Chapter 1: Companion

27 3 0
                                    

Matthew Art Rodriguez

October 5 2020

4:00 PM

Bahay nila Uno

"Matt mag mid ka?" tanong ni Arvin habang naghahanda ng makakain namin sa kusina nila Uno.

"Sige lang sagot ko na lamang sakanya." Angas netong taong to eh di nya naman bahay pero sya na nagluluto pagkain naming tatlo

"Susunod daw ba talaga si Dencel? Baka mamaya boka naman yon" tanong naman ni Uno

"Susunod yon mag pick ka na dyan wag mo na problemahin yon" sabi naman ulit netong si Arvin habang pabalik na sa sofa dala yong luto nyang pancit canton kung saan kami nakaupo ni Uno

Nandito kami kila Uno ngayon kase wala syang pasok at namiss naming tumambay. Naglalaro lang din ng ML dahil wala na ibang magawa, napag kwentuhan na rin mga ibang bagay kanina kung ano anong laro lang naman at syempre ibang kalokohan kahit tatatlo pa lang kami marami pa rin naming napag kwentuhan. Kanina pa kaming umaga magkasama ni Arvin dahil nasa computeran kami mula kaninang umaga pa, nagchat lang si Uno na wala syang pasok at wala syang kasama sa kanila kaya kesa umuwi para mananghalian ay dumiretso na kami ni Arvin sa bahay nila Uno. Nakadalawang game na kami nang biglang dumating sila Oscar at Dencel. Agad naman silang lumapit samin at naupo na rin sa tabi namin

"Tagal nyo dumating paubos na pagkain" pang aasar sakanila ni Uno

"Inantay ko pa makauwi si Oscar nagsabi sya sa gc diba?"

"Sige na sige na open na grind tayo tas tambay mamaya sa park sagot na lamang ni Uno sakanila."

Matthew

October 5 2020

7:00 PM

Bahay pa rin nila Uno

Nagka yayaan na lumabas nalang para kumain dahil kanina pa kami naglalaro.

"Ano ba meron sa Park ngayon? May nagtitinda ba?" tanong ni Dencel habang inaantay namin si Uno na ilock pinto ng bahay nila.

"Si Matt tanungin mo sya malapit sa Park eh o kaya kay Vin" sabi ni Uno nang matapos syang mag lock

"Ewan ko, di naman ako nagagawi masyado doon sa comshop lang ako napunta pag nalabas eh" sagot ko na lamang sakanila dahil bihira naman talaga ako lumabas, kung lalabas man eh nasa computeran lang din talaga lalaro ilang oras tas uuwi kapag nagsawa na maglaro. Kahit na pandemic eh may iilan na computeran namang nagbubukas samin dahil na rin siguro sa kailangan nila kahit papano ng kita dahil pandemic nga

"Magluto nalang talaga tayo pancit canton ulit pag wala tayo nakitang pagkain hahahaha" natatawang sabi nalang neto ni Arvin

Dahil wala naman ibang pagkain na mabibili eh nag pizza at softdrinks nalang kami na mukhang dadalhin namin pabalik kila Uno dahil mukhang bawal na magtambay dito sa Park. Isa to sa tambayan naming bago ang pandemic madalas kami magtambay dito after ng klase para magkwentuhan.

"Walangya babalik nanaman tayo hahahaha" nasabi na lamang ni Arvin habang natatawa, wala eh bawal pa rin pala mag tambay dito may mga nagtitinda lang talaga pero pwede naman daw pala sila mag deliver kung alam lang namin di na lang talaga kami lumabas hay nako.

Dahil wala naman kami ibang pagpipilian eh natatawa tawa nalang kaming bumalik kila Uno at doon na nagpalipas ng gabi.

Matthew

December 20 2020

2:00 PM

Bahay namin [hanapin nyo nalang]

Malapit na pasko pero di ganon karamdam dahil nga sa pandemic, di lang ganun karamdam kase hindi gaya nung mga nakaraang taon na kahit papano kapag ganitong araw na eh pakiramdam mo bukas na agad pasko. Ngayon wala parang normal na araw? Pero sana matapos na rin tong pandemic walang wala na ko magawa sa bahay, hindi na nakakatambay o nakikita man lang mga kaibigan.

Laman ng balita vaccine ibat ibang uri ng vaccine, dahilan bakit kailangan neto at kung ano ano pang impormasyon patungkol dito. Akala ko dati hindi lalala nang ganito yong sitwasyon. Hindi lang naman ako makalabas pero ayos pa naman ako, marami namang laro ang pwede sa phone lalaruin ko na lang lahat habang bawal pa naman lumabas.

Behind the Clouds  [Revamped]Where stories live. Discover now