MY FORBIDDEN LOVE (XLIX)

358 18 1
                                    


CHAPTER 49






Isang linggo ang lumipas at tuluyan nang inilibing ang bangkay ni Phoenix. Masakit man sa kanila na iwan sila ni Phoenix pero kailangan nilang tanggapin na may hangganan ang isang bagay sa mundo. Pagkalipas ng ilang araw ay gumaling na rin si Coco mula sa aksidente. Pagkatapos ng isang buwan na Vacation leave ni Jasmine ay bumalik na rin siya sa kanyang trabaho.

Maaga namang nagising sina Glen at Carlo dahil na rin sa kanilang mga trabaho. Pagkatapos nilang maligo at magbihis ay agad na silang lumabas ng kwarto at tinungo ang dining area at sinabayan na sa almusal ang kanilang mga anak at si Dayana. Di katagalan ay nagpaalam na rin ang kambal na pupunta ng kanilang school. Sumunod naman si Dayana na umalis dahil may dadaanan pa ito bago dumirecho ng opisina. Nang matapos na rin sina Carlo at Glen ay kaagad din naman silang umalis. Pagkarating ng dalawa sa opisina ay kaagad naman silang sinalubong ni Jasmine.





"Good morning Miss G..." nakangiting bati ni Jasmine sabay kuha nito sa bag ni Glen.





"Good morning Jas.." bati din ni Glen sa kanyang E.A.





"Hon? I'll be going inside na ha?? I love you..." malambing na sambit ni Carlo sabay halik nito sa labi ni Glen.





"Sure Hon. I love you more..." nakangiting sagot ni Glen sabay yakap nito kay Carlo.





Nang makapasok na sila ay kaagad namang lumabas si Jasmine upang ikuha ng kape si Glen. Pagkabalik nito ay agad naman siya bumalik sa kanyang table at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Napapansin naman ni Glen na mapula ang mata at pisngi ni Jasmine kaya naman tinawag niya muna ito upang kausapin.





"Jas??..." biglang tawag ni Glen sa kanyang E.A.





"Yes po Miss??.." sagot naman ni Jasmine sabay tayo nito at lumapit kay Glen.





"Come here..." sagot naman ni Glen sabay yakap nito kay Jasmine.





"I know how painful it is.." sambit naman ni Glen. Bigla namang napaiyak itong si Jasmine at hinigpitan ang yakap nito kay Glen.





"Hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala na si Phoenix, Miss G.." humahagulgol na sambit ni Jasmine habang nakayakap siya kay Glen.





"Ako din naman Jas... ang sakit kasi naging kaibigan ko din si Nick... pero Jas? Kailangan mong maging matatag para kay Coco..." pag aalo naman ni Glen kay Jasmine.





"Alam mo Miss?? Pareho po tayong tinutulan ng mga magulang ni Phoenix.. kahit hanggang ngayon na malaki na ang anak namin.. hindi pa rin ako tanggap ng mga magulang niya..." umiiyak na sambit ni Jasmine kay Glen.





"I'm really sorry Jas kung sinadya ni Tita Consuelo na iparinig yon sa'yo... masakit sa akin na ginaganyan ka nila.." malungkot na sagot ni Glen kay Jasmine.





"And besides.. hindi naman nila sasabihin sa akin yon kung hindi namatay si Phoenix eh.. naiintindihan ko naman sila kung bakit.. pero nangyari na eh.. wala na silang magagawa doon.. kahit sabihin pa nila na sana ako na lang ang naging girlfriend ni Phoenix para buhay pa siya hanggang ngayon... eh kung ako nga ang naging girlfriend ni Phoenix tapos namatay siya... ganun din naman ang mangyayari Jas.. ako ang sisisihin.. hindi ko na nga nabigyan ng anak.. namatay pa sa puder ko..." sagot naman ni Glen.





My Forbidden Love: A New BeginningWhere stories live. Discover now