TUNOG NG PAGIBIG

1 1 0
                                    

Sssshhhhhhh! ang sabi ng tibok ng puso
Tub!tub !tub !tub! ang sigaw at silakbo nito
Prrrrrrrrt! tumigil ang wika ng isip ko
Bratatattatat ! ang dapat upang huminto na ito.

Patitigilan ba ang kilig na tagos sa kalamnan
Iyong parang sumpa na puno ng kaligayahan
Saya sa tuwing kausap ka,ligaya sa tuwing Makita ka
Paano na mahahadlangan ang ganitong pakiramdam?

Baluktot daw ang sabi nila,lalo nang karamihang mapanghusga
Wala naman silang pakialam ang walang commitment ang mahalaga
Iyong sa kahit na anong anggulo ang wikain,parehas naman Malaya
Malaya sa isang sumpa na parehas itinali at di makawala.

Hawla nga ba ang ganitong scenariong maituturing
Iyong katiwasayan sana,ngunit balakid ang kapirasong papel na nilagdaan
O sadyang bakod ang lang ang sumpang di na mabubuo kailanman
Sapagkat ang puso ay puno ng ngitngit at lubog sa kumunoy ng karimlan?

Tibagin daw ang sigaw ng karamihan ang baluktot na kawalan
Paano mo ngayon,hahatiin ang sintigas ng bato ang dalawang nagmamahalan
Sing dikit ng epoxy ang pagtingin na kailanman di mawala sa isa’t isa
Harangan man ng pader paulit-ulit pa rin sasambitin ang kaya nating dalawa.

Punyal,tingga at latigo man ay sasalagin ng bawat isa
Pangungutya at paghamak ay kahit kailanman may di nababalisa
Hanggat kasama ka,sandalang di magigiba,ni mayupi ay di nila kaya
Ganito daw talaga ang sumpang pangmatagalan,kapag nagmamahalan.

                                                                                                                    Milya milya man ang distansya ay kayang paliparin
                                                                            Kahit halik ay ipinabitbit lang sa malakas na hangin
Sa madilim na gabi ay sadfyang papaliwanagin
Aandap andap man ang tanglaw bubulalas ang liwanag dahil sa sumpaang walang makakahadlang.

Ganito na nga ang mahiwagang mensahe mula sa kaliparan
                         Na papaapawin anbinhi sa itaas daw hahasikan
Isasaboy ang dalisay at mala-dyamanteng pag-iibigan
                                                                         Nang dalawang pinukol ng sumpaan ngunit ngayon isat-isa ay natagpuan.

Bakit pa daw kakalasin ang tanikalang nakabigkis?
Kung masaya naman ang bawat isang sa hangin ay nakalingkis
Kahit ang kalipulan ng lahat,ay war mo ay bagang kinikiskis
Sa init ng darang sa dambuhalang apoy,na naguduudyok sa pusong nagmamahalan.

Tok!Tok!Tok!pagbuksan na nga daw ang kumakatok
Prrrrrrrrrrt!ang tunog ng pintong maluwalhating bubuksan
Shhhhhhhhh!tunog na mga pusong wala ng pakialam
Boooooooom!ang lagabong ng katotohanang sadyang itinago ng puso at ngayon pakakawalan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TUNOG NG PAGIBIGWhere stories live. Discover now