1ST ONE - 114.

4 2 0
                                    

1ST ONE - 114.

Nagising si Aya dahil sa alarm ng kaniyang cellphone. Lumingon siya sa kaniyang kanan at nakita si Sam na nakaupo habang nakatalikod sa kaniya.

"Sam?" aniya. "Kanina ka pa nagising?"

Lumingon ang binata sa kaniya. "Yeah. I prepared your breakfast. Go and eat."

"Talaga? Salamat." Lumapit si Aya kay Sam at marahang niyakap sa likuran. "Kumain ka na ba?"

"Kanina pa. I'll just take a bath."

"Okay, sige." Dumiretso sa lamesa si Aya at umupo sa upuang naroon. "Sarap naman nito, hehe."

"By the way, wear this dress. I want you to wear this. Kapareho 'yan ng susuotin ko."

Tiningnan ni Aya ang damit na nakalagay sa hanger. Nakasabit iyon sa pinto ng closet ni Sam. Pagkanguya sa kinakaing bacon ay marahan siyang naglakad palapit sa closet at kaagad na hinawakan ang laylayan ng dress na iyon. Kulay puti iyon na mayroong black beads mula sa magkabilang manggas hanggang sa ibaba ng damit. Mayroon iyong tatlong kulay puti na butones at sa ibaba niyon hanggang sa bewang ay mayroong mas maliit na black beads.

Tiningnan naman niya ang katabing damit na naroon. Napangiti siya nang mapagtantong magkapareho sila ng disenyo ng damit.

"Mas maganda siguro if pa-blouse style siya. Pero ayos na din, hehe. It's matchy," aniya.

Muli siyang bumalik sa kinauupuan at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto pa ang dumaan ay nakita niya si Sam na katatapos lamang sa kaniyang pagligo.

"Already finished eating? Take a bath na. For sure hinihintay na tayo." Kinuha niya ang kaniyang polo at kaagad iyong sinuot. "Worrying about your undies? Naiwan mo ang ilan mong undies dito sa mansion and ako mismo ang naglaba para sa'yo."

"H-Ha? 'Ah, okay. Naalala ko na." Marahang kinuha ni Aya ang puting tuwalya na nasa gilid ng closet. "Nakakahiya tuloy.."

Natawa ang binata. "No worries. Go on and take a bath. I'll wait you downstairs."

"Sige."

Mula sa dulong kwarto mula sa terrace ay marahang isinara ni Jia ang pinto.

"Hi Ate Jia," sabi ni Jodie. "Nakabihis ka na pala."

"Hmm. Ikaw din naman, e."

"Bumaba na tayo."

"Sige."

"Balita ko ay gagawing tourist spot ang mansion na ito," sabi ni Honey. "Totoo po ba, Mister Choi?"

"Ah, oo." Nilingon ng ginoo si Honey. Nasa poolside sila malapit sa mansion. "Si Sebin na mismo ang nagsabi at iyon nga ang mangyayari. After ipa-auction ang lahat ng dapat i-auction ay aayusin ang buong mansion."

"Pa!" Lumapit sa kanila si Christian. "Sino 'yon? Parang ngayon ko lang siya nakita."

"Siya ang lolo mo. Personal siyang pumunta dito from Europe para ma-witness ang pagpapakilala sa'yo bilang tagapagmana. At habang nasa U.S. ako ay siya ang makakasama mo dito."

"Bakit ngayon lang siya nagpakita, pa? Akala ko kung sino na ang tumawag sa'kin kanina. Ang dami niyang kasamang dumating dito."

"Ah, 'wag ka nang mag-alala. Nagkausap na ba kayo?"

"Hindi pa, e."

"Ano ka ba, kahit batiin mo man lang ang lolo mo. Halika, samahan kita."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Место, где живут истории. Откройте их для себя