CHAPTER 1

4.8K 173 70
                                    

CHAPTER 1

"Bilis, Cian! Baka mahuli tayo." maligayang aya ni Jillian kay Lucian habang palabas sila ng gate.

Tinakasan nila ang bodyguard nila para lang magpunta sa basketball court sa kabilang subdivision.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Baka pagalitan tayo ni Mommy." mahinang tanong ni Lucian habang pilit niya sumasabay sa kapatid sa pagtakbo.

Pareho sila ng suot kaya para silang kambal, pero mas matangkad si Jillian dahil mas matanda ito sa kanya ng limang taon. Eighteen years old palang siya pero si Jillian ay twenty-three na. Pero kahit malaki na sila ay hindi pa rin sila hinahayaan na walang bodyguard o lumalabas ng bahay na mag-isa.

"Sandali lang naman tayo. Gusto ko lang siya makita."

Napahinga ng malalim si Lucian at walang magawa kundi sumama sa kapatid. Mahal na mahal niya ang kapatid at sobrang saya lang kapag palagi silang magkasama. Kaya lahat ng sabihin ng Ate Jillian niya ay sinusunod niya.

Humantong sila sa sinasabi nitong basketball court at may grupo ng lalake na naglalaro sa court. Nahiya siya dahil sila lang ang babae.

"Ang gwapo niya talaga." nangangarap na sabi ni Jillian.

Tinignan niya ang tinitignan nito at napansin niya ang pawisan na matangkad na lalake na suot ang ternong jersey na red. Maputi, medyo mapungay ang mga mata, magandang lalake, at tila ito kumikinang kahit na pawisan.

Napalingon sa kanila ito kaya bigla siyang kinabahan at natuod sa kinatatayuan.

"Lucian, wait mo ako dito. Lapitan ko lang ang crush ko."

Hindi niya marinig ang kapatid. Nakatingin pa rin siya sa lalake na nakatayo habang nagdi-drible. Nilapitan ito ng kapatid niya kaya napababa siya ng tingin.

Ito ang crush ng kapatid niya.

Muli siyang tumingin sa mga ito at nakita niya na lumingon sa kanya ang lalake at kapatid niya. Kumaway si Jillian sa kanya kaya ngumiti siya at kumaway pabalik.

Naisipan niya na maupo sa bleacher at hintayin na lang doon ang kapatid. Naiinip siya dahil natagalan ang pakikipag-usap ni Jillian kay Sancho. Nainis siya kaya umalis siya sa pagkakaupo sa bleacher at lumapit sa kapatid na nakikipagngitian sa lalake.

"Ate Jillian, umuwi na tayo. Baka magalit na si Mommy." aya niya sa kapatid kaya napalingon ang mga ito.

"Atat ka naman masyado, Little sister. Mamaya na kayo umuwi." nakangiting sabi pa ng lalake kaya napikon siya rito. Kung kanina kinakabahan siya rito, ngayon naiinis siya.

"Uuwi na kami. And don't call me little sister because you are not my brother. Hmp!"

Nagtawanan ang teammates nito na narinig pala ang sinabi niya. Nahiya siya bigla.

"Huwag niyong pikunin ang kapatid ko. Sige, aalis na kami." Sabi ni Jillian kaya nakahinga siya ng maluwag.

Nagulat siya ng halikan sa pisngi ni Jillian ang lalake. Nagkantyawan naman ang teammates nito at si Sancho ay ngumiti naman. Napasimangot siya at nakita ni Sancho ito kaya ngumiti ito ng mapangasar sa kanya.

"Grabe, ang gwapo niya talaga." masayang sabi ni Jillian habang naglalakad na sila pauwi. Tahimik siya at wala sa mood makinig sa sinasabi nito, "uy, galit ka ba? Pasensya ka na sa kanila. Binibiro ka lang nila."

"Hindi ako galit, Ate. Kinakabahan lang ako baka mahuli tayo ni Mommy at magalit sa atin." sabi niya pero hindi iyon ang totoong dahilan ng pag-a-alburoto niya.

"Easy ka lang. Sinisiguro ko sa 'yo na hindi tayo mahuhuli ni Mommy. Basta, kapag nakalusot tayo ay sasamahan mo ulit ako na makipagkita kay Sancho."

"Pero, Ate---"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SIDED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon