Bakit Hindi Tayo?

9 0 0
                                    

Bakit hindi tayo? Ang palagi kong tanong.
Mahal kita, mahal mo ako, hindi pa ba sapat yaon?
Hindi pa ba sapat na ang damdamin mo'y may katugon?
At ganun din ang puso kong mahalin ka ang tanging layon.

Sa bawat halik ng paalam, umaagos aking luha
Sa bawat mahigpit mong yakap, para akong nanghihina.
Hindi ka pa humahakbang, nais na kitang pigilan.
Hindi ka pa umaalis, ngunit heto't nasasaktan.

Bakit pa nga ba nagtatanong gayung alam ko ang rason
Kung bakit hindi tayo ay alam ko ang tugon.
Subalit lahat ng dahilan, ay nais kong itapon
Isantabi ang katwiran at isipin lang ang ngayon.

Maaari bang pigilan ang kamay ng orasan?
Upang manatiling andito ka, at tanging akin ka lang?
Ako lang ang yayakapin, at ako lang ang hahagkan,
Ako lang ang mamahalin, at ako lang ang iyong titingnan.

Sa paglabas mo ng pinto, magbabalik ang totoo.
Katotohanang hindi ka sa akin, at pansamantala lamang ito.
Kahit anong tanggi ng damdamin, ay hindi ko kayang itago
Na kahit ipilit man natin, ay hanggang dito lang tayo.







Titik Ng DamdaminWhere stories live. Discover now