KABANATA #1: ANGHELO

13 1 1
                                    

"Magandang hapon po! Narito po ba ang sumulat ng papel patungkol sa Kimika: Agham kagahapon?" Isang magalang na pagbati ng isang kolehiyo sa tagapagmasid ng silid aklatan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Magandang hapon po! Narito po ba ang sumulat ng papel patungkol sa Kimika: Agham kagahapon?" Isang magalang na pagbati ng isang kolehiyo sa tagapagmasid ng silid aklatan.

"Kahapon. Walang salitang Kagahapon iho. Diyan sa pangalawang barikada," masungit na sagot ng tagapamasid. Ang kolehiyo ay napa-atras nang titigan siya ng matanda.

"Maraming Salamat po," kabadong pagbigkas ng kolehiyo habang nagmamadaling nagtungo sa pangalawang barikada.

"Ayun. Kuri Laconsay, ikaw pala. Sabi na ehh!"
malakas na pagbati ni Anghelo. Nagtaka si Anghelo nang makitang may takot sa mata ni Kuri. "Bakit?" Tanong ni Anghelo. Nanginginig na tinuro ni Kuri ang Tagapagmasid ng silid aklatan na nasa likod ni Anghelo.

Pag lingon ni Anghelo, hinampas siya ng kartolina ng tagapagmasid at sinabing, "Anghelo.... Isang beses pang lumabag ka sa mga tuntunin ng silid aklatan, ipagbabawal ko na ang presensiya mo sa kahit anong silid aklatan ng Millenia. Naiintindihan mo?"

"Opo," nanginginig na sagot ni Anghelo. Sa sobrang takot ay hinila na lamang ni Anghelo si Kuri palabas ng silid aklatan upang makapag-usap sila nang maayos.

"Anghelo Barason, Editorial ang isinusulat mo. Lagi ko nababasa ang mga gawa mo sa opisyal na dyaryo ng Unibersidad ng Millenia. Ano po ba ang kailangan ninyo sa akin?" Malumanay na tanong ni Kuri.

"Alam kong nais mong mag-aral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Millenia, nanaliksik ako nang kaunti tungkol sa iyo. At nandito ako para sabihing kaya kitang bigyan ng puwang sa mahigpit na listahan ng mga mag-aaral na makakapasok sa UM." Pagpapaliwanag ni Anghelo sa bata.

"Talaga po? Kaso wala po akong pangbayad," tugon ni Kuri.

"Hindi mo na kailangan magbayad. Sasagutin ko na... May isa lang akong kundisyon," naging seryoso ang tindig ng binata.

"Ano po iyon?" Tanong ni Kuri...

"Alam mo... Lagi nila akong kinukutsa, ang hina ko daw magsulat. Laging simple ang mga gawa ko, hindi mabigat. Ako daw ang pinaka mahinang manunulat sa kasaysayan ng editorial ng UM. Pero ayus lang iyon, tanggap ko naman. Ngunit nung nabasa ko ang gawa mo, ang pagsulat mo. Iba... Nakaramdam ako ng pag-asa. Pag-asa na kahit man lang bago ako magtapos ng kolehiyo, makatulog ako na magkaroon ulit ng boses ang kabataan..." Paluhang pagkwento ni Anghelo.

Hindi umimik si Kuri at patuloy lamang nakinig.

"Ikaw yun, isa ka sa mga magiging boses ng kabataan. Ng bansa. Kaya ipapasok kita sa UM, kapalit ay hayaan mo akong turuan ka magsulat ng editorial. Sikretong pagtuturo lamang upang hindi tayo dakpin. Lalaban tayo. Payag ka b--"

"Pero di po ako katiwa-tiwalang tao. 'Di ko nga po kayang pagtiwalaan ang sarili ko. Hindi po ako ang hinahanap ninyo," mabilis na pagputol ni Kuri sa sinasabi ng nakakatanda.

"Ang tiwala ay binubuo, hindi hinahanap o binibigay. Hayaan mong umusbong ang tiwala sa pagmamahal, Kuri. Sige kinabukasan magkita muli tayo rito. Kung payag ka sa alok ko ay magsulat ka ng isang oposisyong papel at ibigay mo sa akin bukas. Sige na may klase pa ako. Hihintayin kita kinabukasan." Mahinahong tugon ni Anghelo habang bakas sa mukha niya ang pagmamadali.

Kumaway nalamang si Kuri bilang pagbibigay pugay sa nagmamadaling mag-aaral ng kolehiyo.

*KINABUKASAN*

"Mukhang di na sisipot iyong batang iyon ah. Sige na Anghelo, maari namang sumuko minsan. Lalo't di pa alam ng kabataan ang kanilang potensyal..." Bulong ni Anghelo sa sarili. Patuloy lamang syang umupo sa balkonahe at yumuko habang naghihintay.

