MY FORBIDDEN LOVE (XIX)

332 18 0
                                    


CHAPTER 19






Samantala... habang abala naman si Carlo sa kanyang ginagawang mga papeles ay may biglang pumasok sa kanyang opisina... si Isabella.





"Hiii!!.." nakangiting bati ni Isabella kay Carlo pagkapasok nito.





"Yes? How may I help you??.." agad na tanong ni Carlo kay Isabella.





"Ako nga pala si Isabella... pero you can call me Belle para madali na lang para sa'yo... anak ako ni Arthur de Chavez... yung ipinakilala sa'yo ni Tita Dayana kahapon..." paliwanag naman ni Isabella kay Carlo.





"Yes! Natatandaan kita... so?? Ano'ng kailangan mo??.." walang kabuhay buhay na tanong ni Carlo kay Isabella habang abala pa rin ito sa kanyang ginagawa.





"Isn't it kind of rude na hindi mo man lang ako tinitignan habang nagsasalita??..." paawa effect ni Isabella kay Carlo. Ilang saglit pa ay tinignan na siya ni Carlo pero halatang naiirita ito sa kanya.





"Ano ba kasi ang kailangan mo??... kita mo namang marami akong ginagawang mga papeles!!..." naiinis na tanong ni Carlo kay Isabella.





"Grabe ka naman Carlo... I just want to be friends with you lang naman eh..." patuloy pa rin sa kanyang paawa effect si Isabella.





"I'm sorry pero marami na akong kaibigan... kaaway? Gusto mo??..." sagot naman ni Carlo sa kanya sabay taas ng kanang kilay nito.





Ilang minuto lang ang lumipas at bigla namang bumukas ang pintuan at si Glen na ang pumasok. Agad namang napalingon si Isabella at Carlo sa taong pumasok.





"Hon!!.." biglang sambit ni Carlo pagkakita nito kay Glen. Agad naman siyang tumayo at dali daling lumapit sa kanyang asawa.





"Isabella?? What are you doing here??..." nagtataka na tanong ni Glen pagkakita nito kay Isabella.





"Wala naman Glen... nakikipagkilala lang kay Carlo..." sagot naman ni Isabella kay Glen.





"If you don't have any transactions here... makakaalis ka na... I still have to talk to my wife... marami pa kaming agenda ngayong araw..." pananaboy naman ni Carlo. Wala nang nagawa pa si Isabella kundi ang lumabas ng opisina ni Carlo.





"Sige.. aalis na ako... pasensya na sa istorbo..." paawa effect na paalam ni Isabella kina Carlo at Glen sabay labas nito sa opisina.





Hindi naman sila sumagot kay Isabella at hinayaan lang nila itong lumabas ng opisina. Nakita pa ni Glen na nag roll eyes si Carlo kay Isabella kaya naman napangiti na lang siya sa kanyang isipan. Nang makalabas na si Isabella ay dali dali nang nilock ni Carlo ang pinto at agad nang niyakap ang kanyang asawa.





"Hoooonnnn!! Huhu!! Thank you for saving meee!!.." biglang sambit ni Carlo habang yakap yakap niya si Glen. Ilang saglit pa ay humiwalay naman si Glen sa pagkakayakap ni Carlo sa kanya bago ito sumagot.





"You know what Hon?? Noong una ay medyo nakakaawa siya dahil you didn't treat her properly kanina but as I've done my research about her kanina... ang masasabi ko lang talaga ay,.. deserve!!..." sagot naman ni Glen sabay tawa nito.





"Nakakairita din naman kasi siya Hon eh.. may balak pang lumandi sa akin... may pa " I just want to be friends with you lang naman ako" siyang nalalaman diyan... if I know.. gusto niya lang maging kabit eh..." natatawang sagot naman ni Carlo kay Glen.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now