Simula

282 83 9
                                    

IMPERFECTLY WRITTEN.


⛅⛅⛅

Simula noong bumukod na ang kapatid kong si Claude pati ang asawa nitong si Cascade, naging tahimik na ang buong bahay namin. Kaming dalawa na lang kasi ni Daddy ang nakatira rito. Wala na 'yong maingay, madaldal at makulit kong kapatid.

Aminado akong nakaka-miss din pala 'yon. Noong bata pa kasi kami, hindi na halos kami mapaghiwalay ni Claude. Nine years old pa lang ako nang mawala si Mommy, kaya simula noon, ipinangako ko sa sarili kong magiging mabuting anak at kapatid ako.

Hindi ako nagpabaya sa pamilya namin. Hanggang ngayon ay pinaninindigan ko pa rin 'yon. May sarili na ngang pamilya si Claude pero nandito pa rin ako. Nauumay na nga yata 'yon sa presensya ko, eh.

Wala naman siyang choice dahil Kuya niya ako. Hindi na nga rin muna ako umalis sa poder ng tatay namin dahil ayaw ko rin naman siyang iwanang mag-isa.

"Cloud, aalis na ako," paalam ni Daddy bago humigop ng isa pang beses sa kape nito.

Ganito palagi ang setup namin tuwing umaga. Magkakape lang kami bago pumasok sa opisina. Kung sipagin man akong magluto, sasabayan niya akong kumain ng almusal pero kung nagmamadali kami parehas, sa opisina na lang.

Dati, ako palagi ang nauunang umalis kaysa sa kaniya. Ngayon, baliktad na.

Ewan ko, parang nakakatamad na kasi 'yong palagi na lang pa-good boy. Nakakaumay na 'yong laging nasasabihan ng early bird.

"Sige, Dad. Ingat," sabi ko bago siya tuluyang lumabas ng pinto.

Napatingin ako sa paligid.

Masyadong malaki ito para sa aming dalawa lang. Hindi na kasi nag-asawa ulit si Daddy noong nawala si Mommy. Minsan nga kami pa ng kapatid ko ang nagsa-suggest na maghanap na siya ng makakasama niya hanggang pagtanda dahil hindi naman habambuhay nandito kami ni Claude.

Siyempre, magkakaroon din kami ng sariling pamilya. Ayon na nga oh, nauna pa ang bunso.

Natutuwa naman kami ni Claude kapag sinasabi ni Daddy na, "Hindi na ako makahahanap na katulad ng Mommy ninyo. Baka mamaya salbahe pa ang makuha ko."

Napabuntong-hininga na lang tuloy ako.

Umalis na rin ako pagkatapos kong ligpitin ang mga tasa namin dahil ayaw na ayaw kong nale-late ako pagpasok sa trabaho.

Mahigpit kasi ang Group Manager namin sa attendance at sa oras ng pagdating sa opisina. May evaluation kami kaya kinakailangan kong magpa-good shot sa Manager.

Malaking factor kasi ang punctuality sa performance ko bilang isang Marketing Professional sa Toyota. Apat na taon na rin akong nagtatrabaho roon.

Awa naman ni Lord, nakakayanan at nakabebenta naman ako palagi ng unit.

Car enthusiast ba ako? Not actually.

Wala lang talaga akong choice dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon.

Hindi ko nga alam kung bakit napunta ako sa field na 'to. Engineering dapat ang kukunin ko no'ng college ako pero biglang nagbago ang ihip ng hangin, kaya ayon, BS HRM (Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management) ang kinuha ko.

Sa bahay nga, ako ang laging tagaluto kasi lagi akong china-challenge nang magaling kong kapatid, "I-apply mo naman sa totoong buhay 'yang cooking skills mo!"

Eh 'di sige, inapply ko nga. Nakauumay na nga.

Araw-araw na naman akong nagluluto sa bahay kasi hindi naman mahilig si Daddy sa pagluluto tapos si Claude naman, sobrang tamad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Manatili (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now