MY FORBIDDEN LOVE (XVII)

359 19 0
                                    


CHAPTER 17






Nagising si Glen ng alas cinco ng madaling araw dahil nakaramdam siya ng uhaw at naiihi rin at the same. Dahan dahan naman niyang inalis ang pagkakayakap ni Carlo sa kanya at maingat na bumangon sa kanilang higaan. Tinungo niya muna ang banyo para umihi at pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone hanggang sa lumabas na siya ng kanilang kwarto at bumaba papunta ng kanilang kusina para uminom ng tubig. Pagkarating niya sa kitchen ay nag iba na naman ang gusto niyang inumin. Agad na niyang kinuha ang mug at nagtimpla na lang siya ng kape dahil ayaw na niyang bumalik sa pagtulog. Habang nagkakape siya ay naisipan niyang tawagan through facetime ang isa sa mga paborito niyang kausap.





"Baaaaabeeee!!!..." masayang bungad ni Mike pagka-sagot nito sa tawag ni Glen.





"Kamusta ka na babe?? Anyway... huyy!! Nakalimutan kong magpasalamat sa'yo sa ipinadala mong gift sa akin... I really appreciate it and halos mapunit yung bibig ko sa kakangiti dahil sa mga pictures na ipinadala mo at pati na rin sa video greetings mo.." nakangiting sagot naman ni Glen kay Mike.





"Kulang pa nga 'yon babe eh.. sa dami ng ating adventures.. kukulangin ang isang explosion box sa mga pictures natin..." nakangiting sagot ni Mike kay Glen.





"Oo nga babe eh... baka mapapagastos ka ng malaki sa shipping fee kung ipapadala mo lahat ng mga pictures nating dalawa..." sagot naman ni Glen kay Mike sabay tawa nito.





"Sinabi mo pa babe... anyway... 5am pa lang diyan sa inyo ah... ang aga mo namang magising babe..." tanong naman ni Mike kay Glen.





"Yes babe... naiihi kasi ako and nauuhaw din at the same time kaya napilitan akong bumangon... pero kape yung ininom ko instead of water..." nakangiting sagot ni Glen kay Mike.





"Hayyy!! Babe talaga!! Sinabi na ngang water ang uunahin sa morning ehhh!!... sige ka!! Magagalit ako sa'yo..." pagpapacute ni Mike na ikinangiti naman ni Glen.





"No worries babe... here's my water.." nakangiting sagot ni Glen sabay pakita ng baso ng tubig kay Mike.





"Very good talaga ng bestfriend ko... I love youuuu..." malambing na sambit ni Mike kay Glen.





"I love you more babe!!... miss na miss na kitaaaa!!.." nakangiting sagot ni Glen kay Mike.





"Miss na miss din kita babe... kung nandito ka lang sana sa Pinas... hindi sana problema sa atin ang pagkikita..." nakangiting sagot ni Mike kay Glen.





"Pwede mo naman akong bisitahin dito eh..." pagpapacute naman ni Glen kay Mike.





"Akala mo naman babe nasa kabilang kanto lang ang Puerto Rico nuh??.." natatawang sagot ni Mike kay Glen.





Tatlumpung minuto din nagkausap sina Mike at Glen hanggang sa natapos din ang kanilang pag uusap. Kaagad nang bumalik si Glen sa kanilang kwarto dahil 5:30 pa lang. Pwede pa siyang matulog ulit... pagkabalik nito sa kanilang kama ay kaagad na niyang niyakap si Carlo pero nabigla siya ng inalis ni Carlo ang pagkakayakap nito sa kanya. Dali dali namang pinailaw ni Glen ang lampshade nila.





"Hon??... may problema ka ba??..." nagtatakang tanong ni Glen sabay haplos nito sa braso ni Carlo. Hindi naman sumagot si Carlo at nagtalukbong lang ito ng kumot.





"Ayan ka na naman sa silent war mo Hon eh... ano bang problema??..." patuloy na tanong ni Glen kay Carlo pero nagmukha lang siyang tanga dahil parang nakikipag-usap lang siya sa hangin.





My Forbidden Love: A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon