Chapter 1

49 3 0
                                    

Kasama ang isang bodyguard na si Pierre ay pumasok saMarina Bay Hotel si Sweyn Nassau. Kabababa lang niya sa kotsenginarkilahan na agad na ipinarada ng valet ng hotel na siyangminaneho naman ng bodyguard.Inayos niya ang suot na three-piece suit na kulay navyblue. Kagabi pa lang siya dumating sa Singapore kasama si Pierregamit ang commercial airline. Inimbitahan siya para sa kasal ngkanyang kaibigang si Mattheo. Pero bago siya dumalo rito aynakipagkita muna siya sa isa pang kaibigan niya dati sa militaryacademy na ngayon ay nakatira dito sa Singapore at may ITbusiness. Mamaya ay pupunta dito si Lucas at magkikita sila sabar para mag-catch up. Wala na kasi siyang ibang oras pa dahilbukas ng gabi ay babalik din siya agad sa Luxembourg. Saglitsiyang inilibot nito sa opisina ng kaibigan bago siya bumalik nghotel para sa seremonya.Pribado ang pag-alis niya sa bansa kaya naman ay isangbodyguard lang ang kasama niya. Ayaw niyang makaagaw ng kahit naanumang atensyon mula sa mga paparazzi at reporters.Sa lahat ng miyembro ng pamilya niya ay siya angpinakamadulas sa mga ito. Kaya naman ay wala pa siyang eskandalona naranasan. Hindi katulad ng mga kapatid at pinsan. Sabagay nganaman ay palagi siyang maingat. Lalo na sa mga personal niyanglakad. At kahit katulad na lang ng ganito.Naging maayos ang seremonya ng kasal. Masaya siya para sakaibigan. Binati niya ito. Ang reception ay nasa isa sa mgamalalaking bulwagan ng hotel ginanap iyon. Medyo marami rin angmga bisita doon na nasa iba't ibang antas ng sosyedad dahil isangvlogger si Daisy, ang napangasawa ng kaibigan."Mahal ko talaga ang babaeng 'to," sabi ni Mattheo sawikang French. Pero nakatingin naman ito sa asawa na kausap angilang bisita ng mga ito. Masayang nakipagkuwentuhan ang babae samga kakilala nila.Tinapik niya ang balikat ng kaibigan. "Masaya ako para sa'yo, Mattheo."Napabaling ito sa kanya. "Hmm. Pareho tayong trenta anyosna, Sweyn. Bakit wala ka pa ring babaeng napupusuan? Baka ikaw naang susunod na ipagkasundo ng pamilya mo sa sinumang prinsesangmaisipan nila. Baka wala kang kawala," tudyo nito.Napailing siyang natatawa nang mahina. Hindi nagtagal ayumalis rin ang kaibigan at ang Singaporean nitong asawa. Lilipadang mga ito para sa honeymoon sa Australia dahil summer doonngayon. Nagkita ang mga ito sa Europe at dito nagpakasal. Pero saEurope titira ang mga ito. Sa Luxembourg.Nagbihis siya ng kaswal pagkatapos niyang dumalo sa kasal.Ganoon din si Pierre. Iyon ay upang hindi agad na kukuha ngatensyon. Marunong din itong mag-blend it gaya ng gusto niya.Hindi ito palaging nakadikit sa kanya kundi ay nasa katamtamangdistansya lang. Sabagay, kung self-defense ang pag-uusapan,marunong naman siya dahil nag-aral siya ng martial arts mula highschool, not to mention ang fencing at target shooting.Nagkaroon sila ng katuwaan ni Luca nang magpatuloy angusapan nila sa gabing iyon. Pero umuwi rin ito nang tinawagan itong asawa dahil sa emergency. Dinala daw sa ospital ang anaknitong nilalagnat. Kaya mag-isa na lang na umiinom ang binatahabang nanonood sa view ng tatlong towers.Napatingin pa siya sa ibang mga tao sa rooftop. Maynakaagaw sa kanyang paningin. Isang babaeng kumukuha sa kanya nglarawan. Lalapitan sana ito ni Pierre pero sinenyasan niya itonghuwag gawin iyon kaya nag-blend in lang ito sa ibang mga taoroon. Samantalang inoobserbahan niya ang dalagang kumukuha ngvideos at larawan. Nang umupo ito sa sopa ay saka na niya itonilapitan at nakipagkilala. Sa kalapitang ito at sa bawatsegundong lumilipas ay lumakas ang dating nito para sa kanya.Hindi talaga siya masyadong maganda pero may nagmamagneto sakanya rito. Lampas balikat