A Night with Him

4.3K 15 1
                                    

"Thank you so much for today bae, I am sorry but I have to leave na." my friend, Sabrina.

"Aalis ka na agad? Ang aga pa ah." tinignan ko ang relo at nakitang ala una pa lang ng madaling araw.

"Girl, hinahanap na ako ng asawa ko, palibhasa single ka pa rin." saad nito atsaka tumawa ng malakas.

"It's fine. I don't need a man anyway. " I rolled my eyes and waved her goodbye.

Pabalik sana ako sa loob ng club mula sa parking lot nang makita ko ang lupong ng mga lalaki na nakaharang sa daraanan ko.

Anong nangyayari? May kaguluhan ba?

Naglakad ako palapit sa grupo ng mga tao at tumingkayad para makita ang pinagkakaguluhan.

Ah, it's just a quarrel between a couple I guess.

Hindi na ako nakiusyoso pa at dumaan sa gilid para makapunta na sa loob ng biglang may humigit sa braso ko.

"Ah! What the fuck are you doing?" pagalit na bulong ko sa lalaking humila sa akin.

Tinignan ko ito ng masama.

Iniharap ako nito sa mga kasama niya at sa isang babae? Kahit kailan hindi ko gugustuhin maging kabit 'no!

"I need to get rid of her, she's obsessed. Help me." bumulong ito sa tainga ko kaya naramdaman ko ang mainit na hininga niya.

At dahil nasa mood naman ako, sinakyan ko ang gusto niya. Hinarap ko ang babae.

"Babe, who is she?" kumapit ako sa braso nito at saka ngumiti ng matamis.

"B-babe? You're lying!" napakislot pa ako sa sigaw ng babaeng kaharap ko. Nakakagulat naman 'to.

"What do you mean I am lying? We've been together for so long." tumawa ako ng mahinhin at nang-aasar.

"That can't be. I haven't seen you two together until now." ngumiti pa ang muchacha.

Desisyon ka girl?

"If you don't wanna believe me then, that's on you." nagkibit balikat na lang ako.

"Prove it." hamon nito. Loko-loko ata 'to e.

Anong prove it e hindi ko naman kilala itong lalaking 'to at nakikisakay lan-

Nanlaki ang mata at naputol ang iniisip ko nang bigla akong hapitin ng lalaking hindi ko kilala sa baywang at hinalikan. Nakapikit pa talaga siya.

"Respond or she'll notice." giit nito sa gitna ng halik.

Damn it.

Inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat nito at tumugon.

"H-ha! I hate you, Lauren!" tumalikod na ang babae at nagmarcha paalis.

Nang maghiwalay kaming dalawa nitong "Lauren" daw ay narinig ko ang hiyawan ng mga kasama niya.

"Loko ka talaga Lauren! Baka umiyak yon si Hope HAHAHAHA!"

"Hayop ka pre. Baka magsumbong sa nanay 'yon!"

"Shet. Chix yang kasama mo, bago?"

"Lubayan niyo nga kaming dalawa. Magsiuwi na kayo. Layas." pagtataboy ni Lauren sa mga kasama niya atsaka ako hinila papunta sa-

"Teka! Saan mo ako dadalhin? Siguro kidnapper ka ano? Ibebenta mo ang mga lamang loob ko, tama ba? Sinasabi ko na nga ba! Naghahanap ka lang ng biktima at ako naman itong si t-" naputol ang sasabihin ko nang bigla ako nitong halikan ulit! Namimihasa na siya ah!

A Night with Him One Shot (R18+)Where stories live. Discover now