MY FORBIDDEN LOVE (XLVII)

318 18 0
                                    


CHAPTER 47






Nagulat naman si Glen sa sinabing iyon ni Jasmine at kinakabahan at the same time kahit hindi pa niya alam kung ano ang nangyari kay Phoenix.





"Sorry Miss pero kailangan ko na pong pumunta ng ospital..." nanginginig na pagpapaalam ni Jasmine kay Glen.





"Ihahatid na kita Jasmine..." pagpiprisinta naman ni Mike kay Jasmine.





"Uhmm... paano ba ito?? Hon?? Okay lang ba if sumama ako sa kanila??.." kinakabahan na tanong ni Glen kay Carlo.





"Oh sige Hon.. ako nang bahala kina Miggy at Gwen... balitaan mo na lang ako kung ano ang nangyari.. mag ingat ka ha??.." sagot naman ni Carlo sabay halik nito sa labi ni Glen.





Agad nang umalis sina Mike, Jasmine at Glen papuntang parking lot at sumakay sa kotse ni Mike at  dali daling nagdrive sa ospital kung saan nandoon si Phoenix at ang kanilang anak na si Coco. Pagkarating nilang tatlo sa ospital ay kaagad nang nagtungo ng lobby si Jasmine upang tanungin kung nasaan ang pasyente na si Phoenix de la Vega. Nang maituro na kung saan ay dali dali na din silang nagpunta doon. Pagkarating nila ng emergency room ay laking gulat nila nang makita nilang duguan sina Phoenix at Coco at inaasikaso na sila ng mga doktor.





"Dok!! Ano po ang nangyari sa asawa at anak ko????..." humahagulgol na tanong ni Jasmine sa mga doktor.





"Naaksidente po sila sa kanilang sasakyan Ma'am... meron pa pong head injury sa kanilang dalawa.. but we'll do our best para maisalba sila.." pag aassure naman ng doktor kay Jasmine.





Agad namang inalalayan nina Mike at Glen si Jasmine dahil nanghina na ito matapos niyang marinig ang nangyari sa kanyang asawa at anak.





"Phoenix!!... Coco!!!.." humahagulgol na sambit ni Jasmine.





"Tahan na Jasmine.. nandito lang ako para sa'yo..." pag aalo naman ni Mike sabay yakap nito kay Jasmine.





Si Glen naman ay hindi na makapagsalita at patuloy lang ang pag agos ng kanyang mga luha dahil sa nangyari din kay Phoenix at sa kanyang inaanak na si Coco.

Ilang oras na ang lumipas at lumabas na rin ang doktor at sinabing stable na ang kalagayan ni Coco pero...





"Miss Jasmine??.." agad na tawag ni doktor kay Jasmine.





"Dok?? Kamusta na po ang asawa at anak ko??.." lumuluha at kinakabahang tanong ni Jasmine sa doktor.





"I have good news and bad news for you Ma'am.." sagot naman ng doktor kay Jasmine.





"Ano po yung good news niyo dok??.." tanong naman ni Jasmine.





"The good news is.. stable na po ang kalagayan ng anak niyo..." sagot naman ng doktor kay Jasmine.





"Hayyyy!!! Salamat naman.." umiiyak na sagot naman ni Jasmine.





"A-ano naman po yung bad news??.." kinakabahan nang tanong ni Jasmine sa doktor.





My Forbidden Love: A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon