CHAPTER 3

287 12 0
                                    

DENISE POV

Nakatingin lamang ako sa picture naming dalawa ito ang huling picture namin noong umalis siya at pumuntang California para magtapos ng pag aaral niya, hinahawakan ko parin ang sinabi niya saakin na babalik siya.

Sa subrang dami kong babaeng inayawan ay sinasabi na ng iba na baka bakla raw ako dahil hindi ako pumapatol sa mga babae at inaayawan ko ito.

Pero hindi..feeling ko kasi pag may kinakausap akong ibang babae ay para ko narin siyang pinagtaksilan.

Ayuko naman isipin niya iyon, ayukong isipin niya na masaya nako sa iba.

Siya lang ang kasiyahan ko..

Mabilis ko namang tinago sa bulsa ko ang cellphone ko ng biglang bumukas ang kwarto ko.

Tumambad naman saakin si kuya na bihis na bihis pa.

"Saan punta mo?" Tanong ko sakanya, napakunot naman ang noo nito.

"Man nakalimutan mo? Birthday ni geo ngayon" aniya niya, bigla naman ako napaisip, saka naalala ang birthday ni geo.

"Ow shit nakalimutan ko, tika lang magbibihis lang ako" aniya ko saka dali daling pumunta sa damitan ko at nag hanap ng pantalon at puting T-shirt.

Nang makahanap ay pumunta akong cr para mag bihis.

Tinignan ko naman ang itsura ko sa salamin ng matapos akong mag bihis.

Kinuha ko naman ang pabango ko na dhamma perfume ng matapos ay inayos ko naman ang buhok ko.

Tinignan ko muna ang sarili ko saka lumabas ng banyo at pinuntahan si kuya.

Nang makitang ayos nako ay nauna na siyang lumabas at sumonod naman ako.

Malapit lang naman ang bahay nila geo dito kaya hindi na kami mahihirapan pa.

"Mom alis na kami" paalam ko kay mommy, lumapit naman siya saamin saka kami hinalikan sa pisngi, umalis narin kami sa bahay at nag lakad nalang.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay ni geo, maririnig mo na agad ang tunog ng tugtog kahit nasa labas kapa.

Nang makapasok kami sa loob ay akala namin madaming tao ang naroon, ang mga ka batch lang pala namin at ang iba pa naming kaibigan.

"The twins is here!" Sigaw ni althea, napalingon naman saamin lahat, ngumiti naman ako sakanila at binati sila, lumapit naman ako kay geo.

"Happy birthday pre, nakalimutan ko pang birthday mo ngayon kong hindi lang ako pinuntahan ni kuya baka diko talaga maalala" pag kwento ko rito, bigla naman siyang humawak sa puso niya at umaakto pang nasasaktan.

"Birthday ko tapos nakalimutan mo? Tangina pre 8 years na tayong magkaibigan tapos birthday ko dimo parin maalala? Ansakit mo" aniya niya, tinapik ko naman ang balikat nito.

"Pasensya akala ko kasi hindi kana magbibirthday pa" pagbibiro ko rito, aambahan na sana niya akong suntukin ng biglang tumonog ang mic.

"Hello hello mic test mic test" aniya ni leonard.

"Gumagana pre rinig namin pangit mong boses kaya gumagana" aniya sakanya ni justin.

"Tarantado mas pangit panga mukha mo kaysa sa boses ko ulol, so ayon pareng geo HAPPY BIRTHDAY PRE! MAHAL NA MAHAL KA NAMIN" sigaw ni leonard, kumaway naman si geo sakanila.

Gulat naman ako ng biglang nag punta doon sila kuya marco at blake, kasama rin nila si austin.

Mukhang may gagawin na namang katarantadohan ang mga to.

"Remix song to pre kaya pakinggan mo huh birthday mo para sayo to mabuhay kapa sana ng matagal pre" aniya ni austin.

Isa isa naman silang nag si pila hanggang sa maayos na ay pina tugtog na nila ang kanta.

Nauna namang kinuha ni blake ang mic saka kumanta.

"Yay yay ya ya" pagsisimula ni blake, pinasa niya naman agad ang mic kay kuya na ngayon ay tuwang tuwa rin.

"Pag ang puso ko ay nagmahal
Garantisado na magtatagal
Pero kung ito'y masasakal
Hindi mo 'to matitikman" pag kanta ni kuya na may pagiling pa ng katawan, pinasa niya naman ang mic kay austin na ngayon ay nakahubad na at akala mo talaga na may abs siya eh buto buto lang naman meron sakanya.

"Hindi mo 'to matitikman mahal
Kahit na mayaman ka't sosyal
Kung 'di ka rin marunong magmahal
Hindi mo 'to matitikman" pag kanta ni austin saka ito nag mukhang bao sa ginagawa niyang pag daob at pag wave ng katawan niya.

Mukhang mga tanga..

"IGILING MO YAN LEONARD!" sigaw ng babae malapit sakanila, ngumiti naman si leonard dito saka ito kinindatan.

"Kung katawan ko lang ang habol n'yo
Na kung gumiling pa'y lumiliko
Masusunod pa rin ang puso ko
Ang puso na Don Romantiko (uh uh)" pag kanta ni leonard at gumiling nga ang gago.

Napailing nalang ako sa kalokohan nila, si geo naman ay mukhang nahihiya na sa katarantadohan ng mga kaibigan niya.

"Gago pre diko yan kilala" bulong ni geo saakin, napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.

Kong ako rin naman baka itanggi kong kaibigan ko sila.

Nang kay blake na ulit ang mic ay biglang nag iba ang kanta, lumiwanag naman ang mukha ng gago ng marinig ang kanta ng paborito niya.

"Bakit papa binawi mo pa tugudug ang pag ibig mo saakin" pag kanta ni blake kumembot pa siya na parang naeenjoy talaga.

"Gago anong tugudug?! Tanginamo blake!" Sigaw sakanya ni leonard.

"Ayaw naba? Saaking beauty kaya ngayon akoy sawii awwww!" Mas lalo naman lumakas ang palakpakan ng mga tao sa loob.

Si geo na nahihiya ng lapitan ang mga kaibigan niya na mukhang mga tanga.

Si blake hindi ko alam kong lalaki ba ito or bakla, tangina kong kumembot feel na feel eh..

"Tangina akala ko magiging masaya kaarawan ko ngayon" parang nahihiya pang aniya ni geo.

Tumawa naman ako sakanya saka tinignan sila kuya na nagmukha ng dancer sa bar dahil gumigiling giling na at nakahubad narin ang mga damit nila.

"Ganto pala feeling ng dancer ka sa harapan ng mga bading pre" sigaw ni austin.

"Manahimik ka! Bading karin naman!" Sigaw sakanya ni blake.

Akma pang magsusumbatan ng mga salita ang dalawa ng napalitan ang kanta ng love song.

Napatawa naman kaming dalawa ni geo ng malakas ng sila Blake at austin ay kong kanina ay kulang nalang ay mag patayan ngayon ay nakahawak si blake sa bewang ni austin at si austin naman ay naka kapit sa balikat ni blake at naka sandal pa ito.

Tangina tignan mo nga naman mukhang may mabubuo pang loveteam sa grupo namin..

HIS AFFECTION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon