MY FORBIDDEN LOVE (XXXVIII)

289 18 0
                                    


CHAPTER 38






Pagkabalik naman ni Glen sa kanilang table ay kaagad na siyang umupo sa tabi ng kanilang mga anak. Di katagalan ay nag umpisa na nga ang party ni Mariana. May pa-program yan ciempre... may speech galing sa mismong may birthay... at sunod naman na nangyari ay may kumanta sa mini stage. Pagkatapos ng kanilang mini program ay nag umpisa na din silang kumain. At ciempre hindi naman napigilan nina Carlo at Glen ang magsubuan ng kanilang pagkain... hindi rin ciempre nakalimutan na subuan ang kanilang mga anak.





Ilang oras ang lumipas... pasado na alas ocho ng gabi at hindi pa rin natatapos ang party. At dahil nga may bata silang kasama ay napagpasyahan naman ni Carlo na mauuna na lang sila ng mga bata na umuwi dahil sabi nga nito kanina kay Glen na okay lang sa kanya na magpapaiwan muna siya para makasama niya ang kanyang bestfriend na si Mike. Ilang saglit pa ay nagpaalam naman si Carlo kay Mariana na mauuna na silang umuwi ng kanilang mga anak dahil ayaw nitong mapuyat. Kinausap pa ni Carlo si Mike na siya ang maghahatid pauwi kay Glen mamaya.





Nang makaalis na si Carlo at ang mga bata ay kaagad nang pumunta si Glen sa table ni Mike at nakipag-chismisan. Pero dahil masyadong maingay ay inaya ni Mike si Glen sa kanyang kwarto nang makapag-pahinga siya at ang kanyang tenga. Pagkapasok nito sa loob ng kwarto ni Mike ay kaagad nang inalis ni Glen ang suot nitong heels at nahiga sa kama ni Mike. Agad namang kumuha ng slippers si Mike at pinahiram ito kay Glen.





"Feel yourself at home babe ha??... wag kang mahihiya dito.." nakangiting paalala naman ni Mike sabay upo nito sa tabi ni Glen. Agad namang bumangon si Glen at niyakap nang mahigpit si Mike.





"Bakit babe?? Ano'ng problema??.." agad na tanong ni Mike habang yakap siya ni Glen.





"Wala naman babe... I really miss you eh..." sagot naman ni Glen sabay hiwalay nito sa pagkakayakap kay Mike.





"Aww... sobrang namiss din kita babe..." nakangiting sagot ni Mike sabay sundot nito sa ilong ni Glen.





"Nasaan nga pala ang kapatid mo babe??..." tanong naman ni Glen kay Mike.





"Nasa Brazil na yun babe... dun na siya nagtatrabaho at may pamilya na siya dun..." sagot ni Mike kay Glen.





"Oohh.. mabuti naman kung ganon... eh ikaw babe?? Kailan ka magkaka-pamilya?? Kailan mo bibigyan ng apo si Tita Mariana??..." agad na tanong ni Glen kay Mike.





"Kung magiging akin ka ulit babe..." biglang sagot ni Mike kay Glen.





"Babe talaga oh!! Huwag ka ngang magbiro nang ganyan..." nakangiting sagot naman ni Glen kay Mike.





"Hindi naman ako nagbibiro babe.. to be honest... hindi pa rin ako nakakamove on sa'yo babe... I still love you.." seryosong sagot ni Mike habang nakatitig siya sa mga mata ni Glen.





"Hayyy... Michael Angelo Fernandez... I'm really sorry for everything babe ha??..." malungkot na paghingi ng paumanhin ni Glen kay Mike.





"No.. it's okay babe... ayos na sa akin na malaman kong masaya ka na sa piling ni Sir Carlo... na hindi ka napunta sa maling tao... na inaalagaan ka niya nang mabuti... yun lang ang gusto kong mangyari kung hindi man maging tayo babe and it's happening now.. so thankful pa rin ako kasi maayos na ang sitwasyon ng taong mahal ko..." sagot naman ni Mike sabay ngiti nito kay Glen.





My Forbidden Love: A New BeginningNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