32

12.9K 556 235
                                    

LILIANA HELLION

Nakikita ko sa mukha nilang lahat ang labis na kasiyahan nang makaakyat ako sa stage. Sa wakas ay nakuha ko ang aking diploma matapos kong makipag kamay sa school dean at ilang bisita na dumalo ngayong araw.

Graduation day na namin ngayon, ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat. Umattend din sina Chase para mapanood ang graduation namin at tuwang-tuwa naman sila ng tawagin ang pangalan ko para umakyat sa stage.

Nakikita ko rin sa mga mukha nila kung gaano sila ka-proud sa akin lalo na sina Daddy.

After ng graduation ceremony ay mabilis kong nilapitan sina Mommy na naging emosyonal na. Nakasabit din sa leeg ko ang natanggap kong medalya dahil sa pagiging magna cum laude ko. Oo, grumaduate akong magna cum laude kaya naman sobrang saya ng magulang ko habang nagbibigay ako ng ilang minutong graduation speech.

"I'm so proud of you, my princess!" emosyonal na turan ni Mommy nang tuluyan akong nakalapit sa gawi nila.

Mahina ko lang siyang tinawanan dahil kahit na umiiyak siya ay maganda pa rin.

Niyakap ko lang sila ng mahigpit. Binati lang din ako nina Tito Elijah na umattend din sa graduation ko. Balang araw ay si Chase naman ang panonoorin naming umakyat sa stage. Naniniwala ako na makakapagtapos din siya ng pag-aaral. Pasasalamat naman ang sinagot ko nang batiin din ako nina Kylo at Kuya Lakan na nandito rin.

"Congratulations." Ngumiti ako nang batiin ako ni Chase kaya siya ang sunod kong niyakap.

"Ikaw naman ang hihintayin ko hanggang sa maka-graduate ka rin," mahina kong sabi.

"Huwag kang mag-alala, magiging proud ka rin sa akin. May maipagmamalaki rin ako sa 'yo balang araw once na maka-graduate rin ako," aniya na tila desidido na makapagtapos kaya kumalas ako ng yakap at mariin siyang tiningnan.

"Proud naman ako sa 'yo, ha? Naka-graduate ka man o hindi, mananatili pa rin akong proud sa 'yo." sambit ko at ngumiti. 

Alam ko na iniisip pa rin niya ang sasabihin ng iba na kesyo hindi siya nababagay sa akin dahil wala pa siyang maipagmamalaki. Alam kong masyado niyang dina-down ang kanyang sarili dahil hindi siya kagaya ng ibang lalaki na may maganda at marangyang buhay.

Pero wala akong pakialam kung ano man siya o kung ano rin ang sasabihin ng iba. Ang higit na importante sa akin ay ang kasiyahan naming dalawa, na nandito siya sa tabi ko.

Lumawak ang kanyang ngiti bago niya halikan ang aking labi. Tumili pa si Celeste sa kilig kaya natawa kami.

Subalit nangunot ang noo ko nang biglang nabura ang matamis na ngiti ni Chase habang nakatingin siya sa aking likod. Nagtataka akong lumingon at nakita ko si Marco na papalapit sa gawi namin.

"Congratulations, Liliana. Naka-graduate na rin tayong dalawa," nakangiting bati ni Marco sa akin.

Nasa likod naman niya ang magulang niyang nakangiti rin sa akin kaya nginitian ko sila ng tipid dahil ayokong magmukhang bastos sa harapan nila.

"Salamat. Congratulations din sa 'yo," tangi kong sagot. Hinayaan ko lang si Chase nang yakapin niya ang beywang ko.

"Ikaw pala si Liliana. Hindi ko akalain na maganda ka pala sa personal. Ang daming naikukwento itong anak namin sa amin tungkol sa 'yo," nakangiting turan ng Mommy ni Marco sa akin.

HELLION SERIES 3: THE ABDUCTOR'S DESIRE [Soon To Be Published Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon