◆AHDI 12◆

342 20 2
                                    

◈DEDICATED TO aemisaka_

CHAPTER 12◆
Forgiveness

|Jhainnah POV|

"M-mahal?" Nauutal niyang tawag sa akin ng  hindi ko siya pinansin at pumasok na agad sa loob pagkabukas niya ng gate. Na kung dati ay halik at yakap ang sasalubungin mo, ngayon mas lalong sasakit lang ang ulo mo tsss. Isang linggo na rin mula ng mangyari ang kawalanghiyaan ng Thana na 'yon. Ginamit ba naman ang pera para mapaamo ang mag-ama ko.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Anong oras na rin, siguro tulog na rin si Yruss. Tumigil ako sa tapat ng pinto ng mapansin kong nakapatay lahat ng ilaw.

Sumilip ako sa ibang mga kapitbahay namin, may ilaw naman ahhh. Naputulan ba kami ng ilaw? Nabayaran ko na ang billing namin ahhh.

Pinagsawalang bahala ko na lang ito. Tinulak ko ang pintuan at isang sobrang dilim na silid ang sumalubong sa akin. Kinapa-kapa ko ang gilid ng pintuan, hinanap ang switch ng ilaw. Pagkakapa ko ng switch ay binuksan ko na ito, at dahan-dahang kinain ng liwanag ang madilim na silid kanina.

Napahawak ako sa pader ng matanaw ko kung ano ang nasa sala, humawak ako ng mahigpit sa pader bilang suporta. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba dapat ang mararamdaman ko, kinakabahan na naiiyak.

"Happy Anniversary Mahal, I love youuu," napalingon agad ako kay Aldrene ng binulong niya ang mga katagang 'yon. Di ko napigilan ang sarili ko na yumakap sa kaniya. At ang kanina na emosyong pinipigilan ko ay nagsilabasan. Gusto kong magwala na gusto kong sumigawwww!

"Shhhhhh s-sorry sa lahat ng nagawa ko mahallll. Sorryyyyy, balik na tayo sa dati p-pleaseeee," rinig kong sabi niya na humihikbi rin habang niyayakap ako ng sobrang higpit. Wala kaming ginawa kung hindi nag-iyakan, hinayaan na ang emosyon namin ang mag-usap. Hayyyss ang sarap sa pakiramdam na bumalik na kami sa dati. Gustong-gusto ko na talaga ang dating kami, ayaw ko na ng ganito. Ang sakit at sobrang malaking epekto sa araw-araw na pakikitungo mo.

"K-kung hindi dahil sa b-babaeng i'yon hindi tayo m-magkak-kaganit-to," umiiyak kong sabi. Wala ng ibang sisihin sa mga nangyari sa amin kung hindi ang babaeng 'yon.

"I'm sorry mahalll, patawarin mo akoo, magsimula tayo muliii," salita niya. Alam ng Panginoon kung gaano ko kamahal at kahalaga sa akin ang pamilya ko. Lahat gagawin ko para sa kanila. Ayaw kong matulad ang anak ko sa batang nasa restaurant noon, umiiyak at nagmamakaawa na makita niya ang kaniyang ama. Hindi ko kakayaning magiging ganiyan ang anak ko, si Yruss.

"Shhhh tama na nga para tayong timang HAHAHAHA," natatawang kalas ko sa yakapan, pinahiran niya ang mga luha ko at pinahiran ko rin ang sa kaniya.

"I love you," biglang sabi niya para mapangiti ako ng sobra. Still same effects, mula noon hanggang ngayon gano'n pa rin kalakas ang dating.

"I love you toooo," nakangiti kong sabi sa kaniya. Maluhang-luha niyang hinawakan ang aking kamay at saka ito ay hinagkan.

"Palagi mong tatandaan na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito," mahinhin nitong sabi dahilan para makaramdam ako ng saya at tuwa. Walang magagawa ang galit kong ito ay iyong pairalin pa, hanggat may chance pang ayusin, aayusin.

"Tama na nga, ang sweet mo na sobraaa," kagat labi kong sabi sa kaniya pinipigilan ang mga kilig na aking nararamdaman ackkkkk!

"Huwag mo akong inaakit mahal baka masundan natin si Yruss *wink*" sabi niya sabay kindat dahilan para magulat ako at nahila ko ang kamay ko na hawak niya. Jusmeyy, ang dali lang sabihin pero ang hirap umereeeee!

"Umaayos ka nga Aldrene, pag ikaw ang magbubuntis at manganganak saka na," mataray kong sagot sa kaniya. Sana nga mga lalaki na rin ang magbubuntis tapos manganganak para naman malaman nila kung gaano kahirap tapos pag maka-request ng anak wagas ammmp.

"Chuss lang mahal," nakangising aso na bawi niya sa sinabi niya kanina. Chusss dawww, pag talaga umiral 'yan, sasapakin ko talaga.

