Rewrite the story...

93 0 0
                                    

Chapter I

RJ's POV
Presenting to you the casts of the best ever film and top rated series Rewrite The Stars!

Nagpalakpakan ang lahat, Ang mga manunuod ay sabay sabay na naghihiyawan, kanya-kanyang sigawan ng pangalan ng kanilang mga iniidolo heto na naman ako, heto na naman tayo, kailangan ulit magpakita ng ngiti, ng kasiyahan, dahil sa industriyang aking ginagalawan, hindi kailanman ligtas ang magpakita ng tunay na damdamin lalong lalo na ang kahinaan.

Isa-isa na nga kaming tinawag ng host na si kuya Robi sa entablado, una ay si Maxpein, sumunod si Deiblohr at panghuli ako.

"Welcome to ka-talk! Show mo, show ko, at show ng lahat! Welcome Maxpein, Deiblohr and ofcourse RJ". Pambungad ni kuya Robi

Pinag usapan ang katatapos nga lamang ipalabas na full trailer ng aming film-series na Rewrite The Stars kung saan pinagbibidahan ni Maxpein at ni DeibLohr at kung saan ako naman ang 2nd lead na lalake.

Nakangiti Ang dalawa habang tinutukso-tukso sila ni kuya Robi, ako naman nangingiti ngiti rin. Kailangang makiride-on sa panunukso eh, Alam mo na para mapakilig pa lahat ng mga manunuod.

Tumagal pa ito ng ilang minuto at natapos na rin sa wakas. Uwian na!!!

"RJ!" Narinig kong tawag sa akin ni Maxpein, ngumiti ako.
"oh, bakit Max? May kailangan ka?"
"Uhm... Oo Sana eh , pwede ba akong sumabay sa iyo? Since on route naman Ang dadaanan mo sa bahay namin, nagmessage Kasi si Manong Ben hindi daw ako masusundo ngayon kasi nagpasama sina mommy at daddy". Mahabang salaysay niya.

Hindi mapagki-pagkit Ang ngiti niya, at mas lalo pa akong napabuntong-hining nang palihim, dahil mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Nakakainis naman oh!
Wala na akong magagawa dahil alangan namang sabihin kong hindi?

Idinaan ko na lamang sa biro at sinabing "Sa iyo ang gas ha? Full tank!" At napasimangot naman siya, kalauna'y ngumiti rin. Haha
"Ang Saya mo talagang inisin Max!" Sabi ko dahil nagpatiuna na siya.

Maxpein's POV

Nakakainis talaga itong si RJ, parang mula nung magkakilala kami at magkasama sa iisang workshop agency hanggang sa maging magkawork e sinumpaan na niya atang buwisitin ako, pero hindi ako magpapatalo sa kanya no!

Liningon ko siya nung marinig ko ang pagtawag niya, ngingisi-ngisi pa rin ang loko! Badtrip! Mabungi ka Sana! Pero joke lang yun, Sayang naman Ang kaguwapuhan pag nagkataon. Haha, napangiti tuloy ako sa kalokohang aking naisip.
"Oh, Max, nababaliw ka na ba? Ngumingiti ka nang mag-isa diyan oh" Aniya.
Mas lalo ko pang linakihan Ang ngiti ko Hanggang sa Alam Kong nagmukha na itong ngisi, binabawi ko na. Mabungi ka Sana!

Deib Lohr's POV
Nakita ko Sina Maxpein at RJ na papalabas na, Hindi man lang ako hinintay ng mga to. Tsk!
Naghaharutan pa sila, may pangiti ngiti pang nalaman.
"DeibLohr! Pauwi ka na?". Napalingon ako at Nakita ko si kuya Robi, nakapamulsa at ngingisi-ngisi
"Bakit ka ngumingisi diyan kuya Robi?" Tanong ko sa kanya
"Napaghahalataan ka, nagseselos ka sa dalawa no?" Aniya. Napamulagat naman ako at Todo tanggi, kung Anu-ano talaga naiisip ng isang to.
"Naku kuya Robi, tigilan mo ako, kung anu-anong pinagsasabi mo". Sabi ko
"Oh, eh Hindi nga ba?" Aniya at tiyaka tatawa-tawang naglakad papalayo.

Tsk! Haynaku! Makauwi na nga, napagod ako sa interview Namin kanina. Halos hindi magkamayaw Ang mga tao sa kakatili. Sabagay, masisisi mo ba sila? E pinapanuod nila kami Si Maxpein at ako na binansagang hotest loveteam of the century, isama mo na rin si RJ na best 2nd lead of the year. Ano nga ba Ang ieexpect? Well even I, I never expected that our pairing will be this huge sa mga tao. But I thank God for all the blessings. Kahit paano, at ease na rin naman kami Nina Maxpein and RJ sa isa't-isa. Minsan nga lang Hindi ko mapigilang mainis sa dalawa Kasi pag nawawala na kami on cam para na akong na oop. Tsk! Napabuntong-hininga na lamang ako.

What If We Rewrite The StarsWhere stories live. Discover now