MY FORBIDDEN LOVE (XX)

350 18 0
                                    


CHAPTER 20






Nang makalabas na sina Carlo at Glen ay saktong naghihintay naman ang tatlo. Pinauna nang umuwi si Medelyn sa bahay kasama ang driver nila. Sumabay na lang sina Miggy at Gwen kina Carlo at Gwen papuntang office. Habang nasa parking area pa lang sila ay hinawakan naman ni Miggy ang isang kamay ni Glen.





"Mommy???..." agad na sambit ni Miggy pagkahawak nito sa kamay ni Glen.





"Yes baby??.." sagot naman ni Glen sabay hinto nilang lahat.





"I'm really sorry for these incidents..." malungkot na paghingi ng paumanhin ni Miggy habang hawak hawak nito ang isang kamay ni Glen.





"What happened ba anak??..." agad na tanong ni Glen sa kanyang anak.





"That kid disrespected you Mom... I am not that kind of person na tinotolerate ang ganyang klaseng behavior.." sagot naman ni Miggy kay Glen.





"Pero sana hindi mo na lang siya pinatulan... you should have let that slide anak... ayoko kasing mapahamak ka... ayokong masaktan ka..." malungkot na sagot ni Glen sa kanyang anak.





"You know what Mommy?? May palaging itinuturo sa amin si Daddy na isiniksik namin ni Gwen sa aming isipan..." sagot naman ni Miggy kay Glen.





"Ano yun anak??..." tanong naman ni Glen kay Miggy.





"Daddy told us na... "Hindi dapat kami papayag na lait laitin ka ng kahit na sino... at higit sa lahat... hindi kami papayag na tapak tapakan ng iba ang pagkatao ng mahal namin..." malungkot na sagot ni Miggy kay Glen.





Naalala naman ni Glen ang sinabi sa kanya noon ni Carlo nung time na nagjogging silang dalawa at nakasalubong nila si Vanessa. Agad naman na tinignan ni Glen si Carlo at saktong nakangiti ito sa kanya. Napaluha na lang si Glen habang nakatingin ito kay Carlo. Ilang saglit pa ay lumuhod na si Glen at agad na niyakap ang kanyang mga anak.





"Thank you so much anak... your Daddy taught you very well..." umiiyak na sambit ni Glen sa kanyang mga anak.





"Don't cry na Mommy... we will always protect and love you..." sagot naman ni Miggy habang yakap yakap nila si Glen.





"I'm so lucky to have you both in my life..." umiiyak na sambit ni Glen habang nakayakap sa kanya sina Miggy at Gwen.





"We love you Mommy..." malambing na sagot ng kambal kay Glen.





"Mahal na mahal ko din kayo mga anak..." sagot naman ni Glen sa kanyang mga anak.





Ilang saglit pa ay niyakap na rin ni Carlo ang kanyang mag-ina sabay halik nito sa pisngi ni Glen.





"We love you Daddy!!.." sambit naman ng kambal kay Carlo.





"I love you so much mga anak..." sagot ni Carlo kina Miggy at Gwen.





Di katagalan ay napagpasyahan na nilang umalis. At dahil hindi na rin pumasok ang kanilang mga anak ay balak sana nila itong pauwiin na lang sa bahay pero gusto ng kambal na makasama ang kanilang mga magulang kaya isinama na lang nila ito papunta sa opisina. Pagkarating nila ay saktong nandun si Dayana at Arthur na nag uusap. Dali dali namang lumapit ang kambal kay Dayana at agad na niyakap ito.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now