MY FORBIDDEN LOVE (XXIX)

315 18 0
                                    


CHAPTER 29






Lumipas ang dalawang buwan hanggang sa dumating ang buwan ng kapanganakan ni Carlo. Buwan ng Abril.





Gumising si Glen ng alas cuatro ng madaling araw dahil magbibake pa siya ng Cake para sa kanyang mahal na asawa. Maingat na inalis ni Glen ang pagkakayakap sa kanya ni Carlo at dahan dahan na bumangon. Nang makalabas na si Glen ng kwarto nila ay kaagad na siyang nagtungo ng kusina upang simulan ang pagbi-bake. Mag aalas seis na ng umaga nang matapos ang pagluluto ni Glen. Dali dali na siyang nagtungo ng kwarto nina Miggy at Gwen para gisingin sila dahil isusurprise nila si Carlo.





"Mga anak?? Gising na kayo..." mahinang panggigising ni Glen sa kanyang mga anak.





"Good morning Mommy!!..." agad na bati ni Gwen sabay bangon nito at yakap kay Glen.





"Good morning anak... pakigising na lang ang kakambal mo anak..." utos naman ni Glen sa kanyang anak na babae.





"Kuyaaaa!!!... wake up!! Birthday ngayon ni Daddy!! Isusurprise natin siya ngayon... remember??.." panggigising naman ni Gwen kay Miggy.





"Ayyy!! Oo nga pala... sorry... good morning Mommy!!..." sabay bangon naman ni Miggy at dali daling niyakap si Glen.





"Good morning anak... punta na kayo ng CR and mag brush na kayo ng teeth niyo then lalabas na tayo after..." utos naman ni Glen sa kanyang mga anak.





Di katagalan... nang makapag-sipilyo na sina Gwen at Miggy ay kaagad nang ibinigay ni Glen ang birthday pipe sa dalawa at maingat na tinungo ang kwarto nina Glen at Carlo. Nang makapwesto na sina Gwen at Miggy sa tabi ni Carlo ay dahan dahan namang ginising ito ni Glen.





"Hooonnn???... gising na!! Good morning..." malambing na panggigising ni Glen sabay halik nito sa labi ni Carlo.





"Ang sarap naman nun Hon... good mor--..." hindi pa natapos ang pagbati ni Carlo kay Glen nang biglang magsalita sina Miggy at Gwen.





"Happy Happy Birthday Daddyyyyy!!!!..." sabay na bati nina Miggy at Gwen sabay yakap ng mga ito kay Carlo.





"Aaaahhhhh!!! Nagulat naman ako dun mga anak... Thank youuuuuu..." tuwang tuwa na sagot ni Carlo sabay bangon nito at niyakap din ang kanyang mga anak.





"We love you Daddyyy!!!..." sambit naman ng kambal sabay halik nito sa magkabilang pisngi ni Carlo.





"Mahal na mahal ko din kayo mga anak..." sagot ni Carlo habang yakap yakap nito ang kanyang mga anak.





"Mga anak?? Gisingin niyo na din ang Mamita niyo and tell your Yaya Medelyn na paliguan na kayo para makapag-breakfast na tayo ha??..." utos naman ni Glen sa kanyang mga anak.





"Yes po Mommy... halika na Kuya..." sagot naman ni Gwen sabay aya nito kay Miggy na lumabas ng kwarto.





Nakita pa ni Glen na nilock ni Miggy ang pinto bago tuluyang lumabas ng kwarto. Napangiti na lang si Glen dahil sa ginawa ng kanyang anak. Nang makaalis na ang kambal ay nabigla naman si Glen nang bigla siyang hilahin ni Carlo pahiga. Agad namang pumatong si Carlo kay Glen at tinitigan ng ilang segundo.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now