Chapter 21

3.3K 222 20
                                    

Lumipas ang isang linggo mula noong naligo kami sa private resort. Palagi rin kaming magkasama ni Felix sa eskwelahan. Iyong tipong, araw araw pinagtitinginan kami. Parang nasasanay na ako sa ganoong set up araw araw.

Hindi ko na nakita si Armando o kahit si Diego. Hindi ko makalimutan ang pagkakataon na nakilala ko sila. Mga taong hindi ko kailanman inaakala na makikilala ko.

Confirm na rin na wala na si Melissa dito sa Samar. Si Tatay kahit paano ay kumikita sa pagbabiyahe ng van. Pero alam ko na malayong malayo ang buhay namin kaysa noon.

Noon ay hindi kami naghirap ng ganito.Kahit na si tatay ay malaki ang kinikita kay Melissa noong kelan ay parang wala parin iyon.  Parang mas lalo lang naging malas ang buhay namin.

Lumalalim ang halikan namin ni Felix. Bawat pag hagod ng labi niya sa akin ay parang mawawalan ako ng ulirat. Nakaupo ako sa hita niya habang nasa loob ng hideout nila dito sa Unibersidad de Samar.

Ang kamay niyang isa ay nakapasok na sa aking blouse at hinihimas ang aking isang dibdib. Ang isa niyang kamay ay nasa loob ng aking palda.

Hinawakan ko agad ang kamay niyang nanunuya sa aking pagkababae. Damn it! Pinagpapawisan na ako ng sobra kahit na may aircon itong office dito ni Felix. Oo may aircon at office si Felix dito. Wala namang imposible sa kanya.

"Tama na Felix, h-hapon na." pagpipigil ko sa kanya ngunit ang kamay niya ay hindi ko maialis sa loob ng panty ko. I tried to close my legs tight ngunit wala parin iyon. I am sweating! Ang awkward! Nakatagilid ako at nakapatong ang paa sa sofa kung nasaan kami ngayon gumagawa ng kabalbalan.

Nagkatinginan kaming dalawa. Namumula ako sa katotohanan na hinihimas niya ang dibdib at pagkababae ko habang tinataasan ako ng kilay at nakakagat labi siya. Basa at namumula ang labi niya sa halikan naming dalawa.

"Ugh! Tama na sabi!" binaon ko ang ulo sa kanyang leeg at narinig ko ang kanyang halakhak.

"Ang damot mo naman." bulong niya sa tenga ko. Hindi ko alam na ganito siya ka kulit. Marami akong natuklasan na ugali niya na ako lang ang nakakakita. Mga ugali niyang hindi niya pinapakita sa iba.

"Uuwi pa ako Felix at mayroon na akong trabaho mamaya." sabi ko at napatigil siya sa kakahalik sa leeg ko. Naging seryoso siya.

"Trabaho saan?" hinagod niya ang buhok at kinagat ang labi habang nakatingin sakin. Gusto kong matulala kung gaano siya ka guwapo. Yawa.

Napakurap kurap ako at umayos ng upo sa gilid niya. Tinulungan niya akong ayusin ang aking blouse.

"Tsk, gusot gusot na tuloy!" ungot ko.

"Oo nga, tingin nga ng panty mo baka gusot rin." may pilyong ngisi sa labi niya.

"Ewan ko sayo Felix, basta may trabaho ako mamaya."

"I don't know about that." kumuha siya ng mineral water sa fridge niya. May kung anong burger rin siyang binigay sakin. Pakiramdam ko nga tataba ako sa ginagawa niya.

"Oo ,hindi mo talaga alam at ayoko talagang ipaalam. Tsaka puwede ba kasi. . .huwag mong lagyan ng libo libong pera ang bag ko! Nakakagulat palagi pagdating sa bahay. Ayokong sabihin nila na ginagawa kitang papa de asukal."

"Huh?" inosente niyang reaksyon ngunit napangisi rin. "Sounds good ,though."

Ugh! Ang harot na talaga ni Felix. Bawat araw na lumilipas ay nagiging kumportable siya sakin. Ang galing niyang magpatakbo rin ng isang Unibersidad. Napaka desiplina ng mga studyante rito lalo na ang miyembro ng frat nila. Siguro ngayon ko lang talaga napagtuonan ng pansin dahil sa ngayon lang ako naging curious sa mga ginagawa niya dito sa Unibersidad.

Nalaman ko rin na teacher rin pala itong si Felix. Ewan ko pero hindi dito sa amin. Marami siyang kursong kinuha noon at isa na ang pagiging teacher. Sabi ni Karen sakin noon ang mama ni Felix raw ay isang teacher.

Bukod sa may party silang ginagawa buwan buwan, may mga mahaharot na babae talagang lumalapit kay Felix tulad ng kelan ng makita ko siyang hinalikan ng babae.

Walang bayolenteng nangyayari basta maayos ang mga studyante, may mga bayolente lang na sila Felix ang nangunguna kapag may nagtatangkang pasabugin ang eskwelahan. May nambubugbog sa mga studyante ng unibersidad ay nasa rescue sila agad.

Palaging active ang mga galamay ni Felix sa mga nangyayari sa skul.

Hinatid ako ni Felix sa bistro na pinagtatrabuan ko kung gabi. 6pm to 10pm ako, malaki ang sahod nila sakin at may tip ako minsan. Nakakadalawang gabi palang ako ni trabaho at ngayon lang ako nagkataon na sabihin kay Felix.

Kasi pakiramdam ko bakit ko sasabihin? Wala kaming label. Walang ligawan. Pero naghahalikan kami at may nangyayari samin ng ilang beses. Ni hindi siya nag cocondom at nag wiwithdraw.

Nanlamig ako ng maisip ko iyon ng lumabas sa kotse ni Felix. Nasa harapan na kami ng bistro.

Nakita kong nangunot ang noo niya habang nalalamig ako sa naisip ko.

"Magkano ang kinikita mo dito? Are you sure it's safe?"

Inirapan ko siya. "Oo naman, nagse-serve lang naman ako."

"I will wait for you here. I give you money later-"

"Hindi. Ayoko, yung pera mo iniwan ko doon kanina sa hideout mo."

Nakita kong' nairita siya sa sinabi ko.

Umayos ako ng upo. "Tsaka ang dami mong pera pero hindi ka bumibili ng condom! Ilang beses nang may nangyari sa atin Felix!"

Kinurot ko siya sa gilid niya pero malamig niya lang akong tinitigan. Ayaw niya talaga ng trabaho ko. O baka ayaw niya dahil mas gusto niyang kinakama niya lang ako at bigyan ng pera kaysa magpagod ako dito sa bistro pero pinaghirapan ko ang pera.

Ayokong tanggapin ang binibigay niya. Makokonsensiya ako sa huli.

Lahat ng ito, kami, ay hindi magtatagal. Nandito ako para sa pabor ng pinsan ko. Hindi para sa nararamdaman ko.

Tumahimik ako dahil sa naisip.

"Ano naman ngayon? Kaya nga kitang buhayin kung mabuntis ka dahil marami akong pera. What's the use of condom? I have money."

Sinabunutan ko siya! Yawa talaga itong lalaki na ito. Ang dami niyang isasagot sakin!

"Basta, hindi ako pwedeng mabuntis. Alam ko naman na hindi . . .tayo magtatagal."

Naging seryoso siya ng sabihin ko iyon. Naninimbang ang tingin niya sakin.

"Paano kung totohanin ko to? That I'm in love with you Addelyn?"

Kumirot ang puso ko. Bahaw akong humalakhak. Ang totoo, umiinit ang gilid ng mata ko. Hindi puwede.

"Imposible, sa playboy mong' yan? Seseryosohin ako? Tsaka ayoko naman talaga sayo. . . ayoko lang na saktan mo ang pinsan ko noon sa parusa niya kaya pumayag ako sa deal mo sakin. Kailan ba ito matatapos?"

Ganyan nga Addelyn. Hindi puwedeng mahalin niya rin ako. Dahil alam ko sa sarili ko na. . .mahihirapan ako iwan siya pag nagkataon.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now