MY FORBIDDEN LOVE (XVIII)

329 18 0
                                    


CHAPTER 18






Pasado alas seis na ng umaga natapos ang pagluluto ni Glen sa kanilang almusal. Hindi na rin kasi nito inabala ang kanilang mga katulong para ipaghanda sila ng kanilang almusal. Nang magising na ang kanilang mga katulong ay inutusan na lang ito ni Glen na ayusin na ang mesa sa dining area nang maihanda na ang mga niluto nitong almusal. Si Carlo??... ayun parang tarsier kung makayakap kay Glen. Hindi tinigilan ni Carlo si Glen sa kakayakap habang ito ay nagluluto. Umaandar na naman kasi ang pagiging clingy nito sa kanyang asawa. Di katagalan ay umakyat na si Medelyn para gisingin, paliguan at ayusan sina Miggy at Gwen dahil may pasok pa ang mga ito. Ginising niya din si Dayana nang makapag almusal na din silang lahat. Pagkatapos na magluto ni Glen ay inaya na nito si Carlo na umakyat ng kwarto para makaligo na silang dalawa. Nang matapos ay dali dali na din silang lumabas ng kanilang kwarto para makapag-almusal na din sila.





"Good morning Mommy!! Good morning Daddy!!.." masayang bati nina Miggy at Gwen sabay yakap nito kina Carlo at Glen.





"Good morning mga anak..." nakangiti at sabay na bati din nina Carlo at Glen sabay halik nito sa mga pisngi ng kanilang mga anak.





"Good morning Mommy!!.." nakangiting bati ni Glen sabay halik nito sa pisngi ni Dayana.





"Good morning anak.." nakangiting bati din ni Dayana kay Glen.





"Good morning Ma!.." bati din ni Carlo sabay halik nito sa pisngi ni Dayana.





Tatawagin niya pa sanang Ate si Dayana kaya lang nandiyan ang kanyang mga anak at baka marinig pa nilang dalawa.





"Good morning Carlo..." masayang bati din ni Dayana kay Carlo.





Habang kumakain silang lahat ay napansin naman ni Glen na parang malungkot ang mukha ni Miggy kaya agad na niya itong tinanong.





"Miggy?? Anak?? What's wrong?? Why you look so sad??... and bakit may pasa ka sa pisngi mo??.." biglang tanong ni Glen sa kanyang anak. Ngayong umaga lang kasi lumabas ang pasa sa mukha ni Miggy.





"Eh kasi po Mommy... nakipag-away po kahapon si Miggy sa isang kaklase namin..." malungkot na sumbong ni Gwen kay Glen.





"Whaaattt???!!!.." gulat at sabay na sagot naman nina Carlo, Glen at Dayana.





"Anak?? Bakit ka naman nakipag-away??..." agad na tanong ni Carlo kay Miggy pero hindi naman siya sumagot sa kanyang ama at nakayuko lang ito.





"Med?? Bakit hindi namin ito alam?? Bakit hindi mo sinabi sa amin na may nangyari pala kay Miggy sa school??.." tanong naman ni Glen kay Medelyn.





"Eh kasi po Ma'am Glen... ayaw po kasi ni Miggy na sabihin ko po sa inyo yung pakipag-away niya.. ayaw niya daw po kasi kayong mag worry sa kanya..." malungkot na sagot ni Medelyn kay Glen sabay yuko nito.





"Ano ba yung dahilan ng pakipag-away ng apo ko? Medelyn??..." biglang tanong naman ni Dayana sa kanya.





"Hindi ko po alam Ma'am Dayana.. hindi po kasi sinabi sa akin ng teacher nila kahapon..." sagot naman ni Medelyn kay Dayana.





Agad namang nilapitan ni Glen ang anak niyang si Miggy at niyakap ito. Ilang saglit pa ay hinawakan na ni Glen ang pisngi ni Miggy.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now