Luna's Fate

13 3 0
                                    

Noong unang panahon ang mga Bampira ay dumating sa pilipinas mula sa europa, ang mga nilalang na ito ay mayroong mga pulang mga mata at maputlang mga balat. nagtataglay ang mga ito nang kakaibang lakas, at kakayahan na makalipad sa pamamagitan nang pagtalon nang mataas at higit sa lahat ang mga Bampira ay uhaw sa dugo nang mga tao.

Sa Lumipas na panahon ang mga Bampira ay nakihalubilo sa mga tao, sa tagal nang panahon nang kanilang pag-iral sa mundo ay nakakasabay na sila sa technolohiya nang mga tao. ang kanilang matinding kahinaan ay kanilang nabigyan nang solusyon, sa pamamagitan nang isang makabagong langis na nagagawang protektahan ang kanilang mga katawan sa matinding sikat nang araw.

Kaya naman ang mga Bampira ay kasalukuyan nang malayang nakakakilos sa ilalim nang sikat nang araw, nang hindi nasusunog ang kani-kanilang mga katawan. Dahil dito ay nahati sa dalawang panig ang angkan nang mga Bampira, mayroong mga Bampira ang mas pinili na uminom nang dugo nang mga hayop. Habang ang ibang mga Bampira ay mas pinili ang pag-inom nang dugo nang mga tao.

Dahil doon ay nagkaroon nang malaking sigalot sa loob nang angkan nang mga Bampira, at ang pinaka-nanaig sa labanan nang kanilang lahi ay ang mga Bampira na mas piniling uminom nang Dugo nang mga tao. Dahil doon ay ang mga Bampira na mas piniling uminom nang dugo nang hayop ay umalis sa kanilang kampo.

Gumawa sila nang kanilang sariling sebilisasyon kung saan malaya silang makakakilos nang normal, at ang lugar na iyun ay ang kagubatan.

Samantala ang angkan nang mga Taong Lobo ay orihinal na naninirahan sa pilipinas, ang mga taong lobo ay mayroong malakas na pakiramdaman at matalas na pang-amoy. ang mga ito din ay mayroong kakayahan na magbagong anyo bilang mga Lobo, sa pamamagitan nang kanilang pagbabagong anyo ay nagkakaroon sila nang malakas na pwersa kung saan ay kaya nilang pumaslang nang kanilang mga biktima gamit lamang ang kanilang matatalas na mga kuko.

Subalit nang magsimulang dumating ang mga Bampira, ay doon na nagsimulang magkaroon nang sigalot sa dalawang angkan. Ang mga taong Lobo ay nais na palayasin ang mga Bampira sa kanilang nasasakupan, subalit ang kanilang mga aksyon ay hindi sapat upang mapalayas ang mga Bampira. at sa Huli ay nagkaroon lamang nang isang malawakang digmaan sa pagitan nang dalawang angkan.

Ang Dalawang Angkan ay nagkaroon ang digmaan nang mahabang panahon, maraming mga nadamay na mga tao dahil sa digmaang iyun. Marami ding mga taong Lobo at bampira ang napaslang mula sa digmaan na iyun, sa paglipas nang mahabang panahon ay nagkaroon nang pansamantalang katahimikan ang dalawang angkan.

Dahil unti-unting pagbabago nang mundo, ang matagal nilang pag-iral sa mundong ito ay itinuturing nilang sumpa mula sa kanilang angkan. Dahil maraming henerasyon na nang mga tao ang kanilang nasaksihan sa mundong ito, at ang sigalot sa pagitan nang mga Lobo at bampira ay tumagal na nang ilang siglo.

Subalit ang Digmaan nang dalawang angkan ay bigla na lamang nabago, dahil sa paglitaw nang isang tao na mayroong tinataglay na kapangyarihan. isang tao na nagtataglay na makita ang itinadhanang nilalang, at iyun ay ang nilalang na maghahatid nang kapayapaan mula sa dalawang angkan.

Ang Angkan nang mga Taong Lobo at Bampira...


A/n: Hello Everyone

Medyo naadik ako sa mga twilight series haha, and naisip ko na pwede ako gumawa nang story about sa ganitong genre. hehe sana ay suportahan din ninyo ito.

pansamantala ay ito muna ang patikim ko sa inyo, mag dedesisyon pa ako kung ano o sino ang magiging main karakter dito. kung babae ba o lalake, basta kapag nagkaroon na ako nang ediya ay ilalabas ko kaagad ang unang chapter. and pasuyo na din po sa book cover kung meron man po ang willing na gumawa hehe....

salamat:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Luna's Fate: Book 1Where stories live. Discover now