"Hali ka na nga," dagdag niyang sabi sabay lahad ng kaniyang palad, kinuha ko naman ito agad at naglakad kami papunta sa sa kalokohang ginawa niya, may pa-set of romantic date pa. May bouquet of flowers na nasa lamesa, may mga candles na wala pang sindi, may mga pagkain din at inumin. Nakss may pa ganito pa talaga.

Hinilaan niya ako ng isang bangko at saka ako pinaupo, weww. Hindi na lang ako nagreklamo at nagsalita kahit na madaming bumabagabag sa isipan ko. Hinayaan ko na lamang siya na ang gumalaw, I'm so very impressed and a liitle bit shocked sa mga nangyayari.

Sinindihan niya ang mga kandila kanina, nandito rin ang espesyal na souvenir na dalawang golden swan na forming a heart,  ito 'yong binigay niya sa'kin ng first monthsary namin. Sabi nga pa niya na, kami raw 'yong dalawang swan magmamahalan hanggang sa dulo ng mundo.

"A bouquet of flowers for my beautiful wife," nakangiting sabi niya sabay bigay sa akin ng bulaklak.

"Asuuss bolero ka talaga, thank youu," sabi ko sa kaniya at inamoy-amoy ang flowers, mmmmm!

"Di ahh, totoo kaya ang ganda kaya ng asawa ko," sambit niya pa pero inirapan ko lang siya. Wala nga akong ayos ehh, siyempre galing sa work kaya medyo haggard na.

"Tseeee!" Taray kong tugon sa kaniya. Kunwari naiinis pero deep inside sasabog na sa tuwa at kilig. Sabi nga nila wala sa edad ang kilig.

"Asuusss taray, lets pray muna then kain na tayo," sabi niya para magwala ang mga anaconda ko sa tiyan. Unti-unting binuksan niya ng mga takip ang mga pagkain. Hmmmmmmm ang bangoo, naglalaway na tuloy ako.

Tumahimik at umayos na ako ng magsimula na siyang magdasal at magpasalamat sa pagkain at sa dagdag na bagong taon para sa aming buhay mag-asawa.

"By the way si Baby Yruss?" Tanong ko sa kaniya at nagsimulang nilalagyan ni Aldrene ang plato ko.

"Pinatulog ko na, anong oras na rin at saka para walang distorbo. Nasa akin lang ang atensyon mo," sagot niya para tingnan ko siya ng masama.

"Baliw ka talaga, sariling anak pinagseselosan ba naman," reak ko sa sinabi niya. Nilapit niya ang kutsara niya na may lamang carbonara kaya napapabukas na lang ako ng bibig saka ito nilamon.

"Wala lang," sagot niya at kumain na rin ito.

"By the way, mag-resign ka na lang diyan sa trabaho mo ngayon, ako na naman ang hahanap ng paraan para sa atin," biglang sabi niya para magulat ako. Ano na namang trabaho ang papasukin niya? At isa pa sayang din kung aalis ako sa restaurant.

"Tinawagan ako ni Captain kahapon, next week daw pupunta ako doon at mag-report," dagdag niyang sabi ng makita niya aking pagtataka.

"TALAGA MAHAL?" Masayang sabi ko sa kaniya. At least nagparamdam na rin, at least makakaahon na rin.

"Yup kaya mag-resign ka na," kumpirma niya. Dahil sa tuwa lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi kahit na may nginunguya pa siyang pagkain.

"YIEEEEEEEEE GOOD LUCKK MAHALLLLLL!!!" Sobrang saya at excited kong sabi sa kaniya. Thank you for hearing our prayers Po!

"Goodnight mahal," sabi ko sa kaniya ng makahiga na kami sa kama. Nakahiga ako sa dibdib niya habang yakap na yakap niya ako.

"Goodnight din mahal," tugon niya sa'kin. Ayan, ang gaan lang sa pakiramdam na okay kaming dalawa, na wala ng masakit na dibdibin at wala ng magpapasakit ng ulo sa kakaisip.

"Ayan makakatulog na rin ng walang iniisip," buntong hininga kong sabi at napasiksik ako sa leeg niya

Tiningnan ko ang napakaamo niyang mukha na nakatingin sa'kin. Ang guwapo talaga ng asawa ko, kaya nga di maipagtataka na maraming magkakagusto sa kaniya.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak na sa pisngi ko.

"Mahal na mahal na mahal kita asawa ko," bulong niya sabay lapit sa akin. Pinikit ko na lamang ang aking mata, hinhintay ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa mga labi ko.

Agad akong napahawak sa buhok niya ng maramdaman ko ang init ng kaniyang hininga at paghalik. Bigla niya akong binuhat kaya nakapatong na ako sa kaniya habang naghahalikan, nagpaubaya na lang ako sa kaniyang ginagawa at sumabay sa mga init na aming nararamdaman sa mga oras na ito.

Awakening Her Demon Inside ✔ |VS 01| COMPLETEDWhere stories live. Discover now