Prologue.

6 0 0
                                    

"My Bloody Mafia."
Written by Arvi_ez.

Ayaw ni Tristan na mahalata ni Camille na nag-aalala ito sa kanya kaya nanatili syang masungit kahit na hindi na nito matiis ang asawa.

Kakadating lang ni Tristan galing sa trabaho at halatang pagod na pagod ito.
Diretsong umupo ito sa salas at napamasahe ito sa kanyang sentido.

"Ughh...what the heck!" Ani ni Tristan na parang naiinis.

B-boss...? Nauutal na tinawag ni Camille si Tristan.

Napatingin naman si Tristan kay Camille na may hawak na walis.

Tinaasan nya ito ng kilay para ipahiwatig na sabihin kung ano ang kailangan nito.

"Ahm...do u want something to eat Sir?" malumanay na tanong ni Camille.

Umiling ito at sabay tayo sa kanyang kinauupuan at aktong aalis na ng biglang may sinabi si Camille.

"K-kung gusto mo sumabay ka nalang saamin ni baby k-kumain," nakayukong sabi nito.

"No! I'm full!," seryosong sabi nito kay Camille at humakbang na papalayo.

Camille's POV.

Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa kilos ni Tristan kanina, pero pipilitin ko pa ding kumain para kay baby.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko habang hinihimas ang aking tyan upang maramdaman ko ang mga galaw ni baby sa loob.

"Baby ko. Okay kalang ha?. Huwag kang umiyak, kakayanin natin to nak. Laban lang," ani ko while tears falling.

Pumunta akong kusina para magluto upang makakain na si Baby at para makapagpahinga nadin kaming dalawa dahil ang dami naming ginawa buong araw kaming naglinis ng mansyon na ito, kaya laking pasasalamat ko sa itaas dahil kahit gaano kahirap ng pinagdadaanan naming mag-ina ay hindi parin kami pinababayaan ng ama.

Kinuha kona yung mga gamit na kakailanganin ko sa pagluluto at inihanda na ang mga sangkap ng potahe na aking lulutuin.

Ng aktong ilalagay ko na yung sibuyas sa kumukulong mantika sa kawali ay biglang may humawak sa aking kamay upang pigilin ito.

Unti-unting nanglambot ang aking mga tuhod ng napagtanto kung si Tristan ito, hindi ko matukoy ang pakiramdam ko dahil dito.

Dahan-dahang lumingon ako sa kanya upang makita abg mukha nito at nahuli kong nakatitig ito saakin at agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya. "Goshh..bat ba kasi nakatitig ang lalakeng to saakin?" Nababaliw na tanong ko sa aking isipan. Ramdam ko parin na nakatitig parin ito saakin kaya hiniwalay ko ang aking kamay galing sa kanyang pagkakahawak at agad umiwas sa katawan nito para kasing nakayakap na ito sa aking likuran.

"I'll do it!" Sabi nitong may konting ngiti sa mga labi nito.

Tumango ako ng konti na nag-aalinlangan dahil baka hindi maging kaaya-aya ang resulta ng kanyang ginagawa dahil nga ngayon ko lang nakitang nagluto ang isang mafia boss na katulad niya pero nagtiwala nalang ako sa kanya at nanood sa kanyang mga galaw.

Infairness huh galing nya pala magluto at ang bango-bango pa, hindi ko akalain na magaling palang magluto ang tatay ng anak ko.

Muli kong binalik ang aking pansin kay Tristan na nagluluto sa aking harapan. Tinitignan ko lang sya at napansin kong ang presko nya padin kahit nagluluto. Napailing nalang ako at pinagmasdan siyang muli.

"Teka..bat mo pala ito ginagawa huh? Nakakunit nuo kong tanong sa kanya.

Tinignan ako nito ng may paghihinala. "Why I can't do it for my daughter?" Balik nito saakin.

Hayy...ang awkward tuloy bat pa kasi ako nagtanong, ikaw kasi Camille tigil-tigilan mo din yang bibig mo oag may time." Parang baliw na sabi ko sa sarili.

"Oh bakit may sinabi ba ako?!" Pagbabawi ko sa kanya.

Umiling ito at agad na ngumisi.

"Oh, bat ka tumatawa? Huh?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Tsk tsk Immature dwarf!" Pamimilosopo oa nito saakin.

Agad akong napalingon sa kanya ng marinig ang mga salitang iyon sa kanyan bibig ngumingisi-ngisi pa ito na parang nasisiyahan dahil sa reaksyon ko.

"Aba-aba sinong immature ang tinatawag mo ha?" Lumapit ako sa kanya at tinignan ito sa mga mata.

Tumingin ito sa akin na parang namumula at di ko namalayan na ang lapit na pala ng mukha namin halos mahalikan niya na ang nuo ko at agad naman akong umiwas ng tingin at nagpanggap na parang walang ka alam-alam.

Napakamot din ito sa kanyang sentido at bumalik sa kanyang ginagawa tapos na siyang magluto kaya inilipat niya na ito at inilapag sa mesa.

"Enjoy." Maikling sabi nito at naglakad na papalayo saamin.

"Teka!!" Sigaw ko ngunit hindi na sapat iyon para marining niya dahil ang bilis niyang maglakad at nasa hagdan na agad siya kaya ibinalin ko nalang sa pagkain ang aking pansin.

"Okay lang to, sanay naman tayung walang kasamang kumain nak eh!" Nalulungkot kong sabi sabay himas sa aking tyan.

Ng matapos akong kumain iniligpit ko na ang mga pinagkainan ko at nagsipilyo para maka-pag shower na sa itaas.

Umakyat ako sa itaas para makapag-shower na at para makapagpahinga na din.

Maya-maya ay natapos na din akong mag-shower kaya nagbihis na ako ng pantulog na outfit at uminom ng vitamins para maging malusog si baby sa loob at ng matapos na ay hiniga ko na sa kama ang katawan kong pagod na pagod.


"Baby ko! goodnight! Alam kong pagod kana din kaya pahinga kana munting prinsesa ni Mommy ha? Sana paglabas mo lumaki kang maging mabait at malusog na bata, i love you anak ko!," Sabi ko habang hinihimas ang aking tyan at unti-unting bumagsak na ang aking mga mata dahil sa matinding antok.


_________________________________________________________

Arvi_ez

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My bloody Mafia.Where stories live. Discover now