I've enjoyed the moment I laid my eyes on her trying to still maintain the same energy I gave to her fiancé.

"I'm elevated to see you two." I smiled to them.

The moment I shook their hands one by one, is the moment they unknowingly gave me access to having an axe to grind.

Make You a HabitDonde viven las historias. Descúbrelo ahora