章1

18 2 0
                                    

Isang araw, may isang estudyante na nakakuha ng pinaka mataas na marka sa pagsusulit sa kanilang klase. Ang estudyanteng ito ay nagngangalang Ciandrei Diaz.




Halos lahat ay ipinagtaka ang marka na nakuha ni Ciandrei dahil ito ang unang pagkakataon na nakakuha siya ng mataas na marka, hindi lang mataas ngunit PINAKA MATAAS. Pati ang Kaibigan ni Ciandrei na si Maxielle Valeria ay nagtaka din at nag duda sa naging resulta.




Nang kausapin at siyasatin ni Maxielle si Ciandrei ng pribado ay dito nalaman ng kaibigan na nag cheat o nandaya si Ciandrei sa kanilang pagsusulit. Umamin si Ciandrei na gumamit siya ng kodigo na itinago niya sa sleeve ng coat niyang suot.




Hindi din kinaya ng konsensya ni Ciandrei ang ginawa niya kaya humiling siya sa kanilang guro kung maari ba silang mag-usap ng pribado.




Nakiusap si Ciandrei na 'wag sasabihin na kahit kanino ang ginawa niya dahil pati siya mismo ay nahiya rin. Pumayag naman ang guro at nangakong hindi niya ito ipagsasabi kahit kanino.




Sa huli ay walang nakaalam ng pandarayang naganap kundi ang guro at ang kaibigan na Ciandrei na si Maxielle.




Nangako si Ciandrei na hindi niya na uulitin pa ang ginawa niya, at nangako rin siya na mag-aaral na ng mabuti keysa mag cheat ulit. Nagtagumpay naman siya dahil nand'yan ang kaniyang kaibigan at guro para tulungan siya.

KODIGO - SHORT PROMPT WITH LESSONWhere stories live. Discover now