Chapter 26

4.9K 323 28
                                    


Kahit mahirap ay kinaya ko. Nahirapan akong humingi ng exam sa mga teachers para lang makahabol ako. Halos wala rin akong baon sa loob ng dalawang araw na pagbalik ko sa eskwela. Ramdam ko na ayaw sa akin ng lahat. Nakita ko rin ang maririin na titig sakin nj Borge at ibang kagrupo niya lalo na kapag kasama ko si Karen.

Mabuti rin at hindi na naisali pa sa gulo nila sila Karen at ang pamilya namin. Naging tahimik kahit paano. Ang tahimik rin ng buhay ko pero alam ko sa sarili ko na ako'y malungkot.

Hindi ko narin kinakausap si Karen. Minsan, pinapasabay niya ako sa kanila ako lang ang tumatanggi. Kahit si Hannika ay nanahimik na rin.

"Addelyn. . . Pakilinisan ang room. Ikaw lang mag isa." nagulat ako sa sinabi ni ma'am Donna, teacher namin.

"P-Po? Ako lang mag isa?"

"Oo!" inirapan niya ako. Tumingin siya sa mga studyanteng papaalis na ng room ngayong hapon. Alas tres na at balak ko sanang kumain sa labas ng skul dahil gutom na ako.

She came closer to me. "Alam mo ba na wala nang pondo itong eskwelahan dahil wala na dito si Sir Felix. Big time iyon! Lumiit ang sahod namin ngayon dahil walang financer. Malayo tayo sa kabihasnan at nangangailangan pa ang skul na ito Addelyn. Alam ng buong lugar ang nagawa mo!"

Ramdam' ko sa pagbalik ko pa lang sa eskwelahan na ayaw na sakin ng mga guro. Mayroon rin na nananahimik nalang.

Wala akong nagawa kundi ang linisin ang room namin. Nag walis at nag mop ako ng sahig. Inarrange ko ang mga upuan namin. Tagaktak ang pawis ko ng umupo sa isa sa mga upuan. Tinitigan kong'  mabuti ang larawan ng apple na pula sa aking harapan. Naalala ko noon ang sinabi sakin ni Felix na ako ang apple of the eye niya.

Hindi ko man maalala ng lubos ang nakaraan ko . . .alam ko sa aking sarili na iba si Felix para sa akin. Mahal ko siya ng sobra.

Natapos ko ang paglilinis ng room at lumabas na. Naalala ko ang Tea leaf na binayaran noon ni Felix para pag serbisyuhan ako. Iyong libre ako bawat punta ko doon.

Nilabas ko ang wallet ko at nakitang 100 pesos ang aking pera. Kinagat ko ang labi. Kailangan ko pang mamasahe. Hindi ako binibigyan ng pera ni tatay.

Lakas loob akong pumunta sa Tea Leaf para maibsan ang aking gutom na nararamdaman. Walang masyadong studyante ng makapasok ako. Kagat labi akong pumunta sa cashier.

"Uhm, isang order ng-"

"Ah. Wala napo kayong service para sa amin. Cut off napo lahat ng libre para sainyo. Sorry miss pero napag utusan lang kami." aniya.

Umawang ang labi ko. Hindi na ako magtataka kung bakit iyon nagawa ni Felix.

Wala akong perang pambili. Pero. . .gutom na ako. Kahit na makauwi ako alam kong wala ring ulam.

Napilitan akong ibayad ang 100 pesos ko. Sa huli nilakad ko lang ang kahabaan na daan patungo sa bahay. Halos gabihin narin ako at mukhang hindi talaga makakabusog sakin ang inorder ko kanina.

Gusto kong umiyak dahil sa halo halong nararamdaman ko. Kulang pa ang mga alaala ko. Natatakot ako sa mga puwede ko pang malaman. Tuwing gabi, tinitiis ko ang bawat pagsakit ng ulo ko. Sa bahay, ramdam ko ang aming paghihirap. Napapabayaan na ang bahay kung wala ako. Si tatay halos hindi umuuwi. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing maalala ang mukha ni Felix sa aming huling pagkikita.

