𝙿𝚁𝙾𝙻𝙾𝙽𝙶𝚄𝙴

301 20 1
                                    

🌺MATCH MADE IN HEAVEN. 🌺

🌾Prologue🌾

Sabi nila kapag may gusto kang gawin sa buhay huwag kang mag dalawang isip gawin dahil kung para sa iyo ang isang bagay ay talagang mapapasayo. At sa tuwing may gagawin tayo lahat kadalasan ay inaasa natin sa swerte

"Kung malas, edi malas. At kung suswertehin ay edi jackpot!" Maligayang sambit ko sa mga kaibigan ng minsang mag take kami ng exam para sa isang scholarship.

Ikaw, naniniwala ka ba sa swerte? Ako, oo. Pero sabi nila kahit hindi ka masiyadong maswerte pero kapag kumayod ka daw at nag pursige kahit buntutan ka ng malas magtatagumpay ka pa din.

Pero sa kaso ko, walang ganoon. Dahil walang kahirap-hirap kong napagtatagumpayan ang mga gusto ko sa buhay.

Hindi ko alam kung magaling lang ba ako o talagang...nananalaytay sa akin ang swerte.

But what if someone's doing it for me? Guiding me. Manipulating everything for me?

"Hay naku Jordan. Palibhasa alam mong swertehin ka lagi eh." Sambit ni Aaron at umirap.

Gaya nga ng inaasahan, sa aming lahat ay ako lang ang nakapasa sa scholarship. Actually it's not that so unusual kasi lagi naman iyong nangyayari. Sa aming magbabarkada ako lagi ang swerte.

Idagdag mo pa ang pagiging swerte ko sa pagkakaroon ng napakagandang girlfriend na si Dianna.

We're so sweet to each other and everything is perfect. But here's this one thing she really hates about me but I love doing it.

"Total ay nakapasa ako sa scholarship, why don't we celebrate? I mean, night out. Inom?" Sambit ko sa mga tropa ko pero agad kong nakitaan ng pagtutol ang mukha ni Dianna.

"Oh no. Kakabati niyo pa nga lang ni Dianna nung last time na nag-inom ka eh." Natatawang paalala naman ni Gabriel, Aaron's Boyfriend.

Sinulyapan ko si Dianna na ngayo'y masama na ang tingin sa akin. Umiling ako at linapitan siya.

"We're just going to celebrate, ayaw mo bang ipagdiwang na nakapasa ako?" Malambing na tanong ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag.

"Jordan, ayoko na nang nag-iinom ka. Sinabi ko na iyan sa iyo." Mariin niyang sambit kaya natahimik na din ang mga kaibigan namin.

Naglakad si Dianna papalapit sa kotse naming nasa likuran kaya napa buntong hininga na lamang ako.

Nilapitan ko ang mga kaibigan at tinanong kung G ba sila? And they said 'yes' except kay Dianna.

Sinabihan ko silang umuna na sa bar at susunod ako pagkatapos kausapin ang girlfriend ko.

Noong linapitan ko na si Dinna ay nakasakay na siya sa kotse ngunit nakabukas pa ang bintana.

Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin ng matantong hindi ko na kasama ang mga kaibigan.

"Where are they?" Bungad niya.

"Umuna na sa bar." Sambit ko kaya mabilis na nanlisik sa galit ang mga Mata niya.

"What!? Tutuloy kayo? Without my permission?" Sigaw niya, galit na galit.

"Dianna, it's been a week since nag inom ako! Mag si-celebrate lang eh. Kung ayaw mong sumama, edi kami nalang! Ako na lang!" Sigaw ko sa kaniya pabalik dahil medyo naaasar na din ako sa kaartehan niya.

I love Dianna, but as you can see, she's so manipulative. She wants to dominate me and always want me to follow what she says.

"Jordan! I'm your fucking girlfriend! My opinion matters! Hindi mo ba naiintindihan?" Dagdag niya pa kaya napapikit na lang din ako sa inis.

𝐌𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐌𝐀𝐃𝐄 𝙸𝙽 𝙷𝙴𝙰𝚅𝙴𝙽Where stories live. Discover now