Prologue

10 1 0
                                    

MAGIC?

SUPERPOWERS?

Is this really exist.. dito sa mundong puno ng hiwaga? Well, hindi natin alam.

Pero kagaya na lamang ng pag-ibig. Parang magic diba, sa isang iglap biglang nasa harapan mo na at kalaunan ay bigla ring nawawala. Parang may malakas na kapangyarihan na humihigop sa sistema ng isang tao, nagpapasaya, nagpapaluha, nagpapagalit, nandudurog at nagpapabago.

LOVE.

Ano ba ang tamang kahulugan ng pag-ibig?

Ano ang pakiramdam ng isang taong umiibig?

Naranasan mo na ba ang magmahal?

Naranasan mo na bang masaktan?

Naranasan mo na bang maluko?

Pinagpalit sa iba?

Pinaikot-ikot at pinaasa?

Hanggang kailan mo kayang ipaglaban, protektahan ang isang tao sa ngalan ng pag-ibig? At paano kung wala ka namang pag-ibig na nararamdaman para sa kanya kundi puro inis at galit na hindi naman siya ang may gawa, ililigtas mo ba siya sa kapahamakan na nakaambang sa buhay niya?

Sabi nila, love is blind. Na kahit harap-harapan ka ng niluluko hindi ka pa rin naniniwala, nagpapakatanga ka pa rin at pilit ipinagsisiksikan ang sarili sa taong ayaw naman na sayo. Or sadyang wala naman talagang kayo, ikaw lang itong nag-assume na meron kaya hindi mo naisip na pinaglaruan ka lang pala. Akala mo mahal ka pero pinagpustahan ka lang pala. Nasasaktan ka pero ikaw naman talaga ang may kasalanan. Hindi mo matanggap sa sarili mo kaya sinisisi mo sa iba.

Kapag nagmahal ka kailangan ba talagang dapat kang masaktan? At paano kung nagparaya ka, pag-ibig ba ang ibig sabihin no'n?

Paano mo ba masasabing naka-move on ka na sa isang tao kung may galit pa rin sa loob ng puso mo?

Ang sabi sa akin ng mga katropa ko, "If you love someone you gonna learn to let them go."

Ngunit paano kung ni-let-go ko na s'ya pero matinding galit naman ang pumalit sa puso ko? Galit na naibaling ko sa iba. Sa isang taong hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling na puno ng katangahan, animo'y walang utak at walang pinag-aralan. Na kahit anong pang-iinsulto, pang-aalipusta, masasakit na salita ang sinabi ko parang wala lang sa kanya!

'Yong tipong galit na galit ka na, umuusok na ang ilong mo at gusto mo ng manuntok pero nakangiti pa rin siya sayo. Nakakapanggigil diba? Ang sarap magwala... and I hate her damn much!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lookin' To The MoonWhere stories live. Discover now