MAHAL KITA!

5K 242 18
                                    

MAHAL KITA!

"Ano bang problema mo ha?!" Sigaw ko sa bestfriend ko.

Nilayo niya kase ako kay Andrew na kausap ko. Ka-group ko pa naman yun sa isang subject ko eh bigla siyang napuwing kaya hinipan ko yung mata niya kaso ito namang bestfriend ko bigla na lang nanghahatak. Tsk!

"Bakit ka ba dikit na dikit dun sa lalaki na yun ha?!" Galit na galit yung itsura niya.

"Ano bang problema mo?" Di ko napigilang magalit na din.

"Dikit na dikit ka na dun sa tao! Ang sagwa niyo ng tignan!"

"Wala naman kaming ginagawang masama a. Para hinipan lang yung mata nung tao e. Tsak bakit ka ba nagkakaganyan? Kung umasta ka akala mo naman boyfriend kita. Hmp!"

Sinuntok niya yung gate na nasa gilid namin. Napatigil ako ng makitang dumudugo yung kamao niya.

Pero mas napatigil ako sa sinabi niya, "Yun na nga ang masakit e. Hindi mo ko boyfriend, dahil isang dakilang bestfriend lang naman ang tingin mo sakin." Puno ng lungkot yung nga mata niya.

Hindi ko maintindihan. Ano bang problema niya? Ano ba yung nga pinagsasasabi niya.

"N-naguguluhan ako.." Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"T*ngina! MAHAL KITA GRACE! MAHAL NA MAHAL KITA PERO P*CHA ANG SAKIT-SAKIT NA. NAGSESELOS AKO KAPAG NAKIKITA KITANNG KILIGIN SA MGA CRUSH MO, KAPAG NAKIKITA KITANG MAPALAPIT SA IBANG LALAKE, KAPAG-"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Hindi ko mapigilang matawa sa kanya. This is the very first time I saw my bestfriend, Nick, to be like this.

"Why are you laughing at me?" Masungit na ulit siya.

"You're funny." Tumasa ulit ako. Di ko talaga mapigilan e.

"I just confessed them you'll just laugh?" Iritado na yung boses niya. Actually tinalikudan na nga niya ko e.

"Bakit mo ko mahal?" Tanong ko na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.

Humarap siya sakin. "Hindi ba pwedeng wala ng rason? Hindi ko rin kase alam kung bakit e. Hindi ko alam kung pano nagsimula basta isang araw nagising na lang akong inlove na sa bestfriend ko. Walang pano? Walang bakit? Walang ng tanong-tanong basta MAHAL KITA!" Jusmiyo marimar ang puso ko po kinikilig na naman. Hihihihi.

"MAHAL DIN KITA." Nanlaki yung nga mata niya.

"Ano ulit?"

"Ay ayokong magkaroon ng boyfriend na bingi." Pang-aasar ko.

Tumakbo naman siya palapit sakin.

"Talaga?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. "Pero.. paano?"

"Gaya ng ng sinabi mo, hindi ko din alam kung bakit pero isa lang ang alam ko.. MAHAL KITA NICK." At niyakap ko na siya.

Akalain mo yun? Mahal din pala ako ng bestfriend ko. Sa dami ng nagkakagusto sa kanyang babae, sabi ko sa sarili ko wala kaming pag-asa kaya nga binaling ko na lang yung tingin ko sa iba e. Dun na pumasok ang salitang CRUSH. Pero tama nga sila, kahit gaano oa kadami ang crush ng isang babae, babalik at babalik pa din sila sa taong nagpaptibok talaga ng kanilang puso.

MAHAL KITA! (ONESHOT)Where stories live. Discover now