Chapter 1

1 0 0
                                    


2 YEARS AGO....


Inayos ni Georgina ang kanyang longsleeve dahil siya na ang kasunod sa pila ng inaaplayan niyang trabaho. Pang-sampung kompanya na itong inaplayan niya, nagbabasakali na kahit isa man lang sa kompanyang iyon ay tawagan siya at sabihing tanggap na siya sa trabaho.

Sa loob ng Isang Linggo na paghahanap ng trabaho mula nang dumating siya sa New York ay trenta na siguro ang inaplayan niya ng trabaho ngunit hanggang ngayon ay wala parin siyang natatanggap na tawag o text mula sa mga ito. Namomroblema na siya dahil kaunti nalang ang natitirang pera niya.

Naiintindihan niya naman kung bakit hindi siya matanggap, hindi naman kasi siya nakapag-graduate dahil Second year college palang siya sa kursong Business administration nang umalis siya sa Pilipinas—Noong nakaraang dalawang Linggo lang. Paubos na ang kaunting pera na dala niya kaya kailangan niya ng trabaho. Kahit nga pagiging Janitress ay papatusin niya na basta magkaroon lang ng sweldo.

"Miss Georgina Evangelista?"  Bigla siyang napatayo nang tawagin ang kanyang pangalan

"That's me, Miss!"  Agad niyang sigaw. Tumingin naman sakanya ang babae at sinenyasan siyang lumapit. Mabilis siyang sumunod at binigyan ito ng matamis na ngiti.

"Go in there, someone will interview you"  Tagubilin nito at binuksan ang Salaming pinto. Binigyan niya ulit ito ng ngiti bago tuluyang pumasok sa loob.

Pagkapasok niya ay nilibot niya ang tingin, puro puti lang ang nakikita niya pero malaki ang kwarto. May limang taga-interview at ang apat ay may ini-interview na kaya naman napatingin siya sa bandang dulo at nakitang walang nakaupo sa harapan nito kaya doon siya lumapit.

"Good morning Sir!" Masiglang Bati niya sa medyo may katandaan nang interviewer. Tinignan naman siya nito at ngumiti rin ng bahagya.

"Please take your seat Miss..?"

"Evangelista Sir"

"Okay, Miss Evangelista"  Huminga siya ng malalim at binigay dito ang kanyang resume maging ang mga requirements na hinihingi ng mga ito. Inayos ng interviewer ang eyeglasses nito at tinignan ng maigi ang kanyang resume.

"So you're a Filipino?"  He asked without looking at her

"Yes sir"  Her immediate reply. Napaayos siya ng upo nang balingan siya nito ng tingin.

"Tell me about yourself"  She sneezed first and took a deep breath

"I'm Georgina Evangelista, 20 years old, from Philippines. I'm undergraduate but before leaving the Philippines I studied business administration for two years."  Binigyan niya pa ito ng kanyang signature smile na palagi niyang ginagawa sa mga interviews niya. Hindi para mag pacharm kundi para ipakita ang kanyang pagiging sincere na magkaroon ng trabaho.

"Are you applying for?.."   Napakurap-kurap siya dahil sa tanong nito. Hindi niya naman kasi alam kung ano ang mga hiring position sa kumpanyang ito, nang makita niya sa labas ng pintuan ang malaking tarpaulin na HIRING EMPLOYEES ay agad na siyang tumakbo papasok.

"Didn't you read the information written in the tarpaulin outside, Am I right?"  Napakagat siya sa labi dahil sa tanong nito, Nahihiya siyang tumango rito. She heard him chuckled kaya naman napatungo siya. Mukhang umpisa palang ng Interview legwak na agad siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sleeping Beauty's Actor Where stories live. Discover now