MY FORBIDDEN LOVE (XXXIX)

338 19 3
                                    


CHAPTER 39






Kinabukasan... maaga ulit nagising si Glen para ipaghanda ng almusal ang kanyang mag-ama. Maingat niyang inalis ang pagkakayakap sa kanya ni Carlo pero nagulat siya nang bigla siyang yakapin nito nang mahigpit at pinaghahalikan sa leeg.





"Good morning Hon..." inaantok pa na bati ni Carlo pagkatapos niyang halikan si Glen sa leeg.





"Good morning sa aking napakagwapong asawa..." nakangiting bati din ni Glen sabay halik nito sa labi ni Carlo.





"Ang sarap talaga Hon.." nakangising sambit ni Carlo pagkatapos siyang halikan ni Glen sa labi.





"Oh heto pa Hon..." sagot naman ni Glen sabay halik nito ulit sa labi ni Carlo.





"Ang sarap talaga gumising sa umaga pag ganito ang bubungad sa akin.. I love you Hon..." nakangiting sagot ni Carlo kay Glen.





"I love you more Hon.." malambing na sambit ni Glen kay Carlo.





"Halika na Hon.. ipagluto na natin ng breakfast ang ating mga anak..." nakangiting sambit ni Carlo sabay bangon nito at kinarga si Glen papasok ng banyo.





Pagkatapos nilang mag-sipilyo at mag-hilamos ay kaagad na silang lumabas ng kanilang kwarto at tinungo ang kusina para makapagluto na sila ng kanilang almusal. Nang matapos na silang magluto at ihanda ang mga pagkain ay kaagad nang pinuntahan ni Carlo ang kanilang mga anak para tawagin. Di katagalan ay nakababa na ang kanilang mga anak at agad na tinungo ang dining area.





"Good morning Mommy..." sabay na bati nina Miggy at Gwen kay Glen.





"Good morning mga anak.." masayang bati ni Glen sabay yakap at halik nito sa kanyang mga anak.





"Eh ako Hon?? Wala man lang ba akong hug at kiss??.." pacute na tanong ni Carlo kay Glen sabay simangot nito kunyare.





"Naku!! Nagtatampo na si Daddy oh.. Hala ka Mommy!!.." pang aasar naman ng kambal kay Glen.





"Oo na heto na!! Ito naman!! Masyadong matampuhin.." natatawang sagot ni Glen sabay lapit nito kay Carlo at agad na niyakap at hinalikan sa labi.





"Yiiieee!! For the millionth time... naka-score na naman si Daddy kay Mommy..." biglang sambit ni Miggy na sinabayan naman ng tawa ni Gwen.





"That's right Kuya!! Muli na namang nagtagumpay ang ating Daddy..." sang-ayon naman ni Gwen sa kanyang kakambal.





"That's fine mga anak... hindi ako magsasawa na bigyan ng hugs and kisses si Daddy..." nakangiting sagot ni Glen sa kanyang mga anak.





"Yesss!!! Narinig niyo yun mga anak ha?? Ebidensya na natin yun!!.." natatawang sagot naman ni Carlo sabay thumbs up nito sa kanyang mga anak.





"Yes Daddy..." sagot nina Miggy at Gwen sabay tawa din ng mga ito.





"Kahit wala na yan mga anak... araw araw ko kayong bibigyan ng hugs and kisses.." nakangiting sagot ni Glen sa kanyang mag-ama.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now