3:33

499 33 17
                                    

Sabi ko noon sa sarili ko, hindi na ako magpapaabot ng madaling araw.



Pero wala eh. Ayaw akong patulugin ng mga kaibigan ko.



abCamilya:Gaga di ko kilala si Leo. Hindi mo pa siya pinakikilala sa akin no!



joyaaa:Walangya ka. Sabi mo nakita mo siya nung isang araw?!



abCamilya:Sinabi ko lang yun. Hehehe.



2 am na. Ang ingay pa rin nila sa GC.



Pero hindi naman ako nakikisali, nakikibasa lang ako.



abCamilya:Hoy, Marga! Kanina ka pa ha. Alam kong gising ka pa. Wag mo kaming i-readzoned dito!



joyaaa:Uso mag-reply. Di ka naman yummy!



abCamilya: WTF?! HAHAHAHHA ANONG DI YUMMY OMG.



Walangya. Medyo inaantok na ako eh.



joyaaa:Bahala ka dyan, babangungutin ka mamaya.



abCamilya:AHHAHAHHAHHA DI YUMMY HAAAGAHGA TAWANG TAWA AKO amp.



joyaaa:Stfu, b*tch. Ang babaw na naman ng kaligayahan mo.



abCamilya:AHAHAHAHAHAHAHAAHA k.



Hindi ko na talaga kaya. Kahit napapatawa ako sa mga kagagahan nila, bumabagsak na talaga ang mga mata ko.



**



Ilang minuto na siguro ang nakalipas pero bakit parang feeling ko hindi pa rin ako nakakatulog. Kanina pa ako nakapikit ah. Hindi rin naman ako nagkakape.



margandugh: Pony naman. Di ako makatulog.



Nag-send ako ng message sa GC, pero na-readzoned lang ako.

3:33Where stories live. Discover now