Ang pagkasuklam at lungkot sa kanyang mga mata ay klarong klaro sa akin. Parang nadudurog ako.

Sabi ni Karen, nakaligtas ang mga hapon sa kanilang interaksyon ni Felix. Maraming sugatan at naging kalbaryo iyon ng mga tao dito sa Samar. Ang iilan ay alalang alala kay Felix. Hindi ko alam na marami siyang tinutulungan dito sa Samar.

Kamusta na kaya siya?

Tsaka si Diego. Babalikan niya ako sabi niya. Parang gusto ko nalang na sumama sa kanya. May kung ano sa akin ang gustong sumama sa kanya.

Napapitlag ako ng may kotseng tumigil sa aking gilid. Pamilyar iyon.

"A-Armando?"

Hindi ako nagkamali dahil ng bumaba ang bintana ng kotse niya ay nakita ko agad siya.

Nabuksan agad ang pintuan ng kotse.

"Ihahatid kita."

Napakurap kurap ako. Hindi ko inaasahan na magkikita pa kami!

Pumasok ako sa sasakyan niya at halos kabahan ako. Maraming ideyang pumasok sa utak ko na baka alam niya kung ayos ba si Felix at kung ano ang ginagawa niya.

"Where do you wanna eat?" tanong niya habang titig na titig sakin. Parang alam niya na gutom ako at pagod.

Uminit ang gilid ng mga mata ko at hindi ko maiwasang umiyak.

"K-Kahit s-saan." pumatak sa aking palda ang aking luha at nakita kong nakakuyom na pala ang mga palad ko doon.

Narinig ko ang buntong hininga niya at pinaharurot ang kanyang sasakyan. I feel safe and comfortable after all.

Dinala niya ako sa syudad at sa isang restaurant.  Marami siyang inorder sa akin na mga pagkain at tahimik lang siya.

Actually, dalawa kami tahimik na kumakain. Ako naman, ang dami ko nang naubos na pagkain.

Kasi alam ko iilang buwan o taon yata na hindi ako makakakain ulit nito. Lalo na sa sitwasyon namin ngayon.

"Pumayat ka." komento sakin ni Armando. Napatigil ako sa pagkain.

"Ah baka sa madalas na pagsakit ng ulo ko at-"

"Sumasakit? We need to check you up in that case. Sasamahan kita bukas."

Nagulat ako doon. Hindi na ako nagtataka kung bakit alam niya na may amnesia ako. Kaibigan niya si Felix at Diego.

Buti pa siya, alam niya tingin ko noon pa. Ako naman ay sariling ulo at katawan ko ay huli ko na nalaman.

"Uh, wala akong pera pa Armando tsaka nakakahiya. Di naman siguro ako mamamatay nito?" bahagya akong napatawa.

Ang mga mata niya ay tila ba maraming gustong sabihin ngunit pinili nalang niyang pumikit ng mariin.

"I know that it's been a long time. Minsan na tayong nagsama kaso ayokong pangunahan ang lahat. Matalino ka Addelyn ngunit ang puso mo at kabaitan mo ang nauuna sayo. I don't care if this would trigger your head but Diego is your brother." Parang may kidlat na dumaan sa mata ko patungong utak kaya napapikit ako.

"-I am your fiance.  Nagkasundo na ang mga pamilya natin noon but then, you were having an affair with your crush, Felix."

Fuck.

"Sabi mo sakin noon na gusto mo si Felix at kahit magkaibigan ang mga magulang ninyo ay hindi payag ang pamilya mo na maging kayo dahil may utang na loob ang daddy mo sa akin. Masama ang loob sayo noon ni Felix dahil minsan niya na tayong nakikitang naghahalikan. We're tempted back then pero mas mahal mo siya."

Fuck. Mali lahat. Maling mali ang lahat na akala ko si Felix ang first kiss ko! Iyon pala ay may amnesia ako!

I feel myself collapsed with so much emotions.

Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now