Chapter 35

2.6K 239 19
                                    

Palagi akong busy lalo na sa huling taon ko sa kolehiyo. Naging abala ako ng nagtransfer ako noon dito mula sa Manila na Unibersidad. Sa kabutihang palad ay pinayagan naman ako. Mabuti nalang nasa akin ang mga black card ni kuya.

Si kuya na di parin nahahanap. Ngunit alam ko na buhay siya. Gusto kong' makapasa sa bar exam bilang guro. Gusto kong ituro ang karapatan ng isang babae. Kung paano pagtibayin ang karapatan natin sa pamamagitan ng pagpatibay ng karapatan ng isang babae.

Noong unang makita ako nila Karen dito ay labis ang gulat nila. Dinalaw ko ang puntod ni nanay at tatay. Halos araw-araw akong bumabalik balik dahil sa aking kasabikan sa kanila. 

Ang hirap pala no? Na ang kinasasabikan mo ay wala na. 

Mahirap ang mag-isa. Halos hindi ko magawa ang kahit sira na hagdan sa bahay. Kahit ngayon ay sira parin ito. 

Pero mas pinaganda ko na ngayon ang bahay kaysa noon. Pinaayos ko rin sa kapitbahay ang sirang gripo at iba pa. Bumili rin ako ng bagong ref at mga matitingkad na kurtina para sa mga bintana.

Nasanay na ako na mag-isa sa bahay. Subalit kahit na sanay ay hindi ko parin malimutan ang huling pag-uusap namin ni Felix. 

Binalikan ko ng tingin ang dagat ng makaahon. Kung wala akong ginagawa ay ginugusto ko nalang na mag isa dito sa dagat. Nakakawala ng maraming iniisip ang ginaw ng dagat sa aking balat. 

Bumalik ako sa sun lounger para balutin ang sarili ko sa towel na dala. Ito lang ang tanging resort na pinupuntahan ko sa tuwing wala kaming pasok at ngayon napadalaw ulit dahil malapit na ang graduation namin. 

Nahirapan na ako magkaroon ng kaibigan pero kilala ako ng iilan ngunit mas pinili ko nalang na idistansiya ang sarili ko. Simula noong mangyari iyon sakin ay naging iba na ang kilos ko. Hindi na katulad ng dati. 

Mas gusto ko na pagtuonan ng pansin ang mahahalagang bagay. Ang makapagtapos ng pag-aaral. Ang matapos ang projects ko. Hindi na ako sumasama kung mag-outing man ang mga kaklase. Mas gugustuhin ko na umuwi at maglinis ng bahay.

Somehow, I find peace being alone. But I never feel to be comfortable again. Kasi ang tao na iyon ay wala na sakin.

Iyong mga nangyari noon ay nanatiling bangungot, nanatiling ala-ala na ayaw kong maalala.

Tumunog ang aking cellphone at napangiti ako ng makita ang pangalan ng caller.

Binalot ko ang tuwalya sa katawan at pumunta sa side resto nila na nakaugalian kong' kainan ng cordon bleu.

"Hello Armando?" napangiti ako at umupo sa paborito kong pwesto. 

May nag entertain agad na waiter sakin at alam na nila ang palagi kong' kinakain.

"The usual parin ba miss Ganda?" nakangiting wika ng kanilang waiter. Ngumiti ako at tumango. 

"Yes please. Tsaka isang wine na rin, yung' sparkling."

"Right away miss Ganda."

"How's school?" si Armando sa kabilang linya. Nang ilang araw na makabalik ako sa bahay ay nakita ko agad si Armando. Alam ko na malaki ang naging parte niya sa buhay ko. Kahit na sa mga alaala ko noon. Paano kaya kung siya nalang ang minahal ko kaysa kay Felix? Ano kaya kami ngayon?

Magiging ganito pa ba ako?

Tinanong ko noon si Armando kung bakit ngayon lang siya nagpakita sakin? Nalaman ko na pinagbantaan raw siya ni Felix na huwag lalapit sakin. Kahit gustuhin niya ay ayaw rin ni kuya na lumapit siya sa akin.


Heart Of Bullets ( Mafia Series 4)Where stories live. Discover now