ang buhok nitong napakaitim. Maliitpero medyo matangos na ilong, medyo singkit ang mga mata, maputiat petite. Manipis lang ang makeup nito at kakaiba ang halimuyakng gamit nitong pabango. Iba sa mga nakasalamuha niyang babae saEurope at ibang bansa.Nasorpresa na lang siyang humaba ang usapan nila hanggangsa mapalagay ang loob nito. Napag-alaman niyang hindi itonagsinungaling sa kanya. Hindi ito isang reporter gaya ng naisipniya kundi ay talagang travel agent ayon sa sinabi nito nangtanungin niya. Ipinakita nito ang mga larawang nakuha sa camera.Hindi na niya napigilan ang sariling huwag itong halikan.Kanina pa siya naiintriga sa dalaga habang kausap ito. Ang lamyosng tinig nito at ang ganda ng mga labi nito sa tuwing bumubukaito nagsasalita. Para siyang nahihipnotismo at palaging napadakoang mga mata niya rito.Tama nga siya sa kanyang impresyon. Malambot at matamis itonang tikman niya.***"O, babalik na daw sila sa hotel. Sasama ka ba sa kanila?"tanong ni Bing. Ito ang may-ari ng travel agency at boss ni EzzaBascon. Kasama nila ngayon ang ibang travel agents mula sa iba'tibang travel agencies sa Pilipinas na puro miyembro sa asosasyonng industriyang ito. Paminsan-minsan ay nag-ta-travel sila saloob o ibang bansa upang maranasan nila mismo ang lugar atserbisyo upang mairekomenda sa kanilang mga kliyente. At ngayonay nasa Singapore sila. Pocket money lang ang gastos niya dahilsagot ng boss niya ang ibang gastusin. Isa sa mga perks bilangtravel agent.Napalingon ang bente y sais anyos na dalaga sa boss.Napakamot siya sa batok. Alanganin kasi. Parang gusto pa niyanggumala dahil hindi pa naman masyadong late. Pero dahil siguro sakararating lang nila sa araw na ito kagagala nila buong araw aynapagod ang mga kasamahan nila kaya babalik na ng hotel – iyonkung hindi pa lasing ang ilan. Pero kasama naman nila ng bossniya ang asawa nito. Magiging third wheeler siya 'pag nagkataon."Eh... tayo lang tatlo, Ma'am?" aniyang napasulyap sa asawanitong si Rick."Bakit hindi? Boring din naman kasi kung kami lang dalawa,"ngumising tugon nito. "Mag-ba-bar hopping tayo sa Fullerton,Collyer Quay at Marina Bay area para naman masubukan natin angsinasabi nilang classy watering holes. At makikita natin kung maykaibahan dito." Napatingin ito saglit sa paligid. Nasa may AnnSiang Hill sila na isang street ng mga bars."Eh, kung namimilit ka, Ma'am, eh!" aniyang ngumisi rito.Hinawakan na siya nito sa braso sa isang kamay habang angisa nitong kamay ay umabre-siyete sa asawa. Parang number 10 angdalawang ito. Slim kasi si Ma'am Bing samantalang ang asawa nitoay chubby.Sa Fullerton, na-enjoy nila ang alfresco setting, localcocktails at ang bite-sized food. Maganda ang view sa bay areadahil sa sari-saring kulay ng mga ilaw katulad ng berde, dilaw,pula, bughaw at iba pa. Nang pumunta silang Collyer Quay, merongrooftop bar din doon. Isang Japanese bar na nag-serve ng sake.Tig-iisa lang sila ni Bing na ininom samantalang ang asawa nitoay nakatatlo yata. Mukhang nalasing na. Pero gusto pa ni Ma'amBing niyang magpunta sa Marina. At medyo late na noon."Gusto ko nang matulog, sweet," ang anang asawa nitongumakbay sa boss niya. Naintindihan niya ito dahil mag-a-ala-unana ng umaga."Eh, isa na lang. Ang Marina Bay Hotel na lang ang hulingpupuntahan natin, sweet," ang anang Bing rito. "Kaya mo 'yan."Napangiwi naman si Ezza habang umiiling na ang asawa nito.Siya, kaya pa naman niya kung gusto pa ng boss niyang magpunta sahuling pupuntahan nilang bar. So far, maganda ang lahat ng kuhaniya sa camera nila."Hmm... ikaw na lang kaya mag-isa ang pumunta, Ezza?" angsuhestiyon ng boss niya.Nandilat ang mga mata niya. "Ako lang mag-isa, Ma'am?""Mukhang hindi na kaya ni sweet, eh. Gusto ko lang kasingmay official record tayo sa gabing 'to. Hindi ako sigurado kungmakakapunta tayo bukas dahil sa iba nating activities. Butingayon dahil bar hopping at hindi masyadong maaga ang morningcall natin bukas considering tonight, 'di ba?"Napakislot siya. Ang awkward namang magpunta nang mag-isakahit adventurous siyang tao. Pero official daw kasi. Ano banaman ang magagawa niya? Boss niya ang may sabi. Kaya tumango nalang siya sa boss at binigyan siya ng pera."Mag-taxi ka pabalik sa hotel, ha?" habilin nito bagoinalalayan ang asawa papasok sa pinarang taxi.Siya naman ay agad nagtungo sa Altitude rooftop bar na nasaika-63rd floor. Nakita niya ang arrow ng mga walk-in, tinatakanang kanyang kamay bago pumasok ng elevator. May mangilan-ngilangtao na rin sa loob niyon. Mga Intsik at hindi.Agad niyang nakita ang bar pagkalabas ng elevator. Naka-display ang maraming bote ng iba't ibang inumin. Makulay tingnanang mga ito nang dahil sa mga ilaw ng shelves. Sa kanang bahagiay nakita niya ang salaming bintana na napakalawak. Doon aynakikita niya ang panoramic view ng mga gusali, ng tatlong towersat ng bay. Napamangha talaga siya sa ganda na dulot ng iba'tibang hugis at taas ng mga gusali at ng kani-kanilang mga ilaw.Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya rin ang hindi mabigatna trapiko.Tumuloy pa siya sa isang hallway at patungo sa isanghagdanan sa rooftop, sa kanang bahagi. Nakita niya ang mga pataasna tables para sa mga nakatayong customers. Nakaayos ang mga iyongilid na tig-da-dalawa. Halos nakasandal ang mga ito sa salaminna nagsisilbing safety rail na halos kasing-taas ng tao. Ilangmetro mula sa tables ay mga mababang mesa at sopa. Sa masmababang bahagi, sa kaliwang bahagi ng rooftop, ay may live bandna tumutugtog.Pagka-order niya ng cocktail ay umupo siya sa sopa. Medyonapagod na rin siya sa kalalakad sa buong araw. Siguro mgakalahating oras lang pagkatapos niyang mag-enjoy ay babalik nasiya sa kanyang hotel.Umiinom siya habang nag-selfie. Tapos na siyang kumuha ngmaraming pictures ang ilang videos. Siguro naman ay ma-satisfyniya si Bing sa mga ito."Mind if I sit down?"Napalingon siya sa may-ari ng magandang boses na iyon.Isang matangkad na lalaking Caucasian. Unang tingin pa lang ngdalaga ay minagneto na ang mga mata niya rito. Kaswal lang angsuot nito gaya ng ibang naroroon. T-shirt at jeans at sneakers.Pero sumisigaw ng iba't ibang brands ang mga iyon. Hindi fake.Napalingon siya sa kanyang sopang kinauupuan. Siya lang angmag-isang nakaupo roon. Ang ibang mga tao ay busy sa ka-e-enjoysa view. Napatanong siya sa sarili kung bakit tatabi talaga itosa kanya gayong ang dami pang libre.Kumibit siya. "No." Wala naman siyang nakikitang masamakung tatabi ito.Hindi niya alam kung paano pero nagkuwentuhan na silangdalawa pagkatapos nitong itanong kung mag-isa lang siya. Kahitestranghero ito ay agad naman siyang nakaramdam na hindi itomasamang tao. At mas napag-aralan niya ang katangian nito. Maikliang buhok nito na parang sa isang military. Light brown angbuhok, kulay asul ang mga mata, napakatangos ng ilong,napakaganda ng porma ng mga labi na animo'y nagsasabi sa kanyanginstinct na masarap itong humalik at nakakahalina ang mga iyonlalo na't nakangiti ito. At clean-shaven face.Ang isa pang nakaistorbo sa pandama niya ay ang bango nito.He smelled nice and clean and unique. Ang timbre ng boses nito aysakto lang sa pandinig. Magandang pakinggan. Siguro ay hindi siyamagsasawang pakinggan iyon kahit na kapag nagkataong boring angtopic nito. Pero hindi ito boring kausap. Sa katunayan nga ay angkalahating oras niya ay naging isang oras mahigit. Medyo tipsy narin siya. Kanina pa siya umiinom ng iba't ibang inumin.Nasorpresa