Simula

1K 53 19
                                    

SIMULA

ㅤㅤㅤㅤ‘The more you hate, the more you love.’ – Malinaw na malinaw pa sa isipan ni Aaron kung ano ang naging reaksyon niya nang marinig ang phrase na ito mula sa bibig ng nakababatang kapatid.

Ridge was just seven years old back then and he had been playing with a child named Zamiel, who for some reason, Aaron disliked.

During that time, the neighbor’s child was asking about the girl in their class who clung to him like crazy, and that Zamiel hated a lot. Pero ang sagot lamang ni Ridge ay iyong infamous at nakakabobong ‘the more you hate, the more you love’-phrase.

“Hindi naman totoo ‘yang kasabihang ‘yan.” May bahid ng panggagalaiti at pagkairita ang boses ni Aaron noong kontrahin niya ang kapatid.

Sabay namang lumingon ang mga bata sa kanya at bagamat ayaw na ayaw niyang sinusupladuhan si Ridge, noong mga oras na iyon ay hindi napigil ni Aaron ang mapairap.

“Kapag ayaw mo sa tao, ayaw mo. Period. ‘Di ibig sabihin no’n e may hidden desire ka sa tao o baka ‘di mo lang nari-realize na gusto mo pala talaga sila,” dugtong pa niya ‘tsaka siya naghalumbaba’t humarap sa telebisyon na noo’y muppets pa ang palabas.

Sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang nagkatinginan sina Ridge at Zamiel. Parehong nagtataka ang mga ito hanggang sa kalauna’y sinabihan ni Zamiel na mali si Ridge sa sinabi nito – naginhawaan naman si Aaron nang malamang sumasang-ayon sa kanya ang maliit na bata.

As his eyes were fixated on the television screen, seemingly taking in every moment of what the ‘muppets’ could do to entertain him, Aaron’s mind slowly drifted.

Naririnig pa rin kasi niya ang pakikipagtalo ng kapatid sa best friend nito at nalulunod na ang volume ng telebisyon.

“Hindi rin naman ako mali! Si teacher Shasha pa ang nagsabing siya at ‘yong asawa niya, nagsimula rin daw na ayaw nila sa isa’t isa!” Ridge defended himself stubbornly.

Zamiel hissed. “Iba ‘yon! E si Fatima naman, may gusto sa ‘kin. Ako ang may ayaw sa kanya kasi lagi siyang dumidikit sa ‘kin tapos sabi pa niya sa mga kaklase ko, magpapakasal kaming dalawa!”

“Narinig ko nga. Umiyak ka rin daw no’ng sinabi niyang wala ka raw choice kung ‘di pakasalan siya.”

“Ayoko sa kanya! Sipunin na nga siya, bungi pa! Bahala siya!”

Walang kwenta ang makinig sa usapan ng mga bata – iyan ang alam ni Aaron simula’t sapul pero hindi niya maiwasang maintriga sa buhay ng kapatid niya at ng lintik nitong kaibigan.

But for some reason, their childish conversation reminded him of someone. Ang wirdo at ilang beses na rin niyang iwinawaglit sa isipan pero sa tuwing mababanggit ni Ridge iyong pamatay na kasabihan?

Ayun. Iyong mukha ng pambwisit na panira sa buhay niya sa school ang pinakaunang pumapasok sa isipan ni Aaron.

Naaalala ni Aaron noong unang araw niya sa high school na pinapasukan. Although he was extremely lazy to attend, he was excited at the same time because he’d get to see a new environment.

Hindi na siya ihahatid-sundo kaya may kalayaan na si Aaron na umuwi kahit kailan niya gusto. Plus, he’d get a chance to find the most private parts of the school where he could sleep at. Masaya ang buhay.

Habang nag-eenjoy si Aaron na maglista ng mga balak, napukaw ang atensyon niya nang mayroong bumangga sa likuran niyang lalaki.

“Sorry,” bulong nito mula sa likuran niya.

The first thing Aaron could remember was how his perfume made its way on his nose and of how fragrant it was that he almost wanted to ask which brand it was. Kaso nang lumingon siya para sana magtanong at i-cater ang sorry nito, natigilan siya’t natulala nang ang pinakaunang bumungad sa kanya ay ang gwapo nitong mukha.

Won't Say I'm In Love (BxB, SHORT STORY/COMPLETED)Where stories live. Discover now