One shot

4 2 1
                                    

Warning: grammatical errors alert.

Third person's POV.

Gising na siya.

Napahagulgol sa saya ang dalagita dahil gising na ang kaniyang kasintahan.

Sabi ng doctor ay maayos na ang binata kaya lumabas na siya ng Ospital sa araw din na iyon.

Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ng dalagita habang tinititigan ang kasintahan na nakaupo lamang sa kaniyang tabi.

"Ganiyan, dapat sa'kin ka lang nakatingin. Dapat ako lang ang tinititigan mo nang ganiyan."ani lalaki.

Araw ng Sabado nang maisipang maglakad lakad sa kanilang baranggay ang magkasintahan.

Una silang nagpunta sa play ground kung saan may mga batang naglalaro at ibang mga estudyante na nakatambay.

"Daming nakatingin sa'tin mahal", nang inilibot ng dalagita ang kaniyang paningin ay nakita niyang marami ngang nakatingin sa kanila.

"Pinost ba naman ng baranggay 'yung ginawa mong pagsagip sa tatlong bata." tawa ng dalagita at tumuloy na sila sa paglalakad.

Sunod nilang pinuntahan ay ang kainan sa kanilang baranggay kung saan sila noon madalas magpunta upang kumain.

"Kamusta ka na Ija?" malungkot na tanong ng may ari ng kainan.

"Ayos lang po, salamat sa Diyos at nakalabas na siya ng Ospital." sabi ng dalagita bago ngumiti at humawak sa braso ng kasintahan.

Maririnig na bumubulong ang mga tao sa loob ng kainan.

'Ganiyan talaga daw 'yan.'

'Kawawa naman siya.'

Umalis na ang magkasintahan at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa maisipan nilang magpahinga sa isang waiting shed.

Pagkarating nila doon ay may babaeng naghihintay ng masasakyan, nginitian lamang siya ng dalaga.

"Ang ganda talaga dito sa baranggay natin, gusto ko dito rin tayo bumuo ng pamilya." Bulong ng dalagita sa binata bago sumandal sa kaniyang balikat.

"Oo naman, basta payag ka. Isang dosenang anak." biro ng lalaki tsaka sila nagtawanan.

Panay naman ang tingin babae sa magkasintahan.

"Oo ba, basta ikaw ang ama." sagot naman ng dalagita.

"Syempre no, ako lang dapat mahal. Ako lang. Pero 'pag may nahanap kang mas pogi sa'kin, ayos lang. Basta kung saan ka masaya. "

"Ikaw lang naman, wala nang ibang makakatiis sa ugali ko bukod say'o. Sila mama't papa nga, sinukuan na ata ako." tumawa ulit sila.

Hanggang ang tawa ng dalagita ay naging mga hikbi na.

"Mahal, alam mo naman na ikaw lang mahal ko di ba? Hindi na mababago 'yun." tinuyo ng lalaki ang luha ng dalagita.

Hindi na matigil ang pagluha ng dalagita dahil sa nakikita niya.... Unti unting naglalaho ang binata sa paningin niya.

"Hindi ko kaya... Hindi ko kaya mahal...dito ka lang please... Mahal...."

"Mahal, wala man ako dito sa mundo pero ang puso ko sa'yo pa rin. Sa'yo lang, at sa magiging anak natin. Alagaan mo ang sanggol sa sinapupunan mo ha? Pakisabi na lang, pasensya kase wala ang papa niya na mag-aalaga sa kaniya." hagulgol din ng binata habang patuloy siya sa paglaho. "Mahal na mahal ko kayo, paki sabi kay mama at papa na masaya ako, na wag na kamo silang umiyak."

Niyakap ng dalagita ang lalaki, "Mahal na mahal kita, ikaw lang lagi. Sa susunod ko mang buhay, hahanapin kita at sisiguraduhin ko na magsasama tayo habang buhay. Paalam.... pasensya na at hindi ko pa rin pinagpapahinga ang kaluluwa mo. Mahal na mahal kita, at walang katapusan 'yon. Sa susunod na buhay, See you Mahal" ngumiti ng tipid ang dalagita.

Tuluyan na ngang naglaho ang binata sa paningin ng dalagita at nilapitan siya ng babae na kanina pa nakatingin sa kaniya.

"Anong problema Ineng? Sino bang kausap mo dyan?" tanong ng babae.

Tanong na nagpabalik sa kaniya sa katotohanan. Anim na buwan na mula ng pumanaw ang kaniyang kasintahan dahil sa pagsagip niya sa tatlong bata na nalulunod sa dalampasigan.

Habang patuloy sa paghagulgol ang dalagita, makikita naman sa hindi kalayuan ang Mama at Papa niya na umiiyak din, kasama ang therapist ng dalagita.

May schizophrenia pala ang dalagita, isang sakit sa utak na mahirap malunasan.

Pero sa huling pagtatagpo ng magkasintahan ay tila ba nalunasan ang matagal nang iniinda ng dalagita.

End.

Naga-adik,

Patatas hehe.

See you. Where stories live. Discover now