9

12.3K 677 271
                                    

LILIANA HELLION

Maliwanag na sa labas nang tingnan ko ang bintana. Hindi na ako bumalik sa tulog dahil nag-iisip pa rin ako ng paraan kung paano ako makakatakas sa pesteng lugar na ito. Pero lintik na utak 'to, ayaw gumana at wala rin akong maisip na paraan kung paano nga ba ako makakawala.

Nagsisimula na rin akong mangalay dahil sa kadena sa kamay ko. Masakit na rin ang pala-pulsuhan ko.

Sana naman ay mahanap na ako agad nina Daddy at ma-rescue na nila ako. Wala akong ideya kung sino ang may pakana nito.

Ang tanging kailangan ko lang na gawin ay makawala at takasan ang mga lalaking kumidnap sa akin. Kahit hindi ko alam kung ilang mga lalaking nagbabantay sa labas ay sigurado naman ako na marami sila at mga armado pa.

Agad naman akong umayos ng upo nang marinig ko ang mabibigat na yabag na papalapit sa pintuan. Narinig ko rin na sinususihan ang padlock sa labas. Talagang pati 'yung pintuan sa labas ng kuwartong ito ay nilagyan din nila ng padlock upang hindi ko sila matakasan.

Lumunok muna ako at hinintay kung sino ang papasok sa kuwartong ito. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa 'kin 'yung lalaking may peklat sa noo kaya naman pinukulan ko siya ng masamang tingin.

May hawak siyang isang paper bags at hindi ko alam kung ano ang laman niyon pero inihagis niya 'yon malapit sa akin.

"Magpalit ka ng damit. Alam naming nangangati ka na sa suot mong gown," seryoso niyang utos sa akin.

Kahit hindi ko buksan 'yung paper bags ay nagawa ko pa ring makita ang laman n'on. Mga damit na halatang mga bago pa.

Dumako ang atensyon ko sa lalaking matangkad na pumasok. Napansin ko ang suot niyang black cord bracelet. Siya 'yung mismong kumidnap sa akin, siya rin ang nag takip sa bibig ko para hindi ako makahingi ng saklolo. Alam kong siya iyon kahit pa na nakasuot siya ng face mask.

"Sige na, tanggalin mo na 'yung kadenang nakagapos sa kanya para makapag bihis na siya," utos ng lalaking may peklat sa noo bago siya lumabas ng kwarto.

Tinapunan ko naman ng masamang tingin 'yung lalaking may suot na bracelet bago niya sinarado ang pintuan. Kung hindi dahil sa kanya, wala sana ako dito ngayon.

"Magpalit ka ng damit," kalmado niyang utos. "Darating mamaya ang boss namin para makita ka."

Ilang segundo pa akong natigilan dahil sobrang lalim ng boses niya. Nakakatindig balahibo pero sumagi sa isipan ko na siya ang kumidnap sa akin.

"Pakawalan mo ako rito!" asik ko sa kanya. Kung hindi lang talaga ako nakagapos dito ay baka sinugod ko na siya.

"What a jerk! Dahil sa iyo kaya ako narito ngayon. You kidnapped me! Ayokong makita ang pagmumukha ng kung sino man 'yang amo niyo!" nanggagalaiti ko pang sabi.

Pero hindi niya pinansin ang pagsigaw ko sa kanya. Agad siyang humakbang palapit sa akin at walang imik niyang kinalag ang kadena sa dalawa kong kamay.

Kahit naiinis ako at galit na galit ay mas pinili ko na lang na huwag ulit sumigaw. Wala rin naman akong mapapala kahit na sumigaw ako. Ako lang ang mahihirapan, ako lang din ang mapapagod.

Hinintay ko na lang na matapos siya sa pagtanggal ng kadena sa dalawa kong kamay habang titig na titig ako sa mga mata niya. Kahit pa na kalahati lang sa mukha niya ang nakikita ko ay halata naman na may itsura siya.

Makapal ang kanyang kilay, may mahaba siyang pilikmata at may pagka-kulay abo naman ang dalawa niyang mga mata.

Ewan, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito kalakas ang kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung sadyang hinihingal lang ako nang sigawan ko siya o kinakabahan lang ako sa kanyang presensya.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Soon To Be Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon