MY FORBIDDEN LOVE (XLV)

353 18 1
                                    


CHAPTER 45






Kinabukasan... maaga pa ring nagising sina Carlo at Glen upang pumunta ng opisina dahil sa dami ng kanilang natambak na mga trabaho. Dahil sa pagmamadali ay hindi na rin nila nakuhang magromansahan pa sa loob ng shower room at direcho nang nagbihis at nag-almusal. Nang makaalis na ang mga bata ay nauna na ring umalis si Dayana papunta ng opisina. Di katagalan ay sumunod na rin sina Carlo at Glen na pumunta ng kanilang opisina. Pagkarating nilang dalawa ay kaagad naman silang sinalubong ni Jasmine.





"Good morning Miss G.." nakangiting bati ni Jasmine sabay kuha nito sa bag ni Glen.





"Good morning Jas.." nakangiting bati din ni Glen sa kanyang E.A.





"Pasok na rin ako ng office Hon ah? I love you.." malambing na pagpaalam ni Carlo sabay halik nito sa labi ni Glen.





"I love you so much Hon..." nakangiting sagot naman ni Glen sabay yakap nito kay Carlo.





Nang makapasok na silang dalawa ay kaagad nang lumabas si Jasmine upang ipagtimpla ng kape si Glen. Di katagalan ay bumalik na rin si Jasmine dala ang itinimpla nitong kape para kay Glen. Habang abala naman sa pagkakape si Glen ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok naman si Mike.





"Good morning everyone..." masayang bati ni Mike kina Glen at Jasmine.





"My goshh!! Good morning babe!!.." nakangiting bati din ni Glen sabay lapit nito kay Mike at niyakap.





"Good morning Jasmine.." agad na baling ni Mike kay Jasmine.





"Good morning Mike.." nakangiting sagot ni Jasmine kay Mike.





"Tatambay ka ba dito Mike??..." agad na tanong ni Glen sa kanyang bestfriend.





"Oo naman... kung okay lang kay Jasmine.." nakangiting sagot naman ni Mike sabay tingin nito kay Jasmine.





"Huh?? Bakit sa akin pa manggagaling ang permiso?? Eh hindi naman po ako ang may ari ng opisinang ito.. dapat si Miss G ang tanungin mo.." nahihiyang sagot ni Jasmine kay Mike.





"Eh alam ko namang Oo ang sagot ni Glen eh.. so magtatanong din ako sa'yo kung okay lang na nandito ako.. gusto rin kasi kitang makachismisan eh.." nakangiting sagot ni Mike kay Jasmine.





"Uhmm... wala naman pong problema..." nakangiting sagot ni Jasmine kay Mike.





"Alright!! That's settled then.. tatambay na ako dito para makapag chismis ako sa inyo dito.." sagot naman ni Mike.





Ilang oras ang lumipas... habang abala naman silang tatlo sa kanilang pag-uusap ay biglang pumasok itong si Carlo at pagkakita nito kay Mike ay biglang nagbago ang mood nito.





"Ano'ng ginagawa mo dito??.." gulat na tanong ni Carlo pagkakita nito kay Mike.





"Uhmm.. Hon?? Halika dito.." agad namang tawag ni Glen sa kanyang asawa.





My Forbidden Love: A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon