Epilogue

2 0 0
                                    

"Manong nakita niyo po ba siya?" tanong ko sa lalaking naka tayo sa kanto sabay pakita ng isang litrato.

"Eh wala ineng pasensya na mag hanap ka nalang sa iba, at baka naka layo na yon"

Tumango at nag pasalamat kay manong.

"Nung naka raan niya pa yan hinahanap eh dito lang din naman nag libot libot yan baka nasa ibang lugar na yang hinahanap niya."

Rinig kong sabi ng babae.

Binalewala ko lang ang sinabi ng babae, dahil umaasa akong nandito pa siya.

Pero bat nga ba ako umaasa na nandito pa siya eh antagal na nun.

*peeepp! *

" ay ano ba yan! " sigaw ko, jusq aatakihin ata ako sa puso nito eh nang gugulat ba naman!

"Ahmm miss sorry nag mamadali kasi ako eh, san kaba pupunta at pati isip mo lumilipad na haha"

Abah tarantado pala to eh.

"At excuse me kuya wala kang ng pake dun!"

Bumulong siya ng "Ok" at nag peace sign saakin.

Pumara na ko ng jeep at uuwi na ako inutusan lang naman ako ni nanay na bumili sa palengke syempre pag kakataon ko na din yun para mag hanap hanap.

"Nay!" sigaw ko.

"Nandito ako sa kusina"

Inilapag ko na at niligpit ang mga binili ko.

"Anak tawagin mo na si Jacob doon kila aling Nena dahil tanghali na oh ang init init na sa labas"

"sige po"

Nag lalakad ako sa labas para sunduin ang pinsan kong si Jacob,minsan kasi iniiwan siya ng mama niya dito samin dahil nag tatrabaho yung mama niya.

Habang nag lalakad ako eh may batang nadapa sa harap ko wait tatawa ba ako eh sabi ng utak ko tumawa daw ako eh.

Sabi naman ng puso ko tulungan ko daw, kaya tumawa muna ako at narinig ko ang malakas na iyak ng bata kaya tinulungan ko na din.

"mag ingat ka kasi ayan tuloy na-"

"Leah! " sigaw ng lalaki kaya tumakbo kaagad yung bata sa kanya.

"san kaba kasi nag pupunta ha"

Parang tumigil ang mundo ko, siya! Siya yung hinahanap ko!

"Wait kuya!"

Tumakbo ako para habulin siya pero

"Peeepp!! "

Di ko siya naabutan nang hihina ako at unti unti ng dumidilim ang paningin ko.

"hala kawawa naman yung babae" rinig kong sabi ng mga tao.

"tulungan niyo"

"dahil niyo sa hospital!"

"tulong!!"

At di ko na alam ang sunod na nangyarin dahil nawalan na ko ng malay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until I Found You Where stories live. Discover now