Prologue

26 2 0
                                    

Ito na po yung book 2 ng 'A Weird Beginning' pero maiksi lang din po ito. Medyo magulo po ang story at mas lalong magulo kung hindi po ninyo nabasa yung book 1 nito hehe. Continuation po ito



——-


"Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na sa iyo simula pa lang. Dahil para sa akin, isa kang INSEKTO sa buhay ko na hindi maalis-alis. Matigas ang ulo, sakit sa ulo at higit sa lahat ay sarante sa nananahimik kong———"

Napangiti ako ng mapakla

Isang INSEKTO

SARANTE...

Psh

Parang sirang plakang paulit-ulit lang na nagpi-play sa aking inosenteng utak ang mga sinabi niyang iyon kagabi. Inaamin ko nasaktan ako. Pero atleast alam ko na ngayon kung ano talaga ako para sa kanya. Siguro nga ay hindi talaga siya ang prinsipe para sa akin at hindi naman ako karapat-dapat na maging prinsesa niya.

How sad...

Pero iyon ang katotohanan eh. I must admit the fact na lang na talagang magkaiba ang aming mundo

Oo. Prinsipe siya at hindi ako prinsesa

Pasensya, masyado akong madrama ngayon. Lubha ko lang dinamdam at dinibdib yung mga sinabi niya na isa akong insekto, tagos na tagos huhu. Napaluha kaya ako non. Pero napanaginipan ko rin siya kagabi na tumabi daw siya sa akin at hinalikan pa ako sa noo. Hmp, mabuti sana kung totoo talagang nangyari iyon pero imposible eh. Bwisit na prinsipeng iyon pero mahal ko naman.

LOVE.

Wahhh. Hindi ako makapaniwala na tinamaan na nga ako ng mahiwagang salitang iyan. Akala ko naman kase noon eh crush ko lang siya alam niyo yun? Crush ko lang siya kasi ang sarap niyang pagtrip-an. Di ba magkaiba ang crush pati love? Huhu ang corny ko na. Eh malay ko bang mahuhulog na ako ng tuluyan sa supladong prinsipeng iyon. Napaka-unfair ng love story ko, Siguro nga nagsimula kami sa wirdong pagtatagpo pero matatapos na lang ang aming love story sa magulong sitwasyon. Wahhh gusto kong maiyak, parang ang hirap isiping hindi kami ang destiny :(

Pero katulad nga ng sinabi ko. AYOKO NA. Pagod na din akong ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya.

"Ayos ka lang ba iha?" sabi ng malumanay at malambing na boses sa akin sabay hawak sa aking balikat. Nasa likod ko lang siya, ang mahal na reyna

"A-ah?" parang wala sa sarili kong sagot

Narinig kong napabuntong-hininga ito at ngumiti sa akin. Kaharap namin ang isang malaking salamin kaya nakikita ko ang kanyang repleksyon. Waaahhh, ang ganda talaga ng Reynang ito

Nga pala, ngayon na ang araw ng pagsubok. Kasalukuyan nila akong inaayusan. Kainis, pati ba naman dito eh wala pa rin akong takas sa mga make up thingy na yan. Hindi naman gaanong makapal, light lang ang pagkakalagay pero promise, ang kati parin sa mukha T_T. Kung nandito pa si mama eh siguradong walang humpay na kaartehan ko ang isesermon niya sa akin. Na-miss ko tuloy sila :( Kamusta na kaya sila. At yung engagement party doon, natuloy kaya? Mukhang doon din ang bagsak ko sa lalaking hindi ko kilala. Alam kong napakalayong mangyari pero hinihiling ko pa rin na sana ay si Sano na lang ang lalaking iyon,ang aking prinsipe

"Iha, kahit na hindi naman ituloy ang pagsubok. Maaari rin kayong maikasal ng aking anak" nag-aalalang sabi ulit ng mahal na reyna

"N-naku, hindi po iyon ang iniisip ko mahal na reyna, sa katunayan nga eh excited na akong makita ang itsura ng imortal na bantay na iyon" pagsisinungaling ko. At saka hindi rin naman matutuloy ang kasal eh. Kung sakaling malagpasan ko man ang pagsubok, uurong din ako sa kasal :(

Nakatingin lang siya sa aking repleksyon sa salamin na parang binabasa ang aking mukha kung totoo ba ang mga sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya at pilit pinasigla ang aking ekspresyon "S-sa katunayan niyan mahal na reyna eh... huhu ang kati-kati na kasi ng mukha ko. Pwede maghilamos? Hindi talaga ako hiyang sa make up" at ngayon ko lang din napansin ang aking suot wahhh "A-at saka mahal na reyna, hindi ko na rin kailangan magsuot ng ganito, hindi ako sanay"

"Proteksyon mo iyan iha" nagbibiro ba ang mahal na reynang ito? Yung totoo, proteksyon ang make up sa mukha? Bakit, patagalan ba kami ng imortal na bantay sa pagbibilad sa araw?? Woah, hindi ko akalain na ganon lang kadali ang pagsubok

"Ang ibig kong sabihin eh iyang suot mo Jen"

"Huh?" mukhang nabasa niya ang aking iniisip. Kung sa bagay, parang shield nga ang pagkakadisenyo sa suot ko, pambabaeng style siya"Ahahaha. Ganon pala iyon mahal na reyna. Pero mahal na reyna, hindi na po kailangang ayusan pa ako"

"Hindi pwede iha, kailangang maging maganda ka sa harap ng mga taong manunuod ng pagsubok.. ehemm,  lalo na kay——"

"Isa po akong insekto at hindi ako maganda o gaganda pa"halatang may himig tampong pagkakasabi ko *POUT*

"Hahahahahh" mahinhing tawa naman ng mahal na reyna

"Ah?" nagtatakang reaksyon ko

"Bakit mo naman nasabi iyan? Maganda ka iha at mabait pa. Ikaw ang nararapat na maging prinsesa ng aking anak"

Hindi na ako sumagot. Hmp, kahit siguro mag make up pa ako ng pagka-kapal-kapal eh hindi pa rin ako papansinin ng supladong prinsipe na iyon. Pagkalipas ng ilang minuto pagkatapos akong ayusan ay pinatayo na nila ako at pinasuot ako ng hood. Yung parang ganon kay little red riding hood? Kaya hindi kita ang costume ko, oo feeling ko magco-cosplay ako

"Pupunta na tayo sa silid-pagsubok. Galingan mo iha, huwag kang matakot" mahal na reyna

"Opo"

A Weird Beginning Book 2(Weird Ending)Where stories live. Discover now