1ST ONE - 113.

8 2 1
                                    

1ST ONE - 113.

Tahimik na pinagmasdan ni Aya si Sam habang ito'y natutulog. Nakatihaya ang binata at ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang magkabilang gilid. Mayroong kumot na nakapatong sa kaniyang katawan at bahagyang natawa si Aya nang mapansing nakikita ang mga paa ng binata.

Marahan siyang lumapit at inayos ang kumot hanggang sa matakpan ang mga paa nito. Tuluyan siyang umupo sa kama ilang dipa ang kalayuan mula sa binata.

"Uuwi kami bukas na bukas din." Kasalukuyang kausap ni Aya si Venus sa tawag. "Mind fetching us sa NAIA?"

"Okay. Magpapasama ako kay Kuya Ash. Kumusta diyan?"

"Maayos naman. After ng libing bukas ng umaga ay magaganap 'yung pagpapakilala kay Christian bilang tagapagmana ng Yoon Family. Then after hours ay uuwi na kami."

"Just tell me kung anong oras ng flight niyo. Call me first, ha?"

"Sige, diyosa. Bye na muna."

"Sige."

"Aya?" Napalingon siya kay Sam na nakasandal sa headboard ng kaniyang kama. "Come here."

"Nagising ka ba?" Dahandahan siyang lumapit sa binata at sumandal sa kaniya. "Ang haba ng tulog mo, ah."

"What time is it?"

"Quarter to 10:00 pm na e." Pagkatingin sa kaniyang cellphone ay tumingala siya sa kaniya.

"What? Nakauwi na ba si Mister Choi?"

"Hindi ko lang sure. Actually nakatulog nga ako dito, e."

"As in magkatabi tayong natulog?"

"Uhm, hindi. Nakatulog ako sa upuan tapos nagising na ako't lahat e tulog ka pa din. E di tiningnan na lang kita hanggang sa magising ka. At ngayon gising ka na."

"I'm still sleepy." Bahagyang nagulat si Aya nang ilagay ni Sam ang kaniyang kaliwang braso sa kaniya na naging dahilan ng kaniyang paghiga sa dibdib nito. "Mind sleeping with me?"

Hindi sumagot si Aya kaya bahagyang tumawa si Sam. "Parang kinakabahan ka?"

"Baka may makakita sa atin at kung anong isipin." Muli siyang tumingala. "Pero why not naman? Wala namang masama."

"Wala nga. Saka wala naman akong gagawin sa'yong hindi tama." Bahagyang ginulo si Sam ang kaniyang buhok. "But wait..."

"Hmm?"

"I'm hungry."

"Gusto mo bang kumuha ako ng foods? Saka tingnan ko na rin if nandito na si Mister Choi."

"I'll wait you here."

"Uhm, sige." Marahang inalis ni Aya ang braso ni Sam na nakayakap sa kaniya at umalis mula sa pagkakahiga sa kama na iyon.

Nang makalabas mula sa kwarto ni Sam ay dumiretso siya pababa ng hagdanan. Narating niya ang living area at maraming naroon, pawang abala sa pag-uusap-usap.

"Oh, Aya," sabi ni Jia. "Si Sam?"

"Kakagising niya lang. Kukuha ako ng foods for him since nagugutom daw siya," aniya. "Si Mister Choi nga pala, Ate Jia?"

"On the way na siya papunta dito kasama si Christian."

"Ah, okay. Kukuha na ako ng foods."

"Oh, sige."

Dumiretso sa kusina si Aya at kumuha ng isang tray. Inilapag niya iyon sa kitchen counter.

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now