pa siya sa sarili kung bakit klaro pa ang pag-iisipniya at hindi pa siya sumusuray kung maglakad o kaya ay nahihilo.Medyo lang."Here's to us who are left alone by our peers!" nakangitinganitong itinaas ang kopitang hawak. "They bailed on us, huh?"Pinakalansing nila ang kanilang hawak nang nakangiti. Nangmaubos nila iyon ay um-order pa ito para sa kanila."I really think I have enough drinks already," tanggi niya.Pero iniinom pa rin niya ang bigay nito. Masarap naman kasi angcocktail na in-order nito.Nalaman niyang nasa military ito sa Luxembourg. Isangofficer na hindi niya matandaan. O kaya naman ay hindi nitosinabi ang detalye? Busy kasi siya sa pakikinig sa boses nito."You know what? I've been drinking here all by myself forhours! Then, I found you sitting here all alone.""Oh, really? Me, too. I've been bar hopping all night!"Kapwa sila napatawa."How did it go?" tanong naman nito na ipinatong sa mesa angwala ng lamang kopita. Pumihit ito upang humarap sa kanya attinitigan siya sa mukha.Wish lang niyang okay pa rin ang makeup at lipstick niya.Last na retouch niya ay sa Fullerton pa. Ilang oras na rin angnakalipas. Teka, bakit bigla siyang nako-conscious sa hitsuraniya? O dahil ito sa kung paano ito makatingin sa kanya at sakalapitan nito ngayon? Kani-kanina lang ay puwede pang makaupoang dalawang tao sa pagitan nila. Ngayon ay halos magkadikit naang katawan nilang dalawa habang nakukuwentuhan. Sigurado namansiyang ito ang lumalapit sa kanya dahil nasa edge na siya ngsopang inuupuan sa simula pa lang."Oh, this is the best place. I think." Pagkasabi niya'yipinakita pa niya ang mga pictures at videos na nakuha sa camerana hawak. Dahil dito ay magkalapit talaga silang dalawa habangbino-browse ang pictures at pinanood ang ilang video clips."Hey, you got me here," natatawang ani Sweyn. Itinuro nitoang sarili malapit sa kuha niyang tatlong towers. Tayming nanapalingon ito at kuhang-kuha nga niya iyon na tila sinadya.Hindi niya napuna iyon kanina. Napamaang siya at napatawa."I really didn't notice you back there.""Really, huh?" Parang hindi ito makapaniwala pero mukhanamang hindi ito galit kundi ay amused.Nagkatinginan silang dalawa. Napalis kapwa ang kanilangngiti habang kapwa napahagod ng tingin sa isa't isa. Biglangtumuyo ang lalamunan niya at lumundag ang puso niya. Inabot nitoang kanyang leeg at hinawakan siya nang banayad.Bago pa niya malaman kung ano ang susunod na mangyayari ayinilapit nito ang mukha sa kanya. Napasinghap siya nang bahagyasumayad ang mga labi nito sa kanyang mga labi.Parang agad nag-shut down ang system niya dahil sanaramdaman. Lahat ng tunog at mga tao sa paligid ay parangbiglang nag-mute gamit ang remote control. Ito lang ang nakikitaniya. Bakit naman hindi? Nakadikit ang labi nito sa mukha niyahabang dilat ang mga mata niya. Bukod dito, ang tangingnararamdaman rin niya ay ang hininga, ang labi at halik nito. Hetasted sweet and spicy. It was good. Parang nakakaadik.Napapikit tuloy siya ng mga mata at lalong ninamnam anghalik nito. Sinasabi na nga niya. Ang sarap nga nitong humalik!Tinugon niya ang halik nito. Marahan. Parang sa kanila anglahat ng oras. Hindi nagmamadali. Parang ayaw tapusin iyonanumang sandali.Hindi na niya matandaan kung paano at kung kailan peronapuna na lang niyang nasa loob sila ng isang maganda at malakingsuite. Magkahinang ang kanilang mga labi. Magkadikit ang kanilangkatawan sa isang mahigpit na yakap sa isa't isa. Naghihiwalaylamang sila kapag hinuhubad nang paisa-isa ang kanilang kasuotan.

🎉 Tapos mo nang basahin ang One Night With A Prince - Published under Bookware 🎉
One Night With A Prince - Published under BookwareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon