CHAPTER 1

35 12 2
                                    

Abala sa pagkukulay ng kanyang mga daliri si Ysabella sa bench habang ang mga kaklase niya at ang mga estudyante ng ibang sections ay hindi na magkamayaw sa pagche-cheer. May baseball game sila nang araw na iyon bilang requirement para sa kanilang PE subject. Kung sino ang mananalong section, iyon ang magkakaroon ng pinakamataas na grade pa sa fourth grading period.


Kaya itinodo na ng anim na sections na kalahok sa baseball game ang mga pambato ng mga ito. At dahil sa umpisa palang ay magaling na talaga ang kanilang klase, kasama sila sa finals. Her classmates were always conscious of their grades kaya siguradong gagawing ng mga ito ang lahat upang makuha ang pinakamataas na grado. Their class want to be top of everything, lalo na siya.

Hinirang nya ang mga daliri nang balingan ang mga naglalaro. Tambak sila nga dalawang puntos. No wonder hindi na magkamayaw ang mga kaklase nya sa pagche-cheer.

"Huwag kayong magpapatalo, Section Rizal!"

"Kaya ninyo 'yan!"

"Fight! Fight!"

Tiningnan nya ang kalabang section. Halos karamihan sa mga manlalarong lalaki niyon ay nasa field. Talagang balak silang durugin ng mga ito. Peru hindi papayag ang kaklase nila. They had the best batter in their section.

Ako po iyon! Lihim lang siyang napangiti sa kayabangan. May maipagyayabang naman talaga siya. Ipinangpatuloy niya ang kaniyang pag-ihip sa basa paring mga kuko niya.

"Strike two!" sigaw ng isang PE teacher na tumatayong umpire.

Biglang nawala ang atensiyon niya sa ginagawa. Second strike na ang pangalawa sa huling batter nila at nasa second base at first pa lang ang mga kaklase nilang naka palo na. Paano nangyari iyon?

Binalingan niya ang pitcher ng kabilang section. Napansin niyang nakatingin ito sa kanya habang may nakalolokong ngiti sa mga labi nito. Then he aimed the ball at her, na tula bang lantaran siyang hinahamon nito. Nakita iyon ng kanilang mga kapwa estudyante na nanonood sa laban kaya umugong ang malakas na tuksuhan at udyukan.

"O, ha? Seryosohan na ito!"
"Wala nang urungan!"
"Grabe ang cute talaga ni Zultan!"
"Ang baseball varsity team captain at ang best batter ng section rizal, exciting ito!"

No wonder pamilyar sa kanya ang mukha ng binatilyong pitcher. Ito ang team captain ng men's baseball club. Madalas niyang makita ito dahil palaging sa gilid siya ng baseball field dumadaan patungo sa klase niya. Kaya pala ganoon kalakas ang kalaban nilang klase. At kaya pala malakas ang loob ng kolokoy na umasta ng ganoon.

Tinignan niya ito at pinagtaasan ng isang kilay. Then she crossed her legs and continue blowing her newly polished nails.

"Strike three! You're out!"
Ngek! Strike out na ang huling batter nila. Napabuntong-hininga nalang siya saka tumayo mula sa paboritong bench niya. Kailangan na niyang magpakabayani. Akala pa naman niya ay hindi na niya kakailanganing maglaro ngayon dahil alam niyang malakas ang mga kaklase nila. Kaya nga nagbaon siya nail polish para malibang dahil nagpa-reserve player nalang siya.

Isinuot niya ang baseball helmet tsaka dinampot ang baseball bat. At sa halip na maasar nang pumuwesto na siya sa homebase upang pumalo ay natuwa pa siya. Her red nails looked good on the white baseball bat she was holding. The pitcher looked at her and smiled again with that smug smile of his.

Ang yabang nito, ah. Akala mo kung sino. Makikita mo, makikitang.

"Strike one!"
"Huh?"
Nagulat pa siya sa sigaw ng umpire sa likuran niya.
What? He had thrown the ball already? Muli siyang pumuwesto. Muli ring inihagis nito sa kanya ang bola.
Ngunit sa halip na paluin, tiningnan lang niya iyon.
"Strike two!"
Nag-umpisa ng nag-hysteria ang mga kaklase niya. Pati ang mga nasa first at second base ay nakita niyang napaluhod na at napatingala sa langit.
"Parang-awa mo na, Ysabella! Tirahin muna ang bola!"

Now it was her turn to smile when the pitcher readied himself for another pitch.

Magaling ka, puri niya rito sa isip. Peru hindi mo ako madaling ilampaso.

She had an excellent vision for a fourteen-year-old girl. Bale wala sa kanya ang bilis ng pag-pitch binatilyo. Isang matinis na tunog ang umalingawngaw sa baseball field nang tumama ang bola sa bat niya. Binitawan niya ang bat at saka namimilantik ang mga daliring sinundan niya ng tingin ang paglipad ng bola sa ere.

Her classmates cheered. Mabilis na tumakbo sa home base ang mga kasama niya. Tie na ang score.
Ngayon ay siya nalang ang kailangang maka home run para sila na ang panalo. But she took her time and just strutted her way to the first up to the third base. Para lang pang-aasar sa pitcher na ngingiti-ngiti lang na sinundan siya ng tingin.

"Don't quit your day job," wika niya rito saka ito binigyan ng flying kiss. "Bye!"

Nagpamaywang lang ito saka tumango-tango bago tinawag ang isa sa mga catchers nito.

"iñaki!" The boy he called came towards him. Nasa third base na siya ng makita niya itong nagbalat ng candy at sinubo iyon sa catcher. Saglit na tila natigilan ang huli at ilang segundo ang lumipas ay bigla nalang sumigaw ito.

"Ahhhhhhh!" Pagkatapos ay tumakbo ito nang mabilis patungo sa bakod at walang hirap na inakyat iyon.

Nakuha nito ang bola! Hala! Kumaripas siya ng takbo nang malakas na inihagis ni Iñaki ang bola pa alin sa field.
At siguradong ipapasa nito iyon sa nagbabantay na kakampi nito sa home base.

"Takbo, Ysabella!" sigaw ng mga kaklase niya.
She dived to the home base. Naramdaman pa niya ang pagsadsad ng katawan niya sa lupa bago narinig ang boses ng umpire.

"Save! Section Rizal wins!". Sigaw ng mga kaklase niya. Ilang minuto rin siyang nanatiling nakasubsob sa lupa bago niya naisipang tumayo. Ngunit pag-angat niya ng tingin ay isang kamay ang nakita niyang nakakahawa sa kanya. Tinanggap niya iyon, knowing that it was one of her teammates.

"Sala-". Napakunot ang kanyang noo nang makilala kung sino ang tumulong sa kanya.

"Ikaw?"
"You're welcome." Itaas the other team's pitcher, the men baseball team captain. Si Zultan Mallari.
Mabilis na binawi niya ang kamay rito. Nagkibit lang ito ng mga balikat saka ngingisi-ngising pinagmasdan ang kabuuan niya. Sinimangutan lang niya ito. She new she was a mess but he didn't have to emphasize it.

"Don't quit you're day job," gaya nito sa sinabi niya bago ito bumalik sa mga teammate at kaklase nito.

Irritated with his smug attitude, she called out to him.
"Oh, yeah? Well, you're still a loser. Kawawa ka naman."

Mukhang natapakan niya ang ego nito dahil madilim na ang ekspresyon sa mukha nito ng bumaling ito sa kanya. Nawala na ang maamong mood niya ngayong Naka ganti siya. She flipped her hair with her dirty hand ang with one raised eyebrow, left them to wallow in misery for losing against them.



***********************

Hi my babies this is my first story here in Wattpad, hope you'll support me till my last journey.

Thank you in advance. <3

Pustahan Tayo, Mahal Kita   (On-going)Where stories live. Discover now