1ST ONE - 115.

6 2 0
                                    

1ST ONE - 115.

"Ano?! Ang mahal naman ng bracelet na 'yan!" bulalas ni Joker nang makita ang bracelet na itinaas ni Jia habang nagsasalita sa entablado. "Grabe din 'yung kinang, ah."

Pagkatingin sa bracelet ay nilingon ni Honey ang binata. "Mahal talaga ang accessories ni mom. Mababa pa starting price niyan."

"Ang mahal naman talaga," sabi ni Aya habang nakasalumbaba. "Ang ganda.."

"Gusto mo ba?" tanong ni Sam sabay lingon sa kaniya. "Kaya ko namang mas taasan pa ang presyo."

"Ayoko niyan."

"Let's wait. Baka may magustuhan kang iba."

"So this diamond bracelet has been sold," sabi ni Jia. "For ten million."

"Grabe," sabi ni Jodie. "'Yan pa lang ang unang ipinapakita pero grabe na 'yung presyo, ah?"

"Willing talagang gumastos," sabi ni Aya.

"Tama ka diyan, ate."

"Wala talaga akong masabi," sabi ni Christian at sumandal sa kaniyang kinauupuan. "Nakakatuwa lang talaga."

Naging mabilis ang oras at namalayan niyang nasa harap siya ng isang itim na kotse. Mayroon iyong puting laso at sa kaniyang tansya ay bago lamang ang kotseng iyon.

"Masyado akong nawili manood kanina," sabi ni Aya. "'Uy, bagong kotse!"

"Para sa'kin kaya 'to?" Napalingon siya sa kaniya. "Ang ganda, 'no?"

"Parang ganiyan din 'yung kotse ni Ate Jia. Naiba lang ang kulay ng kotse na 'to."

"Yes. Para sa'yo 'yan." Lumapit si Sam at inabot ang susi. "Congratulations. 'Yan na ang bagong kotse mo."

"Salamat." Ngumiti si Christian kay Sam. "Ang ganda."

"Saka.." May inabot pa itong isa pang susi sa kaniya. "I bought you a house. It's near YTMEmpire kaya 'di mo na kailangan mag-alala. May huli akong pabor sa'yo."

"Ano?"

"Take care of YTMEmpire. You'll do great, I'm sure. And 'yung mansion, tulungan mo ang papa mo sa pag-aayos. I hope sa pagkakataong bumalik ako ulit dito at pumunta sa mansion, sana maraming bisita and makahatak ng mas marami pa." Tinapik ni Sam ang balikat ni Christian. "I'll get going. See you when I see you again, Danny."

"Mag-ingat ka. Salamat."

Kumaway si Sam at tuluyang naglakad palayo kasama si Aya. Sumakay sila sa berde'ng van. Tuluyan iyong umandar paalis sa lugar na iyon.

"Bakit hindi ka nagpaalam kila Ate Jia?" tanong ni Aya sabay lingon kay Sam na nasa malayo ang paningin. "Pagkauwi natin, magpahinga ka agad."

"Magkikita at magkikita pa din naman kaming lahat kaya ayos lang 'yon," mahinang aniya. "Gusto kong matulog magdamag. Gusto kong umiyak mag-isa."

"Alam mo, mas maiging may nagpapakalma sa'yo sa tuwing umiiyak ka. I'm just here."

"I know, Aya. Kinaya ko naman noon kaya kakayanin ko din ngayon ang umiyak nang mag-isa. Gusto ko sa muling pagluha ko ay masaya na ulit ako. Gusto ko ay talagang masaya na ako. At malapit na ding mangyari 'yon."

Mula sa van ay sumakay sila sa helicopter. Naging mabilis ang mga oras para kay Aya at namalayan na lamang niya ang sariling bumababa mula sa helicopter habang nakaakbay si Sam.

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now