Nagdesisyong umuwi nalamang si Anghelo nang biglang makita niya si Kuri sa harap niya na mayroong hawak na tatlong sulatin. Hapong-hapo ang bata at sobra-sobra ang hingal. "Pasensya na po, galing po ako sa trabaho. Ito na po ang tatlong oposisyong papel." Hingal na pagsabi ni Kuri.

Nabuhay ang diwa ni Anghelo at mangiyak-ngiyak siya habang binabasa ang mga papel na isinulat ng bata. "Tama ako. Bukas magtungo ka sa silid-aklatan, duon kita tuturuan." Maligayang pagbigkas ni Anghelo.

"Pasensya na po at tila puro pagbatikos ang nasa papel... Madaming anumalya sa gobyerno at ngayon lamang ako nagkaroon ng oras para punain ang mga iyon." Pahayag ni Kuri.

"Ito nga ang nais ko... Ito ang kailangan natin upang magkaboses muli. Tandaan mo Kuri... Ang mulat ay may kakayahang idilat ang mata ng tao sa paligid niya. Malapit na maggabi. Magkita tayo muli bukas. Nasasabik akong turuan ka." Bakas sa mga salita ni Anghelo ang pag-asa at ramdam iyon ni Kuri.

Habang masayang naglalakad si Anghelo pauwi habang hawak ang mga papel na isinulat ng bata ay natapilok siya. Nabitawan niya ang mga papel at aksidente itong napulot ng isang guwardiya sibil. Binalot si Anghelo ng kaba sapagkat alam niyang nabasa ng guwardiya ang ilan sa pahayag ng papel at maaaring dakpin ang manunulat nito. Nag-alala nang husto si Anghelo kaya ginupit niya ang pinaka ilalim ng mga papel at sinunog ito... Nasa ilalim nakasulat na si Kuri ang manunulat ng mga papel ngunit di na ito malalaman dahil nagupit at nasunog na. Alam ni Anghelo na kahit sunugin niya ang buong papel ay dadakpin parin si Kuri sapagkat sila ang huling nagkaroon ng interaksyon. Kaya't inilagay niya nalamang ang pangalan niya bilang manunulat ng papel. At sumulat siya ng pahayag na naglalaman ng galit niya kay Kuri, para akalaing magka-away sila.

....

Kinaumagahan ay masayang gumising si Kuri. Sabik na siyang matuto mula kay Anghelo. Matapos ang klase niya ay nagtungo na agad siya sa silid aklatan... "Ayokong pamhintayin muli si Kuya Anghelo kaya ako naman ang maaga ngayon..." Maligayang pagbigkas ni Kuri.

Nagtaka siya dahil naiyak ang tagapagmasid ng silid aklatan. "Ano pong nangyari, ginang?" Malumanay na tanong ni Kuri.

"S-si Anghelo..." Nanginginig na sabi ng ginang....

"Ano pong nangya--" di na tinapos ni Kuri ang pagsasalita at dali-dali nang nagtungo sa UM... Habang natakbo ay nakasalubong niya ang isa sa mga kaibigan niya, Rie Meyer.

"Kuri!!! Wag. Wag mo na puntahan," sigaw ni Rie habang pinipigilan si Kuri.

"Dinakip siya? Dahil sa mga papel ko yu-"

"Papel mo?" Nagtatakang nagtanong si Rie habang inaabot kay Kuri ang tatlong sulatin...

Umagos ang luha ni Kuri nang makitang pangalan na ni Anghelo ang nakasulat bilang manunulat ng papel...

"K-kuya..."

"Kumatok ang mga guwardya sa kwarto niya kagabi. Hiniwa ang bibig niya at sinaksak ang lalamunan niya para di makasigaw. Binaril siya ng tatlong beses sa ulo. Kinuha ko lang ang mga papel na iyan noong may pagkakataon." Malungkot na pahayag ni Rie.

Umiyak lamang nang umiyak si Kuri... Napaluhod siya at pinunit ang mga sulatin. "Ang huling sinabi niya sakin... Imulat ko rin ang iba... Kala ko tuturuan mo pa ko..." Umiiyak na bigkas ni Kuri.

Matapos ang ilang araw... Bilasa parin si Kuri. Hindi siya nakibo sa klase at nahuhuli na rin sa pagpasa ng mga gawain. Parati siyang nagtutungo sa silid aklatan upang mag-aral ng agham.

*TATLONG LINGGO ANG MAKALIPAS*


"Kuri..."

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo Rie. DI NA NGA ULIT AKO SUSULAT!!!"

"Kumalma ka... Ito oh.. basahin mo. May pag-asa pa."

"Ano ito?"

"Resibo..."




------ END OF CHAPTER ONE ------



Magandang araw mga binibini't ginoo! Sana nagustuhan ninyo ang unang kabanata. Maraming Salamat sa pagbabasa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MILLENIA: The Rise Of The Golden BatchWhere stories live. Discover now