Goodbye, Love

14 4 0
                                    

'sa paglubog ng araw,buwan ay lilitaw, sa pag-ikot ng mundo nalaman kong di ako para sayo'

Nakangiti akong pinagmasdan ang magkahalong kulay sa kalangitan.

"Sana pala ay langit nalang ako at lupa ka para kahit papaano ay mapagmasdan natin ang isa't Isa"bulong ko sa hangin.

Mabuti pa ang kulay yellow at Orange sa kalangitan kaygandang pagmasdan samantalang ang kulay puti't itim na sumisimbulo sa ating pag iibigan ay matamlay at parang walang kinabukasan.

Pumatak ang aking luha kasabay ng pag alala ko sa nakalipas nating dalawa.

Akoy sumisimbulo sa buwan at ikaw ay sa araw na minsang bumisita sa gitna ng gabi at lahat ng tao'y naging saksi.

Mga mata'y kumikinang sa ganda ng minsan mokong binisita pero ang tanong mauulit pa ba?

'tayong dalawa at ang dalawang tala sa kalangitan ay iisa pinipilit nating magtagpo pero sa huli ay bigo'

Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko ba pinipilit Ang mga bagay na hindi pwede?

'wala kana! namayapa kana! Bakit pilit parin kitang naaalala?'

Kumuha ako ng buhangin saka sinaboy yon sa dagat.

"Alam mo ba kung bakit kinukumpara ko ang pag ibig nating dalawa sa araw at buwan ha!!!!" Sigaw ko na ubod ng lakas.

"Dahil katulad nila...minsan lang tayong pinagtagpo ngunit agad ding pinaglayo....."

Goodbye, Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now