1ST ONE - 112.

7 2 0
                                    

1ST ONE - 112.

"Si Sebin..." Nakatingin lamang ang lahat kay Mister Choi nang sabihin iyon. "I mean sina Sebin at Raewon..." Kinatitigan ng ginoo si Jia at muling nagsalita. "They're your uncles. Meaning, they are the younger siblings of your dad. Mula nang pakasalan ng dad mo ang kaniyang first wife na si Hera, pinutol ng madam ang kaniyang ugnayan sa kaniyang panganay na anak. Pero tingnan mo nga naman, nang dumating kayo ni Jayson ay nagkita kayo at mukhang nagkapalagayan na ng loob."

"Hindi nga?" tanong ni Christian. "Totoo???"

"Pero hindi po ba si Raewon ang panganay na anak?" tanong ni Aya. "Ibig sabihin, magiging pamangkin ko na din sila Jia?"

"Ang awkward bigla," natatawang sabi ni Jia. "Grabe, hindi ako makapaniwala. Naiilang ako, sobra!"

"Hindi mo ba sinubukang tingnan ang mga gamit ng dad mo kahit isang beses? Kahit 'yung mga papeles niya?" tanong ni Mister Choi. "Kahit ako, hindi makapaniwala. Hindi ko alam na anak ng madam ang dad mo, iha. Hindi ko talaga alam."

"Hi, Uncle Sebin," sabi ni Christian at natawa. "Ako 'tong naiilang para sa pinsan ko, hahaha!"

Natawa na lamang si Sam. "Totoo ba talaga, Mister Choi? Bakit kaya hindi man lang sinabi sa'min ni mom ang about dito? Grabe."

"Malay mo, nandito din sa sulat ang dahilan?" Tiningnan siya ni Mister Choi. "Kung hindi ka komportable na tawagin kang uncle ng mga anak ng nakatatanda ninyong kapatid ay----"

"Okay lang sa'kin, Mister Choi. Okay lang na malaman nila ang totoo. Pero ayokong tawagin nila akong uncle. Nakakailang talaga, as in."

Natawa ang ginoo. "Kahit nga ako'y naiilang dahil sa nalaman natin ngayon. Siya, itutuloy ko na ang pagbabasa..."

"Uncle Sebin," sabi ni Jia at natawa. "Hi, uncle!"

"Stop it, Jia. Mukhang nang-aasar ka, e." Sinimangutan siya ni Sam.

Nagtawanan na lamang ang lahat.

"At dahil sa anak ng madam ang dad mo, Jia, alam niya ang dahilan ng lahat. At sigurado akong alam niya ang nangyari almost three decades ago." Bumuntong-hininga si Mister Choi. "Feeling ko, dito na talaga natin malalaman ang lahat ng mga tanong na hindi pa nasasagot."

"'Yung about sa aksidente na kinasangkutan natin noon nila mama, pa?" tanong ni Christian.

"Oo, anak. Teka lang." Muling tiningnan ng ginoo ang nakasulat sa papel. "May nakarelasyon noon si Jaesuk, at nagkaroon siya ng anak doon. Nang malaman iyon ni Hera ay sinubukan niyang pagtangkaan ang buhay ng nakarelasyon ni Jaesuk at ng anak nila. Sa kabutihang-palad ay nailigtas ng madam ang sanggol pa lamang noon na bata. Iyon ang unang apo ng madam."

"Hindi pa sila kasal ni Hera noon, hindi ba?" tanong ni Sam. "Nasa'n na kaya ang anak nila ng nakarelasyon niya?"

"Sa pagkakaalala ko, na-arranged marriage sina Jaesuk at Hera. Iyon ang pinakamalaking pinagsisisiahan ng madam hanggang sa dulo ng kaniyang buhay. Ang dad mo ang siyang naging dahilan ng pagpapakasal ng dalawa. And 'yon na nga, kung ano ang mga nalaman mo, nakita at naranasan, iyon ang hindi magandang kabanata ng buhay ninyong lahat."

"My dad and your dad were friends right?" tanong ni Jia at nilingon si Sam. "And your dad died because of Hera, tama? Ibig sabihin, napatay niya ang father-in-law niya?"

"And 'yon ang dahilan kaya..."

"Kaya ano?" tanong ni Sam. "Bakit gano'n? Bakit hindi man lang sinabi ni mom ang totoo?"

One Series: The Hope (1st One + Gift)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora