u.1

3.1K 67 50
                                    

parang kailan lang, yung akala nila na di na sila muling ma starstruck pa dahil umayaw na talaga sila sa mundo na minsan sa buhay nila, it gave them love, peace and happiness dahil sa mga ex nila.

they're completely a stranger to each other.

they just bumped into each other at tanah lot in bali on a random scape from toxic world they both are in while taking a selfie.

gusto lang nilang mapag-isa sa totoo lang... yung nagta travel lang sila alone just to treat their own self at makapag relax and at the same time mag let go sa baggages nila from their previous relationship...

j: sorry...

d: it's okay... it was my fault naman...

j: naiwan ka yata ng kasama mo...

d: nope! self ko lang ang kasama ko dito... ikaw yata ang maiwan... mukhang tayo na lang sa area na to...

j: nope! i'm with my shadow lang din...

d: i see! let me guess, broken ka ano?

j: i was... was lang... past tense na... baka ikaw ang broken!

d: yeah, i am! di pa i was... buti ka pa naka move on na...

j: just realized it lang na okay na ako the moment i stepped on this island... di na masakit... di na ako naiyak... this was the place we bid each other goodbye... at least naging honest sya sa akin... ikaw ba?

d: hmmn... na fall out of love at nakahanap ng bago, ganon ba?

j: well, sabi nya, mahal pa rin nya ako. di sya na fall out of love pero may dumating daw sa buhay nya na whom na attached sya... yung mas masaya sya kapag kasama nya... sabi nya, naging unfair na sya sa akin at i don't deserved someone like her...

d: kayo pa, tapos may dumating at yung taong yun ang dahil bakit nagpaalam sya sayo?

j: di... for the first two years, away bati kasi kami pero kapag mahal mo, you're willing to work things out with your jowa, di ba? we always end up naman, starting all over again kasi nga we love each other that much and we can't live without each other pero on our third year, na met nya yung pinalit nya sa akin... pero di pa naman daw sila while we are still engaged... naging sila lang, three months later of our goodbyes...

d: pinakawalan mo agad nong nagpaalam sya? pinaubaya mo agad agad? di mo man lang ba sinubukan na i save yung relasyon nyo?

j: para saan pa? umayaw na sya eh... tsaka it was my fault daw kasi nagger ako... taas ng pride ko... kahit kasalanan ko, sya ang nanunuyo sa akin dahil ayaw nya na lilipas ang gabi na di kami bati... paano daw kung di na sya magising or me, bigat daw dalhin sa naiwan at di rin daw mapakali nag soul ng nang iwan dahil sa unfinished business kaya pinalaya ko na sya... mahirap kasi if you still hang on tapos, one sided na lang...

d: well, sabagay tama ka naman dyan... mas mabuti nga na magpaubaya na lang para isang bagsakan na lang ng sakit... at least, naghiwalay kayo na mahal nyo pa ang isa't isa...

j: yah! pero masakit kasi mas mahal nya yung isa kaysa akin... maloko nya eh, kainis dahil minsan nagti text ng magic word na di naman kayang panindigan...

d: you mean, up to present time?

j: yah! hinatid pa nga nya ako sa airport.

d: lukaret lang? bakit pa nya ginagawa yun? para di ka maghanap ng bago kasi pinaparamdam at pinapakita nya na mahal ka pa rin nya kahit may mahal na syang iba?

j: eh, sa yun daw ang way nya to earn my forgiveness... umaayaw na nga ako and i even changed my number na pero di sya nauubusan ng paraan to get my new number...

d: napatawad mo na ba sya?

j: sabi ko sa kanya, kapag nahanap ko na ang tamang tao for me at in a relationship na uli ako, iko consider na nya na i forgive her na...

d: wala ka pang bago i guess...

j: wala pa... self love muna...

d: hwag ka muna magka jowa para tuloy pa rin ang agony nya sa guilt feeling...

j: ganon pala yun? sa tingin mo ba she's really sorry of what she did to me?

d: i guess so! di yun mag i effort to do such stuff kung wala ng guilt feeling... liban na lang kung yun nga, ayaw nya mag move on ka para kung hindi magwo work ang ship nila, may isang ikaw na mababalikan nya...

j: panakip butas ganern?

d: ganern nga kung magpaloko ka nya uli. remember, walang suka na kinakain uli... only dogs do that...

j: naku, wala pala sa vocabulary mo ang salitang 'second chance'!

d: depende sa sitwasyon yan eh... but what she did to you is something unforgivable and you should not forget na you deserved the best... madami ka pang makilala at makajowa kaya no second chance na dapat for her... yung second chance, para sa self mo yun... you deserved a second chance to fall in love with someone better than her...

j: well, to be honest may nanligaw naman na at kahit anong pilit ko sa sarili to give a shot again, wala talaga eh... ayaw mag oo ang bibig ko... laging 'i'm sorry i'm not ready to commit to any relationship pa' ang sagot ko...

d: dating na muna kasi... the making of better relationship lang muna. wala muna commitment... ini enjoy muna ang company at kilalanin muna ng maigi ang isa't isa kung compatible ba kayo in almost all ways... ganern muna dapat.. at least you let them court you...

j: kahit naman kasi aayaw ka, liligawan ka pa rin...

d: well, you can't avoid that naman kasi sa ganda mong yan, marami talaga magkaka gusto sayo... titigil lang ang mga yan kung may ipakilala ka na na bagong jowa...

j: haba lang ng hair ang peg, ganern?

d: well, to honest, head turner ang beauty mo... cge na napahaba na ang q and a natin...we're just supposed to say sorry dahil sa ating bungguan he he he...

naglakad na agad palayo si d bago pa man makapag react si j...

sa isip ni j, "loka to... ang unfair lang... di man lang nagkwento kahit a bit sa self nya at sa warak nyang puso... in fairness, okay sya kausap... may sense at sayang yung ganda nyang taglay... sinayang at winarak lang ng ex nya... don't worry, stranger, you will find peace soon... makapag move on ka rin just like me..."







makapag move on ba talaga si stranger 1?


amping kanunay...

uandmeOnde histórias criam vida. Descubra agora