Lolx!

77 2 6
                                    

Hey guys! Ito yung story na dapat i-s-submitt ko sana kina ate kim at ate Louisse nung Wattpad meet-up kaso hindi ko nabigay kasi nawala yung papel ko hahahah!

Dedicated to littlemisswise! Na literal na little de joke na nag request sakin nito! Dapat basahin mo to ah! Utang na loob! Maawa Ka saken de jk

Okay ito na! Dizizit! Lolx

-----------------

its summer and I ask my mom for a vacation, wala lang maiba lang

So nagpunta kami sa beach kung saan kami madalas pumupunta nila kristine noon

Kristine is my bestfriend, she's always there for me we were inseperable, tas one time she introduce me to her friends Joy, Erin, Kris, May, Ashley and Dane

Na miss ko tuloy sila bigla!

Naglakad lakad ako sa beach nang may makita akong group ng mga teenagers, masaya silang nagtatawanan habang naglalaro ng volleyball

Naalala ko tuloy sila, i missed them... i missed them a lot

Noon magkakasama kami buong magdamagan but when they knew about my condition.. nawala na yung dating kami, nawala na yung masayang kami

Some of them stayed pero nawala rin unti unti

hindi na nga nila ako sinasama sa mga gala na dapat kumpleto kami eh

'Sino ba naman ang gustong mag tyaga sa isang cancer patient?'

Kaya ito ako ngayon 'Loner'

Habang naglaakad ay mayroon akong narinig na hikbi

"I wanna die... i wanna die! I hate my life" A girl shouted from afar

she sniffled and throw something duon sa dagat

"Do you mind me sitting here?" I ask bago tuluyang makaupo sa tabi niya

"When i say yes aalis kaba?" Mataray niyang sagot habang pinupunasan ang mukha niyang may kalat-kalat na make up

"Hindi..." i slyly said

"Bakit gusto mo nang mamatay?" Tanong ko habang naka tuon ang atensyon ko sa dagat

Nakita ko naman ang pagiging uneasy niya habang nakatingin sakin through my peripheral vision ko

"Gusto ko eh bakit ba!"

Tahimik lang ako habang naghihintay na sagutin niya ng maayos ang tanong ko

"I wanna die because im stupid..." she said between her sobs "i'm stupid enough to believe that nothing's wrong with us"

Ayun na yon? She wanted to die because she's broken? Kasi iniwan siya?

"Yun na yon?" I ask

"Oo.. yun na yun, ambabaw ko ba? Sorry umasa ako sa forever niya eh" sarcastic niyang sagot

I snapped my fingers "ate wake up! This is not a fairytale. This is reality, walang forever you just have to live and enjoy the moment while it last!" I said habang nakatingin sa kanya

she glared at me "Ang sakit mo magsalita ah, close ba tayo?" She paused "wala kang alam atsaka masama bang hilingin na tumagal kami?"

I sighed

"Tama ka, wala akong alam... kasi in my 24 years of exsistence hindi manlang ako nabigyan ng chance magmahal" I stated a matter of factly "takot kasi ako, takot na pag nalaman nila yung kondisyon ko layuan din nila ako"

"Condition? What about your condition?" She asked

"I have stage four cancer simula pagkabata ko dala-dala ko na to lumala lang ng lumala" i said

"im sorry"

I chuckled

"No dont be... i'm saying this because i want you to realize na kailangan mo i-value ang buhay mo kasi ako i'm striving hard to live simula pagkabata ko tapos ikaw ano? Gusto mong mamatay? sasayangin mo ang buhay mo sa walang katuturang bagay? ....

"lahat ng bagay may hangganan, may katapusan, may ending... masaya man yan o hindi be thankful" i paused "diba sabi nga sa quote 'Don't cry because it's over, smile because it happened' atleast sumaya ka sa maikling panahon na binigay ng Diyos para sa inyong dalawa"

Ngumiti siya ng pilit "tama ka... sorry sa pinairal ko kanina ah nakaka frustrate na kasi talaga eh hindi ko alam kung ano na ang gawin ko... Four years kami eh, sa tagal ba naman namin hindi ko na naisip na darating pa ang araw na ito" she said habang nagbabato ng bato sa dagat "Hindi ko alam na darating yung time na mapapagod siya, isa lang naman ang gusto kong ma klaro eh...

"bakit nung three years kami hindi siya napagod? Nung two years? Bakit? Nakaka gago diba?"

Umiiyak nanaman siya... hay nako! Leshe lolx

"Kapag sinabi ba niya sayo kung bakit siya napagod may magbabago ba? and it doesn't change the na fact na hindi ka na niya mahal? Na pagod na siya... Hindi narin naman maaalis yung galit mo sa kanya eh" i muttered

"Hindi" she said slyly

"Yun naman pala eh... wag kang magmukmok diyan sayang yung buhay mo, ako anytime pwede na akong mamatay ikaw hindi pa naiingit nga ako sayo eh...

"kaya gawin mo yung pwede mo pang gawin while you are exsisting... wag mong hayaang ma stuck ka dahil sa taong hindi naman deserving sa lahat ng atensyong ibinigay mo" i paused. pinipilit kong huminga ng maayos "you'll find the right guy at the right time... and use that time to prove him that you deserve to be loved....

"Gayahin mo si Taylor Swift, she's using it as inspiration not depression sabi pa nga niya eh 'turn your pain into dollors' instead of being depressed she's being productive na dahilan din para sumikat siya... haha fan ako!"

She laugh and hugged me "thank you" she said

I hug her back

"no problem"

"Mela! Mela! You had me worried about you!" A woman shout from behind

Tumingin ako sa babaeng kaharap ko "sorry but i have to go"

She smiled and pat my back bago humiwalay sakin

"Ate stop shouting, you're so annoying!" Sabi ko habang tinatakpan ang magkabilang tenga ko

"Nako mela! Ano nalang Gagawin ko kung napaano ka dun!" Sabi niya habang pinapa upo ako sa wheelchair at kinakabitan ako ng oxygen

I glance at her for the last time and bid goodbye

Sana may natutunan siya I thought

All rights reserved 2015

-----------------

Kaya sa mga broken diyan , broken family, broken nose, broken face, broken hearted o ano man yan 'don't loose faith and believe' hahahahah yun lang!! I'm begging! Lolx

The Cancer Patient's Story (One Shot)Where stories live. Discover now