Chapter 31

14.6K 639 306
                                    

"Mag-iingat ka doon, anak, ha? Tatawag ka palagi sa amin..." paulit-ulit na wika ni Mama habang naghihintay kami sa airport.

"Opo, Ma..."

"What do you call that sticky rice cake again that your mother brought last time?" tanong sa akin ni Rick. "Maybe you could snuck one into the airport."

Tumawa ako. "Biko. Sige, magdadala ako."

Tumango naman siya. Kahit papaano ay nakakaintindi na siya ng tagalog kaya hindi na kami naåhihirapang mag-adjust sa isa't isa. Nang matapos na ako sa luggage ko, binalikan ko na sina Mama bago ako pumila patungo sa departure area.

"Mabilis lang 'to, Ma," bulong ko sa kaniya dahil mukhang maiiyak na naman siya. Ganito din ang naging reaksyon niya nung pinadala ako sa Hawaii ng tatlong buwan.

"Alam ko, pero mag-iingat ka pa rin. Tsaka yung bahay..." she trailed off.

Tumango ako. Napag-usapan na namin yun. Ibebenta na namin ang bahay namin sa La Union at ako ang mag-aasikaso ng mga papeles habang naroon pa ako.

Niyakap ko ulit si Mama at si Rick naman, tinapik ako sa balikat. Hindi sumama sa akin si Selena dahil graduation day ni Wesley ngayon at si Sonny naman, dun lang daw sa sasakyan maghihintay dahil baka maiyak na naman siya. Nakapagpaalam naman na kami nang maayos sa isa't isa kagabi.

I took a deep breath and joined the queue leading to the boarding area. Sinulyapan ko sina Mama at nakitang lumuluha na pala ito. Inalo lang siya ni Rick at inakay palabas ng airport.

Nilibang ko lang ang sarili ko dahil 20-hour flight din yun. Nag-review na din ako sa sister company na papasukan ko pag nakarating ako ng Pilipinas. They're expecting me to report a day after I landed. Kahit na ilang beses ko na 'tong ginagawa, minsan, kinakabahan pa rin ako.

Sobrang bagal ng takbo ng oras habang nasa loob ako ng eroplano. Nakailang movies na ata ako. Pati pagbabasa ng libro, pinatulan ko na rin. Nang sa wakas ay makarating ako sa international airport ng Pilipinas, saka pa nabuhay ulit ang kaba sa dibdib ko.

I glanced at the window while the plane is landing. Marami na ang nagbago dito. Mas tumayog ang mga building at lumawak ang mga daan. Ilang taon din ako nawala kaya naman yung mga projects noon na hindi pa nasisimulan, tapos na ngayon.

I claimed my luggage while texting Lulu that I'm already here. Hila-hila ko ang maleta ko papalabas at hinahanap sila sa dami ng mga taong narito ngayon.

"Rayacakes!"

Napalingon kaagad ako sa malakas na sigaw ni Lulu pero parang gusto ko nalang magtago at hindi sila pansinin nang makitang may tarpo pa talaga silang hawak! Yun yung tarpo na ginamit nila nung 18th birthday ko! Pucha naman, bakit nakalantad ang mukha ko dito sa airport?!

Ibinaba ko ang suot kong shades at dali-dali akong naglakad patungo sa kanila.

"Anong—"

"Na-miss kita!" dinamba ako ni Lulu ng yakap kaya nabitawan ko ang maleta kong dala. Si Karlo naman na may hawak ng tarpo, nakangisi sa akin habang sinasamaan ko siya ng tingin.

"Itago niyo nga yan! Nakakahiya!" pagdadabog ko pagkatapos akong yakapin ni Lulu.

"Anong nakakahiya?! Special nga 'to, eh. Nag-aalala sila na baka daw nag-iba na ang mukha mo kaya dinala ko 'tong tarpo," natatawang sagot ni Karlo.

"Oo nga! Tingnan mo nga ang kutis mo, sobrang kinis mo na! Ano bang tubig niyo sa Amerika?" pagbibiro ni Celeste. Napatili ako nang makita siya at kaagad siyang niyakap kaya natawa siya sa akin. Hinagod-hagod niya ang likod ko.

"Na-miss kita..." bulong ko.

Ilang taon kasi siyang nag-lie low pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Ravi. Hindi ko rin naman siya masisisi. It's the best she could do for her mental health. Kaso lang, nag-aalala kami kasi ni hindi namin alam kung nasaan siya o kung anong ginagawa niya. Nitong nakaraan lang siya nagparamdam ulit sa amin at nung nagpakita siya, may suot ng engagement ring. 

Drifting with the Waves (Elyu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon