MY FORBIDDEN LOVE (XLII)

295 17 0
                                    


CHAPTER 42






Napuno ng magaganda at masasayang happenings ang bahay nila sa Iloilo. Ciempre ang pinakamasaya ay sina Glen at Carlo. Ito lang kasi ang naging bakasyon nila na wala silang inisip na trabaho bukod sa pamamasyal kasama ang kanilang mga anak at ciempre ang kanilang maiinit na pagtatalik gabi gabi. Mahigit isang araw ulit ang ibiniyahe nila mula Pilipinas papuntang Puerto Rico. Masaya silang sinalubong ni Dayana pagkarating nila at dinalhan pa nila ng pasalubong ang lahat ng kanilang mga tao sa bahay.





Araw ng Lunes... balik trabaho na naman sila. Balik eskwela rin ang kanilang mga anak. Maagang nagising sina Carlo at Glen dahil nga babalik na sila sa kanilang mga trabaho. Agad na silang nagtungo ng banyo para maligo. Nang makapagbihis na silang dalawa ay agad na silang lumabas at tinungo ang dining area para mag-almusal.





"Good morning Mommy!! Good morning Daddy!!.." sabay na bati nina Miggy at Gwen kina Carlo at Glen.





"Good morning sa aming mga baby.." sabay din na bati nina Carlo at Glen sa kanilang mga anak.





"Good morning Ma.." bati naman ni Carlo kay Dayana.





"Good morning Carlo... maupo na kayo at kumain na.." sagot naman ni Dayana sa kanila.





Habang kumakain sila ay napansin naman ni Glen na parang hindi masyadong masaya ang kanyang mga anak kaya agad na niya itong tinanong.





"Oh?? Bakit parang ang tamlay ninyo mga anak??.." tanong ni Glen kina Miggy at Gwen.





"Eh kasi Mommy... bitin yung bakasyon natin sa Philippines eh.. gusto ko pong bumalik don.." sagot naman ni Miggy sa kanyang ina.





"Oo nga Mommy... kailan po kaya tayo makakabalik doon??.." sang ayon naman ni Gwen.





"Don't worry mga anak... makakabalik at makakabalik tayo doon..." sagot naman ni Carlo sa kanyang mga anak.





"Talaga po Daddy?? Yayyy!!!.. Thank you Mommy!! Thank you Daddy!!.." masayang sagot naman ng kambal sabay yakap ng kambal kina Carlo at Glen.





"Sana po sa susunod ay kasama na natin si Mamita para mas lalong masaya..." pakiusap naman ni Gwen.





"Hayy.. mga apo.. kung pwede lang sana ay sasama talaga ako kaya lang marami talagang work si Mamita eh... nandiyan naman ang Mommy at Daddy niyo..." nakangiting sagot ni Dayana sa kanyang mga apo.





Di katagalan... nang matapos na silang mag-agahan ay kaagad nang nagpaalam sina Miggy at Gwen na papasok ng paaralan. Nauna na rin si Dayana na pumunta ng office dahil meron pa siyang pupuntahan bago dumirecho ng office. Nang matapos ding mag-almusal sina Carlo at Glen ay kaagad din naman silang umalis papunta ng kanilang opisina. Pagkarating nila ay masaya silang sinalubong ng kanilang mga empleyado.





"Welcome back Miss G, Sir Carlo.." nakangiting bungad ni Jasmine sa kanilang dalawa.





"Good morning Jas.." nakangiting bati ni Glen kay Jasmine.





My Forbidden Love: A New BeginningUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum